29

43.9K 1K 241
                                    

Alyxianna

" To my coaches, You never gave up on me, on us. And I couldn't have achieved this success without your guidance. Thank you! Thank you for training me to become a great Captain and valuable player as well. " Nakangiti kaming lahat habang nakikinig kay Captain sa harap na nagbibigay ng speech niya. Humarap siya saamin at ngumiti.

" To my teammates that became my best of friends through ups and downs. Who gave me headaches every training and foolishness, Thank you.  " malakas na natawa kami sa huli niyang sinabi. Nakikita kong naiiyak narin ang iba pati narin sila coach.  " I can't thank you enough for the unforgettable memories we shared. In this night, we may be parting ways with you but remember that we are always here to support you my dear Francisian, my teammates, my coaches. Thank you so much for everything." Pinunasan narin si Captain ang luha nito. Medyo naiiyak narin ako at nadadala sakanila.

Mataman niyang nilibot ang tingin niya sa apat na sulok ng room na ito at pinagmasdan kami. Pagmamahal, kasiyahan at kalungkutan ang mababasa mo sa mga mata niya.

" I am Jemiah Raymundo. Francis Syn University Volleyball team captain is declaring in front of you my goodbye. I am now officially singing off."

Tumayo kaming lahat at nagpalakpakan sakanya. Lumapit ito kay Coach Joi, coach Austin at manager Mags para magpasalamat at yumakap. Lumapit rin siya saamin at isa-isang niyakap.

Hindi pa sinabi nila coach kung sino ang next captain pero may instinct na ako na si Van ang isa sa naiisip ko. Katulad ni Mia ay magaling siya sa kalokohan pero iba ang attitude niya pagdating sa court. Minsan na naming napag-usapan iyon at halos karamihan ay sang-ayon kung si Van ang susunod na Captain.

We enjoyed the night since ito na ang huling magkakasama kami as a team. Dahil sa larong volleyball ay nagkaroon kami ng matatag na pagkakaibigan. Hindi man namin makakasama ang iba  ay mananatili kaming teammates at magkakaibigan.

Kinabukasan ay pagod na pagod kami sa biyahe pauwi. Pumunta kami sa Boracay at doon ginanap ang farewell party. Pagdating ko tuloy sa bahay nakatulog agad ako. Nagising lang ako dahil sa katok mula sa pinto ko.

" Bakit?" Inaantok na tanong ko sa kumakatok.

" May bisita ka ate!" Sigaw ng kapatid ko.

Bisita? Sino naman?

" Sino daw?"

Wala na akong narinig na sagot kaya inis na bumangon ako. Gusto ko lang matulog. Pagod na pagod ako tsaka ang sakit rin ng ulo ko kakainom kagabi. Sila Rosie naman kasi mapilit.

Naligo na muna ako bago bumaba dahil baka kung sinong bisita ko o baka girlfriend ko nakakahiya. Dapat kailangan mabango parin para mas lalong mabaliw saakin at hindi na ako papakawalan pa.

"Mama---"

Napatigil ako sa pagtawag kay Mama nang makita ko kung sinong bisita

" Hi Xian " ngumiti pa ito ng maaliwalas.

Napalunok ako at awkward na ngumiti dito. " H-i Andrea. Ikaw pala." Sagot ko. Nakaupo ito sa couch at napaka elegante parin.

Mabuti nalang talaga naligo ako kundi---nakakahiya sa bisita.

Lumapit naman ako at umupo sa kaharap niyang couch.

" Napadalaw ka ata?" Tanong ko.

Napangiti naman siya at nahihiyang umiwas ng tingin saglit.

" Well I came here to talk to you. I know it's too late pero gusto ko lang magsorry for all the pain I've caused to you Xian. " Paumanhin niya.

Napangiti naman ako sakanya. " Ano ka ba wala na 'yon. Matagal na 'yon. " Sagot ko.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon