Habol hininga akong napahawak sa tuhod ko sa sobrang pagod dahil sa mahabang rally against UDV.
Napatingin ako sa mga kasama ko at ganun din sila. Si Rosie ang nasa service line kaya nagready narin kami kahit pagod. Nasa 5th set na kami at championship game na namin ito kaya hindi kami pwedeng matalo kahit na Universities League pa lamang ito ay mahalaga parin saamin ang pagpanalo sa bawat laro.
Napahiyaw kami sa tuwa nang makaservice ace si Rosie. 5-4 na ang scoring. Pagod na pagod ako dahil hindi ako naalis sa line up. Nakakapagpahinga pero hindi ganun katagal dahil kailangan nila ako lalo na at hindi rin nagpapatalo ang UDV. Ang laki ng improvement nila.
Van perfectly set it right to me kaya mabilis na lumukso ako at nag cross court hit ng malakas kaya hindi naging maganda ang reception nila dahil sa malakas na impact ng bola.
" Alyxianna Marqueza for Francis Syn University! "
Niyakap naman ako ng teammates ko dahil doon.
" Kalmahan mo lang naman Alyx." Komento ni Jayzel.
Napailing nalang ako. Hindi ako pwedeng maging easy lang dahil humahabol talaga ang UDV.
Nagpatawag naman ng 1st time out ang kabilang team kaya pumunta muna kami sa bench.
" Ilabas mo na ang natutunan mo sa Thailand."pang-aasar ni Rosie.
Noong pumunta ako ng Thailand para maging import player ay dalawang beses lang nakadalaw si Krizen dahil busy rin siya at kontento narin naman ako doon. At least pinupuntahan niya parin ako.
Masasabi kong sobrang hirap ng napagdaan ko doon. Medyo nahihirapan rin ako lalo na at hindi kami masyadong nagkakaintindihan dahil hindi sila gaanong fluent sa English tapos mahirap intindihin ang accent nila.
Simula first game palang ay sobra na ang pagod namin dahil talaga namang ibang level na kapag nasa international game na. Lahat magaling, lahat may potential kaya ang kailangan mo ay magsikap at marunong magtiis. Pero lahat ng 'yon worth it dahil nanalo kami.
Natapos na ang timeout kaya bumalik na kami sa court. Nagserve na ako at nakuha naman ng UDV iyon. Naset nila ng maayos kaya nakahanda na Ang mga blockers para pigilan ang pagpuntos nila pero hindi nila nablock at mabuti nalang ay kahit wala na si Erin ay nandito parin si Richel para sa digs. Van perfectly set it to Vina na opposite hitter namin pero na block nila at mabuti nalang nasave ni Kyla ang bola. Saakin naman binigay ni Van ang bola kaya naghanda si Rosie para sa fake spike bago ako tumalon at pinalo ang bola. Nalinlang namin sila kaya nalito sila sa floor defense nila.
Nag apir kami ni Rosie dahil puntos na naman para saamin. Naging sunod-sunod ang puntos namin hanggang sa magkasprained ankle si Rosie kaya nawala siya sa laro at kailangang icheck ng physical therapist namin.
9-5 ang score at kami ang leading. Pinasok ni Coach si Payton at nagpatuloy na kami sa laro. Halos lahat ay kinakabahan dahil last set na ito kaya binubuhos namin lahat ng lakas at ano pang ibang pwedeng strategy. Bawat score namin ay malakas na sigawan ang namamayani sa buong gym.
Humabol ulit ang UDV kaya leading lang kami ng one point.
" Kay Alyx ko ibibigay ang bola. 'Yong iba magfocus sa floor defense and offense. Payton, Ikaw agad ang pumalo ng bola kapag may pagkakataon ka at alam mong mahihirapan si Alyx. " Order ni Van na ikinatango namin. Napangiti nalang ako dahil ito ang unang beses na maging captain namin siya at natutuwa ako dahil talaga namang nagagampanan niya ang tungkulin niya.
Bumalik na ulit kami sa court after ng dalawang minutong time out. Napatingin ako sa paligid at hinanap ng mata mo si Krizen. Agad akong napangiti nang makita ko agad siyang nakaupo malapit sa tabi ng mga commentators. Ngumiti din siya saakin kaya napangiti narin ako at parang nawala lahat ng pagod na nararamdaman ko kani-kanina lang.
BINABASA MO ANG
𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |
Teen FictionUniversities Series # 1 HIGHEST RANKING: 🥇- #1 games