4

36.5K 1.2K 244
                                    

" San kana?" Tanong ni Van sa kabilang linya.

Napasimangot ako sa naging tanong niya. " Hindi ako pinayagan ni Mama. Gagala lang daw ako. Hindi naman ako lalagpas ng Philippine area of responsibility"

Narinig ko ang tawa nito sa kabilang linya kaya napabusangot ako.

" Sige pupuntahan nalang kita. Ako na magpapaalam sayo" natuwa naman ako sa narinig dahil kapag siya nagpaalam tiyak na papayagan ako. Lakas talaga ng bestfriend ko kay Mama parang hindi ako tunay na anak.

Binaba na nito ang tawag kaya hinintay ko nalang siya dahil nakabihis na ako at lahat-lahat pero hindi ako pinayagan ni Mama. Linggo ngayon kaya pahinga namin sa training. Ito na nga lang 'yong time na makakagala ako si Mama ang pangit ka bonding.

Hindi nagtagal ay dumating din si Van at tulad nang inaasahan ay pinayagan nga ako. Birthday kasi ngayon ni Payton 'yong isa sa mga rookies namin tapos inimbitahan kami.

Pagdating namin sa tapat ng bahay nila ay nagpark na ako sa tapat lang ng bahay. Ako kasi ang nagmaneho ng kotse ni Van.

" Nandyan na ata sila Rosie" sabi ni Van habang papasok na kami.

" Hindi na nakakapagtaka." sagot ko na ikinatawa niya.

Nang tuluyan kaming makapasok at nakita na agad namin sila sa sala na lumalamon. Mga yawa talaga!

" Hoy!" sigaw ko kaya nagulat silang lahat. Si Rosie ay natapon ang pagkain mula sa bibig niya sa damit ni Mia kaya takot na takot ito. Sinamaan nila ako ng tingin pero tumawa lang kami. Si Van nakahawak na sa tiyan sa sobrang tawa.

" Punyeta ka talaga Amora!" sigaw ni Rosie kaya napaismid ako sa tinawag niya saakin. Nakabawi ang letsugas.

" Nasaan na 'yong birthday celebrant?"
pag-iiba ko sa topic.

" Peypey!" tawag nila Rosie sakanya. May mga nickname na agad sila.

Lumabas naman si Payton mula sa kung saan habang may dala itong spaghetti kaya ang mga walang hiya lumapit agad sakanya at kinuha ang dala niya. Si Captain at Ariane lang ang matino sakanila.

" Happy birthday Payton" bati ko. " Sorry wala akong gift hindi na ako nakabili. " Ngumiti ako sakanya pero wala naman talaga akong balak bumili. Ang plastic ko talaga HAHAHA pero alam kong pareho rin kami ni Van.

" Its okay Ate. Sige na kumain na kayo." Sabi niya.

Umupo na kami ni Van sa tabi nila Rosie na walang tigil sa paglamon.

Nasa gitna kami nang pagkain nang bumukas ang pinto at pumasok mula roon ang taong hindi ko inaasahan. Nabulunan tuloy ako kaya tinawanan ako nila Rosie. Mabuti at binigyan ako ng tubig ni Captain.

" Hi Pres " bati nila kay Krizen at simpleng tumango ito. Hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. May pumasok na naman at si Krizzle. Bakit sila nandito?

" Ate Krizen! ate Zel!" masayang lumapit sakanilang dalawa si Payton. Oh kaya pala sila nandito. Magkakilala pala sila.

" Happy bithday pinsan." lumaki ng bahagya ang mga mata ko. Magpinsan sila? Ang liit talaga ng mundo.

" Thank you ate. I thought hindi kayo makakapunta. " Payton said to them.

" Sus makakalimutan ba namin ang birthday mo? ang tagal maligo ni Ate Krizen mo kaya medyo naabutan kami ng traffic" sabi ni Krizzle kaya lihim akong natawa.

" Happy birthday Payton" She greeted her with a soft and small smile. Shet! apakaganda naman. Lihim na napalabi ako habang pasimpleng nakatingin sakanya. Jusko lord ang ganda masyado. Sana araw-araw birthday ni Payton para araw-araw ko rin siyang nakikita.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon