cool kid

28 2 0
                                        

Unang linggo ng Marso ay nag-aasikaso na ang buong klase kung saan nila pinaplanong magpakuha ng graduation picture. May dalawang studio sila na pinagpipilian dahil ito ang nirerekomenda ng college namin, pero ang ilan sa mga kaklase ko ay may ibang plano para mas makamura. Si Warren ang nagbibigay ng detalye sa akin. Ang sa akin naman, basta doon ako sa kung saan ako makakamura.

May ilang araw na rin simula nang huli kong makausap si Margarette. Sinusubukan ko naman siyang kumustahin paminsan-minsan, pero matibay talaga siya. Kalaunan ay itinigil ko na ang pagte-text at panggugulo sa kaniya.

Hindi ko muna siya pinuntahan sa tambayan. May mga pagkakataong dadaan ako para makita siya, pero hindi ko siya nilalapitan para hindi siya ma-distract sa pagre-review para sa nalalapit na finals. Itinuon ko na lang din ang atensyon ko sa pag-aaral mabuti at pagpa-plano kung anong gagawin pagka-graduate.

Tinanggap ko ang offer ni Warren na mag-apply kami sa isang BPO company. Pinsan niya ang nag-refer sa amin. Malaki ang sahod kaya pumayag na ako kahit malayo ang trabaho sa course na pinag-aralan ko.

Subok lang muna. Sa totoo lang, wala kasi talaga akong konkretong plano na gustong gawin sa buhay. Gusto kong magturo, pero wala akong pasensya sa pagtuturo. Gusto ko magtrabaho na in line sa kinuha kong kurso, pero hindi ko alam kung iyon ba talaga ang gusto ko.

Gusto ko lang magkaroon ng pera para makapag-ipon... para magawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay.

At dahil papalapit na nga ang graduation, malakas na usapan sa buong klase kung saan-saan nila balak mag-apply. 'Yung ibang magkakaibigan, gusto na sama-sama sila sa iisang kompanya o lugar magtrabaho. Ang iba nama'y may kani-kaniyang plano at isa na ako do'n.

Habang naghihintay sa pagdating ng prof namin, nagkakuwentuhan naman kami ni Warren tungkol sa trabaho ng pinsan niya. Curious lang ako kung anong klaseng trabaho ang pinapasok ko. Call center iyon at hindi naman talaga ako magaling mag-english.

"Ilang taon ng nagtatrabaho pinsan mo?" tanong ko.

"Halos eight years na rin," sagot niya. "Team Leader na siya. Nagtatrabaho na siya ro'n simula pa nung magsimula 'yung kompanya."

"Matagal-tagal na rin pala..."

8 years...

Parang ang haba kung iisipin, pero hindi mo mamamalayan, lumilipas na pala.

"Ahh, sa tingin mo, mahirap ba makapasa?"

"Hindi naman siguro. May one month training naman 'yon. Sabi ng pinsan ko, hindi mo naman kailangang maging magaling agad sa pag-english."

Hindi naman iyong mismong trabaho o training ang tinutukoy ko sa aking tanong, pero hinayaan ko na lang ang naging sagot niya. Bago ang lahat, kailangan ko munang ipasa 'yung job interview. Wala talaga akong kumpiyansa, pero susubukan ko pa rin.

🌹

Pag-uwi ko sa bahay matapos ang isang mahabang araw sa University dahil sa kung ano-anong mga activities tulad ng seminar at job fair, binubulabog na naman ako ni Ella. Gusto niyang malaman kung anong buong pangalan ni Margarette. Para hindi niya ako kulitin, in-accept ko na ang friend request niya at hinayaan siyang maghanap ng facebook account ni Margarette.

Nung kumakain na ako ng hapunan, ang sunod naman niyang reklamo ay kung bakit wala siyang makitang mga public posts ni Margarette.

"Matuto kasing maghintay na i-accept niya 'yung friend request mo," sabi ko, masyadong nagmamadali.

"Ano ba 'yan," iritado niyang sabi.

Nang matapos akong kumain, ang reklamo naman niya sa akin ay kung bakit wala kaming pictures masyado na magkasamang dalawa. Lahat na talaga inireklamo niya.

Pixie Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon