" Dumating na mga UPIan!" sabi ni Kyla saamin habang nandito pa kami sa dorm namin at nagpapahinga.
Ngayon kasi ang arriving ng mga delegates galing sa iba't-ibang Universities kaya busy si Krizen ngayon at kahit gusto ko siyang tulungan sa mga ginagawa niya ay hindi pwede kasi kailangan naming magpahinga dahil bukas na magsastart ang mga laro.
" Ang daming gwapo" kinikilig na sabi ni Kyla.
" Mas madaming gwapo sa mga Hunter kaya." angal ni Vina dahil taga-Hunt University crush niya.
" Mas bet ko parin ang mga Laycan kasi maraming chics " hindi naman magpapatalo si Remi. Out and proud lesbian si Remi.
" Marami ngang chics pero si Alyx naman ang bet hindi ikaw" boom basag HAHAHA. Lakas mang-asar ni Rosie. Kaya siguro name niya Rosie kasi galing sa rose kaya matinik 'yong bibig.
" Ah talaga ba Rosie? pakyu!" natawa kaming lahat sa asaran ng dalawa.
" Nakita nga ako ni Gabrielle kanina pero si Alyx ang hinahanap. Na ol nalang " baling ni Kyla saakin.
" Proud best friend here!" sigaw ni Van at talagang tinaas pa ang kamay niya.
Nandito lang kami nakatambay sa living room. Nakaupo sa sahig si Rosie, Payton at Aki kahit may couch naman.
" Ako na naman! si Mia nga kahit straight daming nagkakagusto dyan lalo na taga-UDV. Naalala niyo last year may umamin na volleyball player din sakanya na may gusto daw siya kay Cap tapos nong Cup tournament may nagconfess din sakanya na UPIan. Marami pa" sabi ko. Ako nalang kasi lagi nila nakikita na kesyo heartbreaker daw ako. Jusko! paano ako naging hearbreaker eh hindi naman ako manloloko o di kaya pumapatol sa kahit sino lang. Kay Krizen lang ako no'
" Ah oo nga kaya lang si Mia straight as pole daw eh" pang-aasar ni Rosie na ikinairap lang ni Mia. May boyfriend na siya and 3 years narin sila pero hindi maiiwasang hindi siya iship ng mga fans niya sa babae. Ang siniship talalaga nila kay Cap is si Erin. Nakalimutan ko kung ano ang ship name nila.
Kalahi ko si Erin tapos maalaga kaya hindi na nakakagulat na may mga clip na lumalabas na sweet sila ni Cap. Close kasi talaga silang dalawa.
" Cap saang Team ka sasali kapag graduate kana?" tanong ni Richel kay Mia. Graduating na kasi ngayon si Cap kasama sila Ariane.
" Hindi ko pa naisipan pero if ever na sasali ako sa pro-League sa Flaming-Night ako " sagot niya.
" Ay taray ni Cap. Pero bakit if ever, may posibilidad na hindi ka sasali?" ang chismosa talaga ni Kyla kahit kelan.
" Inimbitahan ako na maging Import player sa Japan" sagot ni Mia na ikinasinghap namin. Sana all talaga kay Cap.
" Wow! sa anong team?"
" Secret" sabi niya kaya kanya-kanyang react kami. Pabitin si Cap.
Nagpahinga lang talaga kami buong umaga. Kinahapunan pa bago kami lumabas para iwelcome ang mga delegates.
" Kyla!!" nagulat kami dahil sa sigaw ni Riza nang makita si Kyla na papasok kami sa assigned room ng UDV.
Tumakbo siya papalapit kay Kyla at niyakap na para bang ilang taon silang hindi nagkita. Close friend kasi talaga silang dalawa at kahit magkaiba sila ng school ay hindi iyon naging hadlang. Dahil sa volleyball kaya marami kaming naging kaibigan.
Binati naman namin ang iba pa. 'Yong iba hindi ko kilala kasi ibang laro sila pero may iilan din naman akong kakilala kahit hindi volleyball players.
Sa LU naman kami pumunta pagkatapos.
" Si Rheina oh " pang-aasar saakin ni Pearl sa kaibigan niya kaya sumali naman ang mga teammates ko. Mga gago talaga.
" Hi Alyx " bati niya kaya ngumiti naman ako na mas ikinasigaw ng mga hayop.
BINABASA MO ANG
𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |
Teen FictionUniversities Series # 1 HIGHEST RANKING: 🥇- #1 games