11

37.3K 1.1K 258
                                    

"Yiehhh!!"

Malakas na sigawan nila nang matapos akong halikan ni Gab sa pisngi dahil nga dare nila 'yon. Gabi na at kasama namin ang ibang team na nagsasaya at saktong ako ang napagtripan ng mga teammates ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng inis. I mean normal naman talaga ang mainis lalo na kapag ayaw ko talaga.

Nanliligaw ako kay Krizen at nirerespeto ko 'yon.

" Ano Alyx masarap ba?" tumaas baba pa ang kilay ni Rosie pero sumeryoso lang ang mukha ko at bumuntong hininga at napahawak sa ilong ko.

Nagkatinginan sila at natahimik lalo na nang tumayo na ako.

" Magpapahinga na ako" paalam ko at umalis. Mabilis na sumunod naman saakin si Van at lumingkis sa braso ko.

" Puntahan natin bebe mo?" alok niya at ngumiti saakin.

" Huwag na." sabi ko.

" Tara na. Para makilala ko rin siya bilang babaeng nililigawan mo"

Ilang segundo ko siyang tiningnan bago tumango kaya narinig ko pa siyang napa 'yes'. Tsk alam niya talaga kung paano alisin ang inis ko.

Meron pa kaming nadaanan sa mga daan na nagdedate kaya todo eww naman si Van dahil bitter.

" UL ang ganap dito sa school hindi dating event" napairap pa siya nang makita namin 'yong couple na naghahalikan sa medyo tagong parte ng building.

Tumawag nalang ako sakanya para tanungin kong pwede ba kaming pumunta sa office niya pero hindi daw dahil may ginagawa ang mga officers kaya sabi niya sa fire exit nalang kami magkita.

" Sweet din siya sayo?" tanong ni Van kalaunan.

" Sakto lang. " Sagot ko ng may ngiti sa labi. Pansin ko kasing hindi siya ganun ka verbal pero pinapakita niya through actions. Hinayaan niya akong hawakan at halikan siya, pumapayag makipagkita kahit gabi na.

" Sino mas maganda si Rheina o si Krizen?"

" Parehas naman silang maganda pero bias ako kay Krizen eh. Mas gumaganda kasi siya kapag ngumingiti. Ang cute niya kapag hindi niya iniisip na kasama niya ako habang kumakain siya ng siomai. Ang natural lang..." sagot ko habang pareho kaming nakaupo sa hagdan na magkaharap. Nasa left side ako habang siya naman ay nasa right side. Buti nalang walang dumadaan dito.

" Masaya ka?"

" Kapag kasama siya?" tanong ko din at tumango siya. " Oo naman. Sobra."

Napangiti nalang ako dahil naiimagine ko kung paano sumupil ng ngiti ang mga labi niya. Lumiliit ng bahagya ang mga mata niya kapag malapad ang ngiti. Nagagalit kapag kinakagat.

" Lagi na kayong magkasama, so ano ang paborito mong parte ng katawan niya?" tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya tinaas niya ang dalawang kamay niya.

" Hindi 'yon bastos! like for example ilong, mata. Ganon" explain niya kaya napatango ako.

" Kamay niya. " Sagot ko. " Malambot kasi ang kamay niya kaya masarap hawakan. "

Tumango siya. " Second choice mo?"

" Leeg niya. Gusto ko kasi ang amoy niya. "

" Third choice?"

Napakamot ako sa ilong ko kaya nakita kong napangisi siya. Bilis makagets eh.

" Tanga! wag ka ngang ngumiti ng ganyan!" saway ko kaya malakas na natawa siya. Punyeta talaga.

Lalapit na sana ako sakanya para batukan pero bumukas ang pinto ng fire exit at lumabas mula roon si Krizen at nakita kong kasama niya ang pinsan niya.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon