Sa wakas, ga-graduate na ako ng kolehiyo.
Tanda ko pa noong magtapos ako ng high school, wala talaga akong balak mag-aral ng college. Ang sabi ko pa sarili ko no'n, ano bang silbi na mag-aral pa? Gusto ko lang no'n na magtrabaho agad dahil walang trabaho si Mama at dalawa pa kaming kailangang mag-aral.
Nabubuhay kami sa tulong ng mga kamag-anak kaya mas ginusto kong magtrabaho na lang kaysa ang aksayahin ang apat na taon sa kolehiyo. Ngayon na nga lang kami nakaluwag-luwag dahil may trabaho na si Ate.
Pero noon talaga, may pagkakataong kahit ang pumasok sa school ay ang hirap. Iisipin ko kung kanino hihingi ng pamasahe, pangkain, pambayad sa mga project. Tapos nagka-anak pa si Ate. Umaasa lang siya no'n sa ka-live in niya. Nang maghiwalay sila, saka siya nagsimulang magtrabaho.
Ngayong ga-graduate na ako ng kolehiyo, iniisip ko pa ring isang malaking aksaya ng apat na taon ang pag-aaral ko, pero masaya akong nakilala si Margarette sa apat na taon na 'yon. At least, may girlfriend ako kahit walang pera.
Speaking of Margarette, siya agad ang una kong hinanap pagdating namin sa venue ng graduation. Kasama ko si Mama at ang dalawa kong kapatid. Isa lang talaga ang imbitado sa loob, pero gusto nilang dalawa sumama at sa labas na lang sila maghihintay.
Ang daming estudyante sa labas kaya sa tingin ko'y tapos na ang kina Margarette. Iisang lugar lang naman ang venue ng graduation, pero magkakaibang oras at hall ang schedule ng bawat course.
Umaga ang schedule nila Margarette kaya nagbabaka-sakali akong makita siya sa mga estudyanteng palabas ng Hall A. Ang masama pa, mukhang hindi lang ako ang naghahanap kay Margarette. Pagala-gala rin ang mata ni Ella, mukhang inaabangan.
Sa huli, pinuntahan ko na lang ang mga kaklase ko malapit sa entrance para mawala na kay Margarette ang focus ni Ella. Kaliwa't kanan ang pagkuha ng mga kaklase ko ng pictures. Medyo naiirita na rin ako dahil alas dyis na, pero hindi pa kami pinapapasok. Ang init sa labas at pawis na pawis na ako.
"Kuya, girlfriend mo!" Lahat kami napalingon kay Ella, kahit ang mga kaklase ko, at sinundan ang direksyon ng tingin niya.
"Ate Margarette!" tawag ni Ella. Kung makatawag akala mo ay close sila.
Pero bago pa makakilos ang katawan ko para pigilan siya, naglalakad na siya palapit kay Margarette. Halatang hindi naman inaasahan ni Margarette ang pagkikitang 'yon. Kahit ako e. Nakakahiya tuloy do'n sa kasama niyang kaklase kanina, na pinauna niya muna.
"Ate Margarette..." Feeling close na ipinulupot ni Ella ang braso niya kay Margarette.
Hay. Nung mga oras na 'yon, gusto kong batukan ang kapatid ko.
"Ma, si Ate Margarette... girlfriend ni Kuya," pakilala niya. "Imagine, 'yung mukhang 'yan, nagka-girlfriend pa!"
Sinamaan ko siya ng tingin. Tipid na ngumiti si Mama, mukhang nahihiya sa harap ni Margarette. Ito kasing loko kong kapatid napaka-maligalig.
"Hello po. Good afternoon," bati ni Margarette sabay tingin sa'kin.
"Margarette." Hinawakan ko ang kamay niya at inilayo siya kay Ella.
"Ma, magsisimula na 'yung graduation ceremony namin," sabi ko kay Mama at tumingin kay Margarette. "Mamaya na lang tayo mag-usap ulit. Pumunta ka na sa kung saan ka man dapat pupunta."
"Ang corny mo, Kuya. Pinapaalis mo agad si Ate Margarette!" Lumapit ulit si Ella at kumapit sa braso ni Margarette. "Hintayin mo na matapos ang graduation ni Kuya, Ate. Mabilis lang naman ata."
Tinignan siya ni Margarette at tipid na ngumiti. Unti-unting tinanggal ni Margarette ang kamay ni Ella sa braso niya. Lumingon siya kay Mama at Ate Eileen at tumungo para humingi ng paumanhin.
BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
RomanceEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.
