24

41K 1K 182
                                    

" Si Jiwan? nandito na?"

Tanong ko kay Macky nang makarating kami ni Van sa loob ng bahay nila. Birthday niya kasi ngayon at ininvite kami. Halos mga volleyball players ang invited eh. May mga iilan naman na hindi pamilyar saakin.

" Nasa second floor kasama sila Rosie. Akyat nalang kayo. May kukunin lang ako. " Tumango kami ni Van at umakyat sa taas. Marami pa kasing tao sa baba kaya siguro naisipan nilang dito tumambay sa taas.

Naabutan namin sila na kumakain na habang nagkakasiyahan. Marami ring hindi nakadalo. Ewan ko lang kung late lang silang makakapunta o hindi talaga siya pupunta. Sila Rosie, Jayzel, Kyla, Erin, Jiwan, Chenee, Riza, Kim, at Bria lang 'yong nandito. Sila Gio nasa baba kanina nakita namin.

" Alyx dito ka " alok ni Bria sa tabi niya pero umiling lang ako at ngumiti ng tipid bago umupo sa tabi ni Jiwan.

" Dito na ako salamat. "

Si Van nalang ang umupo sa tabi niya.

" You hurt her feelings " bulong ni Jiwan.

" Kesa naman umasa. " Balewalang sagot ko na ikinatawa niya.

" So loyal "

" faithful ako " natawa lang siya ng mahina bago bumaling kay Chenee sa tabi niya. Instant third wheel ata ako dito.

Nakilala narin ni Jiwan si Krizen sa personal at boto naman daw siya. Ay dapat lang. Krizen Avilla na 'yon, aarte pa ba siya.

Kumain narin kami ni Van at sumabay sakanila. Ang kulit pa ni Bria pero pinagpapasensyahan ko nalang.

Dumating din sila Gio kasama si Macky na may dalang alak kaya naghiyawan ang iba. Ito talaga ang gusto nila sa party. Inoman.

Nagpaalam naman ako Krizen at sinabi ko na ahead na baka may inoman at ayos lang naman sakanya. Basta wag lang daw ako lumandi. Ang pangit ng ugali niya minsan HAHA

Paano naman ako lalandi eh mahal na mahal ko siya.

Masayang nagkukuwentuhan kaming lahat about sa mga experiences namin sa volleyball. Hindi yata kami nagsasawa na pag-usapan ang tungkol sa volleyball, siguro kasi malaking parte ang role nya sa buhay namin lalo pa't ito ang dahilan kung bakit nabuo ang pagkakaibigan namin..

" Bria...please lumayo ka na.." saway ko dahil kanina pa ito lapit ng lapit saakin. Medyo nahihilo narin ako kaya wala narin akong lakas na itulak siya kaya hindi siya natinag. Medyo nawawalan narin ako ng pasensya sakanya. Sinabi na kasing wag kapit ng kapit saakin, hindi ko naman siya jowa, hindi naman siya si Krizen. Nakakainis.

" Kuha ka munang pulutan sa baba Bria." rinig kong utos ni Macky kaya wala siyang nagawa kundi umalis. Mabuti nalang at mukhang napansin iyon ni Macky.

" Salamat." mahinang sabi ko.

Napapikit ako kaya hindi ko makita ang expression ng mukha niya pero tinapik niya ako sa balikat. " Walang anoman."

Sabi ni Macky umuwi na daw ang karamihan sa mga bisita niya kaya kami nalang ang natira. Rinig parin ang music mula sa baba at mukhang wala silang balak patayin ang music kahit na wala ng tao sa baba.

Napahawak ako sa ulo ko nang tumayo ako kaya mabilis na umalalay saakin si Bria pero lumayo ako at ngumiti ng tipid bago nagpasalamat.

" Kaya mo pa Alyx?" tanong ni Jayzel. Tumango naman ako.

" Iinom lang akong tubig sa baba. " Paalam ko.

Napahawak ako sa hagdan ng parang umikot ang paningin ko. Gosh!hilong hilo na ako buti nalang safe parin akong nakarating sa baba. Hinanap ko pa kong saan ang kusina nila dahil hindi ko naman alam. Mabuti nalang at nahanap ko rin. Bubuksan ko na sana ang ref nang may humila sa braso ko at lumaki ang mata ko nang naramdaman ko ang labi nito saakin. Agad na nabalik din ako sa realidad at tinulak siya pero wala akong lakas kaya hindi ako nagtagumpay. Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napadaing ko sa sakit.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon