17

38.9K 1.1K 178
                                    

" Aside from Vanessa sino pa 'yong mas close mo sa team?" Ate Maloi.

Nasa isang live interview ako ngayon dahil inimbitahan nila ako para mag-guest.

" I think lahat naman po sila. Close po kasi talaga kaming lahat sa team. Magkapamilya daw kami pero may magjowa naman char po" pati tuloy 'yong mga staffs natawa din sa sinabi ko.

" May point naman. Anyway, it's okay if we talk about your personal life? "

" Susubukan ko lang.." sagot ko.

" Is it true that you have only one ex-girlfriend?" natawa naman ako ng bahagya sa tanong bago tumango.

" Opo. Highschool." tipid na sagot ko. Mabuti nalang at hindi na rin sila nagtanong pa about sa lovelife ko kasi wala naman.

" So since its your pre-birthday interview...kung may tatlong bagay kang hihilingin ka ano 'yon?" Tanong ni Ate Maloi.

" First syempre 'yong long life ng mga taong mahal ko sa buhay. Second is peace of mind ko and last...privacy. " sagot ko.

" Gusto kong maranasang kumain ng normal sa restaurant kapag kasama ko 'yong family ko. Naiintindihan ko naman 'yong mga supporters ko pero gusto ko lang na bigyan din nila ako ng privacy specially pagdating sa love life ko. I just want to clarify things na I'm not in a relationship right now so I hope you guys will stop to ship me to anyone. Sana maintindihan niyo ako." ngumiti ako sa camera.

After the interview ay dumeretso na ako sa school para kunin ang mga advanced gift nila saakin. Ganito talaga lagi. Kahit bukas pa ang birthday ko ay nagsisibigayan na sila ng gift at masaya ako na hindi nila nalilimutan ang special na araw ko. Yung special na tao na gusto kong makasama sa birthday ko nakalimutan na yata ako.

Napangiti nalang ako ng mapait bago tuluyang bumaba sa sasakyan ni Van na hiniram ko kanina.

Pagdating ko sa gym ay nagulat ako nang may nagsiputukang confetti.

" HAPPY BIRTHDAY, ALYXIANNA!"

Sigaw nila. Napangiti naman ako dahil pinaghandaan talaga nila. Ang dami ding tao sa loob ng gym.

" Happy birthday, Alyx" bati ni Coach Joi habang nakaakbay saakin.

" Thank you, Coach. " Pasalamat ko. Lumapit naman sila Van saakin habang dala-dala ang malaking cake.

" Blow your candle but make a wish first " sabi ni Cap.

Tumango ako at pumikit para magwish.

' Sana kasama na kita sa susunod kong birthday. Mahal kita Krizen. '

Para akong selfish sa hiling ko pero....gusto ko siyang makasama. Gusto kong magkaawa na akin nalang siya. Araw-araw kong hiniling 'yon..

Tanga na nga siguro ako. Kahit na alam kong malabo narin pero umaasa parin ako.

Ang dami pang nagbigay ng speech at lahat 'yon naappreciate ko.

Nang matapos ang small gathering ay tinulungan ako ng teammates ko na kunin ang mga gifts. Sobrang dami. May mga gifts pa daw kasi galing sa ibang school.

Pagkauwi ko sa bahay ay may mga gifts ding iniwan para saakin. 'Yong iba galing sa mga pinsan ko.

" Ma. Pakiayos nalang ang mga 'to." sabi ko kay Mama sa mga dala kong gifts.

" Sige. Magpahinga kana muna mukhang pagod na pagod ka." tumango ako at umakyat sa kwarto ko.

Napagpasyan ko munang matulog dahil na drained ata lahat ng lakas ko sa katawan. Nagising lang ako dahil sa katok ng kapatid ko sa pinto dahil kakain na daw. Matagal pala akong nakatulog dahil gabi na ng magising ako.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon