Sa wakas, dumating din ang araw ng pagbabalik ni Margarette. Nagpaalam ako kay Ate Eileen na wala munang delivery ngayong lunes at nagpaalam din ako kay Sam ng leave dahil gusto kong ilaan lang para kay Margarette ang araw na 'to.
Alas dos ng hapon ang dating ng connecting flight ni Margarette mula sa Japan. Ala una pa lang ay naghihintay na ako sa kaniya dahil excited ako. Pagsapit ng alas dos ay nag-text ako sa kaniya kung saan ako naghihintay. Hindi naman nagtagal ay nag-reply siyang matatagalan siya saglit. Iaabot niya sa driver niya ang mga bagahe niya para ihatid na sa bahay nila.
Ewan ko ba kung bakit hindi ko rin naisip 'yon. Pumunta ako ng naka-motor para sunduin siya nang hindi man lang inisip kung anong gagawin ko sa mga gamit na bitbit niya.
Sa loob ng tatlo pang minuto ay matiyaga akong naghintay at pinanood ang pagdating at pag-alis ng mga tao sa paligid ko. Maya-maya ay nagulat ako nang may magtakip ng mata ko. Obvious naman na kung sino, pero nagpa-inosente pa ako.
Ang lamig ng kamay niya.
"Girlfriend ko ba 'to?" nakangiti kong tanong.
"Ano sa tingin mo?" balik niyang tanong. Namiss ko ang boses niya.
"Ba't parang asawa ko na 'to?" sabi ko.
Hindi siya sumagot, pero tinanggal na niya ang kamay niya. Pagkalingon ko sa kaniya, pinitik niya ako nang mahina sa noo. Natawa naman ako, pero agad ding napatigil nang masuri ko siya. Napahawak ako sa kaniyang buhok.
"Ang haba na ng buhok mo ah," puna ako. Sa unang pagkakataon, nakita kong nakapirmi sa isang side ang buhok niya. Madalas ay nakaipit ang buhok niya o kaya naman ay nakalugay lang at hinahayaan niya sa likod.
"Hindi ba bagay sa'kin na sobrang haba ng buhok?" tanong niya.
"Bagay naman... pero 'di ka ba nahihirapan?"
"Hindi naman..."
Saktong biglang umihip ang malakas na hangin. Mabilis naman niyang napigilan ang pagsabay ng buhok niya, pero naalala kong mag-mo-motor kami at hindi ko alam kung anong gagawin sa buhok niya.
Habang nag-iisip at tumitingin-tingin sa paligid para mag-isip ng paraan, dumako ang tingin ko sa bitbit niyang paper bag. Hay. Ito na naman tayo.
"Para sa mga kapatid mo at sa Mama mo," sabi niya nang mapagtantong napansin ko ang bitbit niya.
"Sabi ko 'wag ka na mag-abala," sabi ko.
"Walang para sa'yo ngayon, Ezra. It's all for them," sabi niya, hindi ako pinakikinggan.
Tapos biglang dumako ang tingin niya sa motor at sa kulay pink na helmet na nakapatong sa upuan.
"Is this for me?" tanong niya.
Tumango ako. Binili ko talaga iyon para sa kaniya para sa ganitong pagkakataon. Hinintay ko namang pansinin niya ang mga nagbago sa'kin, pero wala siyang nabanggit. Ang buong atensyon niya ay nasa helmet lang.
"Pink talaga, Ezra?" nakangiti, pero sarkastiko niyang sabi.
"Bakit? Bagay naman sa'yo ah," naiirita kong sabi.
Natatawa lang siyang umiling at isinuot ang helmet. Hay. Hindi na lang ako nagpahalata masyado na naiinis dahil hindi pa rin niya napapansin ang mga bagay na gusto kong mapansin niya. Hinayaan ko na lang muna, imposible namang hindi niya mahalata e.
"Tara na nga," sabi ko na lang at inaayos ang motor.
"Saan ang punta natin?" tanong niya pagkaangkas sa motor.
"Secret," sabi ko.
Pinaandar ko na ang motor at awtomatikong napahigpit ang kapit niya sa beywang ko. Huminto ako saglit at hinila pa ang braso niya. Nakakapagtaka nga na hindi siya nag-react sa ginawa ko at talagang niyakap pa ako nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
عاطفيةEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.
