" Lux service award is given to Krizen Avila for keeping the light to others burning brightly to the Francis Syn University. "
Proud na pumalakpak ako para sa girlfriend ko dahil sa award na kanyang natanggap maliban pa sa Magna Cum laude na nakuha niya. Tumayo na siya mula sa upuan niya habang suot ang graduation toga niya na bagay na bagay talaga sakanya. Para lang siyang model na naglalakad paakyat ng stage kasama ang parents niya.
" Lux service award is the most prestigious award given to graduating students each of the academic year to acknowledge the culmination of their overall involvement. "
Grabe ang galing talaga ng girlfriend ko. Ang tanging nakuha ko lang na award ay Outstanding athlete of the year pero wala namang problema. Masaya ako na meron.
" Next Lux service award is given to Vannesa Millen." Gulat na napalingon ako sa best friend ko. Hindi kami magkatabi sa upuan dahil alphabetical ang assigned seats namin. Malakas na pumalakpak din ako kaya agaw atensyon ulit ako pero wala akong pakealam. Proud ako sa best friend ko eh. Galing! Ang talino talaga.
Nang dumaan siya sa row ng upuan ko ay kinindatan ko siya ng mapang-asar. " Sana all! Sana all!" Natawa lang siya saakin. Marami pang nakakuha ng Lux service award mula sa ibang course.
" Let's move on to the Outstanding Student Leader Award of the Year. This award recognizes a student who has shown outstanding leadership during her Francis Syn University experience. Through innovation, motivation, initiative, and perseverance, this person will have demonstrated a commitment to creating positive change in our campus community. This student will also have an outstanding academic record. May we call on to the stage the President of Student Government, Miss Krizen Avila who brought honor and prestige to Francis Syn University through her selfless acts of
leadership."Wala sa sariling napatayo ako at pumalakpak kaya kahit na medyo malayo siya ay napalingon siya saakin at lumapad ang ngiti. Sobrang proud ako sakanya.
Naglakad na siya pero—papunta saakin?
Malakas na tilian ang naririnig ko habang nakatitig sa pigura niyang papalapit saakin.
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na siyang sa sobrang focus ko sa pagtitig sakanya. Mas gumanda siya lalo! Walang kupas ang ganda.
Gandang luluhuran.
" Hey love. Everyone is waiting on the stage." Narinig ko ang matamis na boses niya.
" H-ah?" Takang tanong ko kaya narinig ko ang tawa ng ibang tao kaya medyo nahiya ako. Para akong tanga! Nakakul*l naman kasi ang ganda ng girlfriend ko.
Hindi na siya nagsalita at kinuha nalang ang kamay ko at pinagsiklop bago hinila paakyat sa stage.
" Teka lang baby–bakit mo ako sinama?" Takang tanong ko.
Ramdam ko ang tingin nang lahat ng tao. May mga camera pa at merong live kaya tiyak na marami ring nakakapanuod nito ngayon. Pero hindi naman ako nahihiya. Proud kaya ako sa girlfriend ko.
" Ikaw ang magsasambit ng medal ko." Sagot niya at nilingon ako bago ngumiti kaya napangiti narin ako at sinabayan siya sa paglakad paakyat ng stage.
Nang makalapit kami ay binati naman nila si Krizen bago binigay ang medal. Magkaharap kaming dalawa at parehong may ngiti sa labi. Maraming nakatutok na camera.
" Sobrang proud ako sayo Krizen. Sobra sobra." Sabi ko at sinabit ang medal sakanya. " Deserve mo lahat ng 'to."
Mabilis na niyakap niya ako sa harap ng maraming tao. "I'm proud of you too my love. I love you my Amora. " Madamdaming sabi niya at kumalas sa yakap.
BINABASA MO ANG
𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |
Teen FictionUniversities Series # 1 HIGHEST RANKING: 🥇- #1 games