6

38K 1.3K 435
                                    


Alyxianna

" Sa team niyo sinong maingay talaga?" tanong ni Kuya Dave na host sa AC sports talks. Ngayon kasi ang live interview namin nila Captain.

" Si Jayzel po. " Sagot ni Captain.

" Pansin ko nga rin tuwing game niyo" natatawang sabi ni Kuya Dave kaya natawa din kami.

" Next question. Sino sa tingin niyo ang matinding kalaban niyo sa darating na UL?" he ask again.

" As a whole po ba or volleyball game lang?" tanong ni Van.

" Sa volleyball game lang. Sino?"

Nagkatinginan naman kaming apat at natawa.

" Maybe the Delvallian po. Sila kasi ang nakalaban namin dati na nahirapan talaga kami. " Sagot ni Cap.

" Napanuod ko nga 'yong game. Grabe ang tagal mahulog nong bola. Lahat kinakabahan kasi mahalaga ang isang puntos.." natutuwang sabi ni Ate Snow. Napatingin ako kay Jayzel na malapad ang ngiting nakatingin kay Ate Snow.

" Hoy wag masyadong titigan" bulong ko kaya pinalo niya ako sa braso dahilan para makuha namin ang atensyon ng iba.

" Anong pinag-uusapan niyo dyang dalawa?" tanong ni Kuya Dave.

" Si Jayzel----"

" Sige " may pagbabantang sabi niya kaya tumahimik na ako dahil asar na asar na.

" Dito naman tayo kay Alyxianna, the chic magnet " baling saakin ni Ate Snow.

" Ay" tanging nasabi ko nalang kaya pinagtawanan ako pati 'yong mga audience.

" Naging trending sa twitter 'yong announcement mo na may crush ka. maraming tao ang gustong malaman kong sino ba siya. " Sabi ni Kuya Dave kaya inasar na nila ako. Pati 'yung mga audience sumisigaw na. Naririnig ko pa 'yong mga name na siniship nila saakin. " Maraming curious kung sino ba ang nakakuha ng atensyon ng isang Alyxianna" dagdag ni Kuya Dave.

" Sino bang crush mo Alyx? team mates mo ba or sa kabilang team?" nakangiting tanong ni Ate Snow.

Natawa naman ako at para akong na hot seat dito.

Umiling naman ako na ikinareact ng audience.

" Ano..hindi ko kasi pwedeng sabihin kasi baka hindi niya ako pansinin " sagot ko na ikinatili nila. Pinalo pa ako ni Van na parang tangang kinikilig.

" Ah so alam niya?"

"Huh?"

" Alam niya na crush mo siya?" Ulit ni Ate Snow sa tanong.

Natawa ako bago tumango. Ramdam kong namumula ang magkabilang pisngi ko.

" Inamin mo sa personal o sa chat?"

" Personal po. Face to face " yawa pati ako kinilig din. Nadadala kasi ako sa mga tili nila kaya mas lalo akong inasar ng mga kateammates ko.

" Alyx lang sakalam" pang-aasar nila Van kaya namula ako  masaydo kasi kinikilig din ako.

" OH MY GOD! Nagbublush ang isang Alyxianna " tili ni Kuya Dave. Gay kasi si Kuya pero manly parin siya kumilos at manamit.

" And then? "

" Bakit po ako 'yong naging topic dito?" tanong ko at tumayo dahil nahihiya na talaga ako.

" Nahihiya ang isang chic magnet natin guys " pang-aasar ni Jayzel.

" Si Jayzel din po may crush" sabi ko kaya siya naman ang binalingan. Natawa nalang ako dahil para na siyang kamatis. Pati 'yong mga teammates namin na nakaupo sa bench ay tawang-tawa sakanya. Paano ba naman kasi si Ate Snow 'yong nagtatanong sakanya. After ng interview ay konting meet and greet lang sa fans bago kami umalis kasi may training pa kami.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon