Natapos ang UTERA ng masaya at mapayapa. Pagod na pagod kaming lahat dahil wala kaming pahinga sa laro at training pero worth it naman lahat dahil nanalo kami. Kami parin ang champion sa UTERA at sana sa kami parin sa Cup tournament.
" Alyx tikman mo 'to masarap to" alok ni Gab habang may team dinner kami. Kasama namin ang ibang team kaya exclusive lang ang restaurant para saamin. Nakaupo kami sa mahabang mesa habang nasa harap namin ang maraming pagkain.
" No. Mas masarap 'to. " Angal agad ni
Bria kaya natawa ang ilan. Buti nalang ang mga coaches at manager namin ay nasa kabilang table.Halos ganito kami lagi tuwing magkakasabay kaming kumain sa hotel kaya minsan hinihiling ko na kami-kami lang.
" Move on na kayo guys " wika ni Sheryl at ngumiti. Hindi kami nakapag-usap pero sa palagay ko naman ayos na siya.
" Oiy wala kanang gusto kay Alyx , She?" Tanong ni Kimberly dito.
Natawa siya at tumango. " Alam ko kasing wala akong pag-asa eh. Sampalin ka ba naman ng halik " natawa ang mga kateam ko at team ng UDV dahil alam nila ang tinutukoy niya. Natawa din tuloy ako..
" What do you mean?" takang tanong ni Rheina.
" Wala kumain na tayo" umiiling na sagot niya.
" Tama naman si Sheryl, wala talaga kayong pag-asa sa Alyx namin. Mataas ang bakod dyan " ngumisi si Rosie saakin kaya napailing ako. Ako na naman ang naging topic dito.
" Whatever you say guys. Hindi parin ako susuko kay Alyx " ngumiti pa si Rheina saakin kaya napakamot ako batok bago pinisil ang ilong ko.
" Mas lalo na ako. " Agad na sagot ni Bria.
" Me too" tinaas pa ni Gab ang kamay niya kaya natawa ang ilan.
Hindi ko alam kong ano bang nagustuhan nila saakin.
" Kayong bahala. " balewalang sagot nalang ni Sheryl..
" Bakit niyo ba kasi pinagpipilitan ang mga sarili niyo kay Alyx, nandito naman kami." pang-aasar ni Rosie. Siraulo talaga, pero pag may lumandi umaayaw naman.
" Ikaw lang! wag muna kami damayin. Hindi kami mahilig sa pritong itlog, sa hatdog kami" malakas na natawa kami sa sinabi ni Chenee, setter ng UDV.
"talaga lang huh. Baka mabaliko kita kaya wag kang magsalita ng patapos " panghahamon ni Rosie dito at ngumisi.
" Kung mababaliko man ako hindi sayo. Ang pangit mo kaya " umirap pa siya kaya napasimangot naman ang isa. HAHA pangit.
Sinundan namin ng tingin si Rosie nang tumayo ito at lumapit kay Chenee. Nakangisi ulit ito kaya alam kona kong anong kalokohan na naman ang gagawin niya.
" Pangit ako? talaga?" ngumisi ulit siya at dumukwang kay Chenee na ikinagulat naman ng isa. Nagsigawan ang iba ng nilapit ni Rosie ang mukha nito.
"L-umayo ka nga "utal na sabi ng isa na mas ikinalapad ng ngisi niya.
" Bakit? "
Akmang hahalikan niya si Chenee nang tumayo din si Jiwan kaya natahimik ang lahat at hinihintay kong anong gagawin niya. Naglakad siya papunta sa gawi ng dalawa at hinila niya patayo si Chenee. Walang expression ang mukha niya at malamig ang mga tingin na pinupukol niya kay Rosie pero hindi man lang nabura ang ngisi nito sa halip ay mas lumapad pa.
" Try to kiss her again, I'll crash you into pieces " dumagondong ang malamig na boses nito.
Ngumisi lang si Rosie. Walangya hindi man natakot. Katakot kaya si Jiwan kapag galit. " Try me " she said in conviction bago hinila palabas si Chenee na tulala parin sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |
Teen FictionUniversities Series # 1 HIGHEST RANKING: 🥇- #1 games