" So anong naging sagot mo?" pagiintriga ni Van habang nandito kami sa bahay.
Nanunuod kami ng tv. Noong isang araw pa natapos ang cup tournament at tulad ng pangako namin kila Captain ay nanalo ulit kami. Ako ang parin ang Finals MVP at Cup tournament best outside spiker and best scorer. Next week pa kami magkakaroon ng team bonding at sabay narin sa pamamaalam nila Captain at pag-aanounce ng bagong Team Captain.
" Wala pa. "
" Gaga ka bakit mo pa pag-iisipan eh magandang opportunity 'yon since magbabakasyon na rin naman. " wika niya.
Nagkibit balikat naman ako. " Kailangan pag-isipang mabuti hindi yung pabigla-bigla " turan ko.
" Sus may mamimiss ka lang eh" asar niya.
" Oo naman
" Grabe hindi ka man lang tumanggi."
May offer kasi saakin ang isang sikat na coach sa Thailand. Kaso nagdadalawang isip ako dahil una malayo at pangalawa kailangan kong magstay doon ng 2 months para sa training bago sasabak sa laro. Magandang opportunities iyon since international na 'yon. Mas marami akong matutunan.
Pero ayoko munang problemahin 'yon dahil ang pinoproblema ko ay ang reunion nila Rae bukas at natititayak kong sa ngayon ay dumating na si Andrea para umattend.
" Pupunta ka bukas?" muli ay tanong niya. Nasabi ko sakanya ang invitation ni Rae saakin.
" Parang ayoko. " Sagot ko.
" Parang? so may balak?" ngumisi siya.
" Tigilan mo ako ha. Hindi ka nakakatulong. " Natawa siya sa naging sagot ko.
" Bakit ka ba kasi nagooverthink dyan. Wala naman sigurong masama kung pupunta ka....Mapapatunayan mo dyan kung first love never die nga ba."
" Tang*na mo naman!" bulyaw ko kaya napalakas ang tawa niya.
"Pero alam ba ni Krizen?" tanong niya.
Napailing ako. " Sasabihin ko pa mamaya. "
" Mabuti naman. At wag masyadong magpadala sa bugso ng damdamin. Mapaglaro ang pag-ibig " ngumisi siya saakin.
Umirap nalang ako sakanya bilang sagot.
Kinabukasan ay sinundo ako ni Rae sa bahay dahil nasabi ko sakanya kagabi na pupunta ako sa family reunion nila.
" Relax halatang kinakabahan ka eh." Pang-aasar ni Rae napairap ako kaya tumawa Siya ng mahina.
Paanong hindi ako kakabahan? Gago nandoon si Andrea.
Hindi nagtagal ay dumating narin kami sa napakalaking mansyon. Alam kong pagmamay-ari ito nila Rae dahil minsan narin akong nakapunta dito. Maraming nakaparadang mamahaling kotse sa labas. Nakakalulang tingnan.
" Let's go inside" tipid na sagot niya.
Tumango lang ako at sumunod sakanya. Pagpasok namin ay bumungad na saamin ang madaming tao. Lahat sila ay napalingon sa gawi namin kaya bigla akong nahiya. Napatingin ako kay Rae na balewala lang. Putik! Nakakahiya!
" Z!!!" May babaeng mabilis na lumapit kay Rae at dinamba ito ng yakap na muntik ng maout balanced ang isa. Sa palagay ko ay kamag-anak niya rin ito. Nilibot ko ang tingin ko at nakita kong papalapit sa gawi namin si Jiwan. Alam ko kasing magpinsan sila ni Rae kaya hindi na ako nagtaka na nandito siya.
" Why are you here?don't tell me you're my cousin?" Ngumisi pa siya.
" Muntik na sana" sagot ko kaya narinig ko ang mahinang tawa ni Rae as tabi ko. Mukhang happy pill ako ni Rae ah.
BINABASA MO ANG
𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |
Teen FictionUniversities Series # 1 HIGHEST RANKING: 🥇- #1 games