Katatapos lang ng undas. Tapos na ang aming bakasyon, balik-eskwela na ulit. Nasa classroom ako at nagmumuni-muni nang dumating si Margarette para ihatid ang lunch box na inihanda niya para sa'kin. Minsan trip niyang ipagbaon ako, tapos bigla siyang pupunta sa klase ko para iabot sa'kin ang lunch box. Madalas niya itong gawin kapag hindi kami magkakasabay kumain ng lunch.
Inasar ako ng mga kaklaseng nasa room noong mga oras na 'yon. Ano raw bang gayuma ang pinainom ko sa girlfriend ko at bakit parang mahal na mahal niya ako? Para sa kanila, si Margarette ay ang tipo na gagawin ang lahat ng gusto ko 'wag ko lang siya iwan. Ang iba naman ay gawa-gawa ng issue, tinatanong kung may pinag-awayan daw ba kami dahil ang seryoso ng mukha ni Margarette nung dumating.
Ang nakakatawa kasi kay Margarette, siya lang siguro 'yung bibisita sa boyfriend para magpakilig, pero ang sama ng timpla ng mukha. Stress na naman siguro sa prof niya o sa klase niya.
Bumawi naman ako sa kaniya pagdating ng uwian. Binilhan ko siya nung yogurt drink na madalas niyang bilhin sa convenience store. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagkahilig niya rito. Bigla ko na lang napansin na palagi niya itong iniinom tuwing lunch at kapag nadadaan kami sa convenience store, lagi siyang bumibili nito. Kaya naisipan kong bilhan siya nito para gumaan ang pakiramdam.
Anyway, ganito palagi ang Lunes namin. Busy siya buong magdamag at sa uwian lang kami talaga nakakapagkita. Ang mga vacant time niya ay saktong oras ng klase ko kaya hindi kami nakakapagkita sa pagitan ng mga klase.
Tuwing Thursday naman ang pinakamaluwag na araw naming dalawa. May three hours vacant kami na magkatapat at kapag sinuswerte-swerte pa, maaga kaming nakakauwi dahil madalas magdismiss nang maaga ang prof namin sa last subject.
Nasa sakayan na kami ng jeep, nag-aabang ng masasakyan. Hindi naman kami nagmamadali kaya hindi kami nakikipagsabayan sa mga estudyanteng nag-aagawan na makasakay sa mga dumarating na jeep.
"Gala tayo sa birthday ko Ezra. Kasama mga kaibigan ko nung high school."
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Batangas," simple niyang sagot.
"Ang layo naman."
"Malapit lang ang Batangas ah."
"Malapit ka r'yan. Halos apat na oras ding biyahe 'yon." Naranasan ko ng sumama sa pinsan ko bumiyahe papuntang Batangas para sa isang family outing ng kapitbahay. Okay lang naman ang lugar na pinuntahan, pero ang tagal ng biyahe.
"It's just 4 hours. It's not like a whole day of ride."
"Bakit kasama pa ako? Kayo na lang ng mga kaibigan mo. Panira pa ako sa inyo bonding time niyo e," pagdadahilan ko.
Ano ba naman 'tong si Margarette? Alam ko na kasi kung saan patutungo 'tong usapan na 'to e. Siguradong siya ang gagastos para rito. At bilang lalaki syempre nahihiya naman ako na ako ang gagastusan niya sa gala.
Napatingin ako sa kaniya saglit dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Sige na, Ezra... birthday ko naman. Kasama rin nila mga boyfriend nila, alangang ako lang ang walang kasama?"
"Birthday celebration mo, bakit kailangan may mga boyfriend na kasama?"
"E gusto din nila maggala e."
"Psh," bulong ko.
"Dali na?"
"Paano 'yung gastos?"
"I'll be the one to pay for everyone."
"Hindi ba nakakahiya na ikaw 'yung magbabayad para sa'kin?" tanong ko. Ano na lang ang sasabihin ng magulang niya?
BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
RomanceEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.
