26

50.4K 1.1K 287
                                    

Alyx

Late na akong nagising dahil sa pusposang training namin kahapon. Pahinga namin buong araw dahil bukas na magsisimula ang pinakamalaking tournament ngayong taon. Pagbaba ko ay muntik na akong mapasigaw sa gulat nang makita ko ang kapatid kong si Aleckzaj sa sala at prenteng nakaupo habang nanunuod.

" Nakakagulat ka naman. " Madamdaming saad ko at napahawak sa dibdib ko. " Kelan ka pa dumating?" tanong ko dito ng makabawi na ako.

" Midnight." tipid na sagot niya. Napatango nalang ako. Ano pa bang aasahan ko dito sa kapatid kong gold ang laway.  Kahit papaano nasasanay na ako sa ugali nito. In born na talaga pagiging tahimik at tipid nitong sumagot tapos hindi siya madalas ngumingiti. Parang once in a blue moon.

" Ikaw lang?Si Papa?" tanong ko at umupo sa tabi nito.

" Ako lang. " wika niya habang ang atensyon nito ay nasa tv parin. Nanunuod ng Cartoons. Nakakatawang isipin na ang matured nito mag-isip pero 'yong pinapanuod cartoons.

Tumango ako bilang sagot at sumandal sa sofa at pumikit. " Ang sakit ng katawan ko. Ipagtimpla mo nga ako ng kape Aleck, salamat kapatid." utos ko dito.

Wala akong narinig na sagot mula sakanya pero narinig ko ang hakbang nito paalis kaya napamulat ako at napangiti nalang. Madali namang utosan si Aleck lalo na kapag hindi ito tinatamad kumilos.

Hindi nagtagal ay bumalik na ito dala ang kape ko. Bumalik siya sa pagkakaupo nito kanina at nanuod ulit.

" Bakit ka umuwi? wala kang klase?" tanong ko. Himala nga at umuwi ito.

" Meron. Manunuod ako bukas." tipid na sagot niya at saglit tinapunan ako ng tingin.

Lumaki ang mata ko sa gulat at tiningnan siya ng hindi makapaniwala. " Talaga? manunuod ka ng laro namin bukas?"

Simpleng tango lang ang sinagot nito. Napangiti naman ako ng malapad. Kung nandito din sana si Papa bukas mas masaya pero ayos lang, alam ko naman kung gaano siya ka suportado saakin.

Umiinom ako ng kape ng magsalita ito. " Your girlfriend is in the kitchen, I forgot to tell you." Dahil sa pagkagulat sa sinabi nito ay nabuga ko ang kape ko. Napaso pa ang ibabang labi ko.

Napangiwi ako dahil sa sakit. " Bakit ngayon mo lang sinabi?"hindi makapaniwalang tanong ko habang nakahawak sa ibabang labi ko.

" I forgot." Kibit balikat niyang sabi.

Tumayo ako at dala ang basong pumunta ako sa kusina at naabutan ko ang girlfriend ko na nagluluto. Nakasuot ito ng apron at nakatalikod saakin. Napangiti ako dahil ang ganda niya. Pinasandalan ko siya ng tingin hanggang sa bumaba ang tingin ko sa pang-upo nito. Napakagat labi ako dahil ang sexy nito. Hindi ko alam kong ilang beses ko ng nahawakan 'yan. Wala pa namang nangyari saamin. Hanggang make out lang kami.

Nilapag ko ang baso ko sa mesa at dahan-dahang lumapit sakanya at niyakap ito na ikinaigtad niya. Nilingon niya ako at sinamaan ako ng tingin pero malambing na niyakap ko lang siya at hinalikan ko siya sa pisngi kaya napailing nalang siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

" Bakit dika nagsabi na pupunta ka ngayon dito, baby?" tanong ko habang yakap siya mula sa likod.

" We didn't have a chance to talk last night, love." sagot niya at umikot paharap saakin.

" Hala sorry baby! Naghintay kaba?" natatarantang tanong ko.

" It's fine love. I know you're worn out from your training, that's why I came here kasi alam kong pagod na pagod ka at masakit ang katawan mo. Hindi na kita ginising kanina pagdating ko dahil ang sarap ng tulog mo." Ngumiti siya at hinalikan ng mabilis ang labi ko kaya kinilig na naman ako. Iba talaga magpakilig ang Krizen Avilla.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon