2

42.3K 1.4K 214
                                    

" Alyx !"

Mabilis na hinabol ko ang bola para hindi ito mahulog. Thank god I set it nice. Pinalo agad ni Vina at natuwa kami nang hindi nila ito nakuha. Malakas na hiyawan ang maririnig mo sa loob ng malaking gym dahil sa pagkapanalo namin..

Kahit na friendly match lang ito ay malaking bagay saamin ang manalo.

" Congratulation guys!!" masayang bati ni Jayzel saaming lahat nang matapos kaming makipagshake hands sa UPIan o University of Pietro Ivo.

"Best player of the game na naman si Alyx!" pang-aasar ni Vina kaya natawa ako.

" Hindi ko kasalanang bulok niyo maglaro." Pang-aasar ko rin kaya dinumog nila akong lahat at kanya-kanyang reklamo na naman sila.

" Apakayabang pwe!!"

Natawa nalang kaming lahat pati narin sila Coach.

Iniwan ko muna sila dahil tinawag ako para sa interview.

" What's the feeling of being the best player of the game again, Alyxianna?" nakangiting tanong ni Miss Ayen.

" Well.. it feels good. Hindi rin naman ako magiging best player of this game kung hindi ako binibigyan ng bola ng mga kasama ko. I'm very grateful because they trust me so much. Kapag sa tingin nila malalamangan na kami iniisip agad nila na saakin ibigay ang bola and really, I'm thankful dahil ang laki ng tiwala nila saakin. " Sagot ko.

" May gusto ka bang baitiin?" she aksked. Naka live kasi kami ngayon.

" Gusto ko lang batiin 'yong Mama ko na nanunuod ngayon sa bahay. Hi Ma. At syempre sa mga ka-Franciscian ko dyan, Hello guys thank you sa support. Pati narin pala Xianatics fans at iba pa hi po and thank you and of course sa mga kasamahan ko, good job guys and kay Captain syempre Kila Coach. Maraming salamat po" I said and wave my hand.

" Special someone mo wala ba?" She asked again that made everyone becomes wild and cheering for names na hindi ko masyadong naririnig.

" Uhm. Sa crush ko. Hi" f-ck! nakakahiya talagang naging pabebe pa ako sa harap ng camera.

" Wow.. so who's your crush? ka team mates mo ba?"

Umiling naman ako. " Ang pangit ng mga kateam mates ko." sabi ko at napangisi kaya lumapit agad saakin ang mga kasamahan ko at pinalo ako sa braso kaya natawa ako. Mga pikon.

Buti nalang natapos narin ang interview. Ang dami kasing tanong about sa kung sino daw 'yong crush ko. Tanging iling at ngiti lang ang sinasagot ko. Gusto nilang malaman pero syempre hindi ko sasabihin.

" Hoy Alyx! sinong crush mo ha?" nang-aasar na tanong ni Richel.

" Secret." nakangising sabi ko bago pumasok sa cubicle para maligo. Rinig ko pa ang kanya-kanyang tanong nila kay Van pero tanging 'Ewan' at 'Hindi ko alam' ang sagot ng best friend ko. Mabuti naman at hindi ako nito nilalaglag dahil kung hindi baka itapon ko siya palabas ng gym.

Pagkatapos namin ay kanya-kanyang uwi narin kami dahil nga kailangan pa naming magpahinga. Pagdating ko sa bahay ay binati naman ako ni Mama at ng kapatid kong si Jaja na 10 years old palang. Si Papa ay nasa Japan kasama ang isa ko pang kapatid na sunod saakin. Doon kasi nagtatrabaho si Papa at minsan binibisita naman nila kami o minsan kami ang bumibisita sakanila. Umuuwi rin naman dito 'yong kapatid ko kapag bakasyon pero hindi siya masyadong lumalabas. Laging nakatambay lang 'yan sa kwarto niya. Hindi 'yon nagpapasok ng kahit sino sa kwarto maliban kay Mama dahil siya naglilinis. Kung tamad ako mas tamad ang kapatid kong 'yon pero hindi man lang pinapagalitan ni Mama.

Namana ko ang hilig ko sa paglalaro sa volleyball kay Papa. Siya ang nag train saakin simula bata palang ako.

Kinabukasan ay maraming bumati saamin ni Van pagpasok namin ng campus dahil sa pagkapanalo namin.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon