Special chapter II

38.7K 983 134
                                    

Alyxianna

" Nakakatamad pumunta ng Gym medyo malayo pa naman 'yon dito!" Reklamo ni Van habang palabas kami ng classroom dahil pinapapunta kaming lahat sa gym dahil iaannounce ang mga nanalo sa Student Government.

" Athlete ka tapos ang tamad-tamad mo" Sabi ko habang naglalakad kami.

" Edi ikaw na masipag."

Natawa nalang ako sakanya. Hindi narin siya nagreklamo ulit Hanggang sa makarating kami sa gym. Ang daming tao! Sabagay lahat ng estudyante sa FSU ay nandito na. Hinila ako ni Van papunta doon sa may steps para mas lalo naming makikita ang mga tao sa stage.

" Hi. Freshmen?" Pansin ng katabi namin ni Van. Nagkatinginan kami ni Van bago tumango.

" Opo. Kayo po?" Magalang na tanong ko dahil baka mamaya senior pala namin siya.

Natawa naman siya." 2nd year. Wag kana mag po. Btw, Ang cute mo." Sabi niya saakin kaya napatingin ako kay Van na kagat labi para pigilan ang tawa niya. Napahawak nalang ako sa ilong ko at nahihiyang ngumiti nalang.

" Grabe kana talaga Amora" bulong ni Van na ikinasimangot ko. Ayoko talaga na tinatawag ako sa second name ko!

" Good morning Students"

Lahat kami ay napunta ang atensyon sa nagsalita sa stage. Sa palagay ko isa siya sa mga teachers.

" We will announce our new set of officers today so you guys will recognize their faces. I am calling Miss Jenn to announce the new set of Student Government Officers." May lumapit naman na isa pang teacher at may dalang folder.

" Al may nakita akong gwapo!" Tili ni Van sa mahinang boses kaya napairap ako. Heto na naman siya.

" Lapitan mo" Sabi ko.

" Kahiya kaya tsaka mukhang seniors natin eh." Sagot niya.

Nabaling ulit ang atensyon namin sa stage noong sinimulan nang i-aanounce ang mga nanalo from President to representatives.

" Vice president Jemiah Raymundo"

Kilala ko si Jemiah dahil isa siya sa Volleyball varsity ng FSU. Nasa 2nd year palang siya pero kilala na agad siya ng maraming students.

" First year representative Krizen Avila."

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang babae paakyat sa stage. Medyo malapit pa naman kami sa stage kaya kitang-kita ko ang kabuoan niya. Napaawang ang labi ko nang tipid na ngumiti siya. Ang ganda niya!

" Hoy! Para kang tanga dyan!" Rinig kong sabi ni Van.

" Taena Van ang ganda niya!" Bulalas ko kaya napatingin din siya doon sa magandang babae bago binalik ang tingin saakin na nakangisi.

" Bakla ka nga. " Pang-aasar niya kaya napairap ako. " Pero sabagay ay maganda naman talaga siya. Maganda, halatang hindi mapapasayo"

Napapoker ako sa sinabi niya.

" Hindi ko naman sinabing mapapasaakin. Sabi ko maganda siya! Tanga mo!"

Natawa lang siya. " Oo na. Crush mo na siya. Alam ko. Wag kana magalit dyan" pang-aasar niya.

Bumalik ulit ang tingin ko sa stage at sakanya lang napako ang tingin ko. Grabe ang ganda niya talaga. Seryoso lang ang itsura niya at halatang hindi palangiti pero mas lalo siyang nagiging attractive. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan siyang nakikipag-usap sa mga co- officers niya.

Krizen Avila.

Pati pangalan tunog expensive.

" Grabe talaga mga standards mo Alyx. Simula high school lahat ng crushes mo magaganda at mayayaman. " Komento ni Van.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon