8

36.2K 1.2K 525
                                    

" LET'S WELCOME THE UNDEFEATABLE IN THE VOLLEYBALL WORLD-UNIVERSITIES LEAGUE FRANCIS SYN UNIVERSITY! " the announcers said in unison as they welcome us. Ngayon ang laban namin over LU dahil sila ang nanalo kahapon laban sa UPI.

" Let's start with their team captain Finals UL-MVP and Finals Cup tournament MVP. Number 14 Opposite Hitter Jemiah Raymundo!"

Umalingawngaw ang sigaw ng mga fans niya. Kita niyo na? mas sikat talaga saakin si Mia pero ako lagi inaasar nila. Mas marami ngang nagkakagusto kay Cap kaya lang hindi 'yon napapansin ng iba. Mia is a good leader kaya nga captain namin siya. We are so proud of her as her teammates and of course as a friend. Grabe sa sobrang saya ko napaenglish ako bigla.

" The rising volleyball tiger number 6 outside hitter Alyxianna Marqueza!" tumakbo naman ako sa court namin matapos akong makipag apir sa mga teammates at couches ko at kumaway sa mga tao. Medyo sumasakit 'yong ear drums ko. Medyo lang.

" UL best Setter and Cup tournament best setter. The magician number 4 Vanessa Millen!"

Ang first six namin is si Cap, ako, si Van, Kyla, Richel and Rosie.

They welcome us warmly kaya inspired kami sa paglalaro. Nandito si Krizen kaya double 'yong kaba ko kasi baka madissapoint ko siya. Umattend din sina Mama pati ibang kamag-anak namin para suportahan ako, kami ng team.

Kami ang mag fifirst serve kaya kinakabahan ako.

Maganda ang serve ni Cap at maganda din ang receive ng kabila. Magiging exciting ang laban na 'to..

*************

20-24 ang score namin ngayon sa first set at grabe ang galing ng floor defense ng LU.

" Elliot trying to score but Richel save it and give it to Vanessa! "

Nakahanda na ako at nang iset na ni Vanessa ang bola ay mabilis na tumalon ako at malakas na pinalo ang bola pero sakto lang na hindi outside.

" And Alyxianna puts it away from her deadly crosscourt hit!" lumakas ang sigawan nang manalo kami sa first set.

Natuwa naman kami pero hindi pa kampante. Pagdating talaga sa laro na pakacompetitive namin.

" Bida na naman si Alyx" pang-aasar ni Rosie habang nakaakbay saakin.

" Syempre may pinapakitaan 'yan eh" pang-aasar nila kahit hindi naman nila kilala maliban kay Van.

Umupo ako at kinuha ang towel ko para pamunas sa pawis ko.

Napatingin ako sa paligid at kumaway ako kilala Mama nang makita ko sila. Hinanap ko kung nasaan si Krizen pero ang daming tao kaya kinuha ko ang phone ko para sana itext siya pero may message na siya.

Stop looking around. Left side. 5th steps. together with the co-officers. Red shirt.

Sinunod ko siya at nakita ko nga kaya napangiti ako ng malapad lalo na nang makitang nakatingin din siya saakin.

Tinakpan ko ang ulo ko ng tuwalya para malabas ang kilig na nararamdaman ko. Shet!

Nireplyan ko naman siya habang nakatatakpan parin ako ng towel..

Thank you for watching🥰

Gusto kong lumukso dahil sa kilig pero baka isipin nila na baliw ako.

" Hoy Alyx ilang minuto nalang maglalaro na. Ayos ka lang?" Narinig kong tanong ni Vina kaya mabilis na nagtype ako.

I like you❤️ para sayo lahat ng puntos ko.

Inalis ko na ang towel at binalik ang phone ko sa duffel bag at tumayo.

" Ang lapad ng ngiti." tumaas baba pa ang kilay ni Van para mang-asar.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon