12

37.8K 1.2K 322
                                    

Napaiwas ako ng tingin nang makitang tumabi ng upo si Macky kay Krizen. Napakagat labi ako dahil aaminin kong nagseselos ako.

Sikat naman si Macky pero hindi naman ganun ka wild ang mga fans niya pagdating sa relationship niya kaya confident siyang ipakita ang pagkagusto niya kay Krizen.

" Focus lang sa laro Al." pagcheer saakin ni Van. Tumango ako dahil ayaw ko rin namang matalo kami dahil saakin.

Nakaupo ako habang pinupunasan ang pawis ko at pasimpleng lumingon ulit sa gawi niya at nakita kong nakatingin siya saakin. Ngumiti siya saakin kaya parang bulang nawala ang selos na nararamdaman ko.

Bumalik na kami sa court at nagfocus sa laro.

Nasa third set na kami at kailangan naming manalo dahil nanalo sila sa 2nd set.

Ang tahimik ni Elliot kaya hindi ko alam ang iniisip niya.

" Kyla Sy!!"

Nablock ni Kyla 'yong spike ng opposite hitter nila kaya saamin ang puntos.

" Galing ko." sabi niya kaya natawa kami. Apakayabang. Nagsub kasi siya kay Jayzel.

Si Rosie ang nagserve at nagkaservice error kaya sakabila ang puntos.

" That's okay. Bawi sa floor defense" sabi ni Cap sakanya kaya tumango siya.

Pinapasok narin namin si Payton kaya sunod-sunod na ang score namin. Magaling talaga siya at kailangan lang i-enhance ang training niya.

Natalo kami sa third set pero bumawi naman kami sa 4th set.

Nasa 5th set na kami at 2-8 ang score in favor of LU kaya nakakakaba.

Nilingon ako ni Van saglit at tumango kaya alam kong saakin niya ibibigay ang bola.

Kahit na malayo ako ay sakto talaga ang pagkaset niya ng bola kaya pinalo ko nang malakas dahilan para mafacial hit ko ang libero nila kaya nagsorry naman ako. Hindi ko sinasadya. Part na talaga 'yon ng game.

Sunod-sunod na binibigay na saakin ni Van ng bola kaya nakakahabol na kami.

8-7 isang point nalang.

Nagset ulit si Van papunta kay Mia pero umiwas siya kaya mabilis na pinalo ko kaya hindi nila nasalo.

Nag-apir pa kami ni Mia dahil part 'yon ng strategy.

Si Van naman ang magscore ng dalawang beses at ako ulit. Dalawa kaming nagsasalitan sa pagbibigay ng score sa team.

8-14 ang score at point nalang matatapos na ang laro.

Pinalo ni Elliot nang malakas 'yong bola pero maganda ang reception ni Erin kaya maganda rin ang pagkaset ni Van saakin kaya malakas na pinalo ko.

" Alyxianna Marqueza down the line!!! She ended the game with that powerful back row attack!!"

Mabilis na lumapit saakin ang mga team mates ko at niyakap ako ng mahigpit. Pati narin sila coach at manager ay masaya sa pagkapanalo ulit namin.

" Again! Francis Syn University hold the Universities League championship for 5 years now!! congratulations Francisian for another victory! !"

Maraming lumapit saamin para magpapicture kaya hindi na napigilan ng mga securities kaya kinuha ko yung mic.

" Okay everyone! sa mga gustong magpapicture po saamin chill lang po tayo para po hindi magulo. Susubukan po naming i-entertain kayong lahat. Thank you" sabi ko. Kahit papaano ay naging maayos naman.

Pagod ako pero inientertain ko parin ang mga supporters ko. Nagpapicture din sila Mama saakin at kay Van.

" Pwede papicture?" Napangat ang tingin ko sa nagsalita at napangiti nalang ako nang makita si Krizzle na hila-hila ang pinsan niya na walang expression ang mukha.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon