fall out

18 2 0
                                    

Pagdating kinabukasan, sinuot ko agad ang sapatos na ibinigay ni Margarette para maipakita sa kaniyang ginagamit ko ang regalo niya. Panay nga ang pangungulit ng mga kaklase ko, gusto nilang binyagan at dumihan ang sapatos. Ang iba naman ay panay ang tanong tungkol sa amin ni Margarette. Minsan hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nila at bakit ganito ang mga tanungan nila.

Bakit kailangang alamin? May maitutulong ba sa pag-unlad ng buhay nila ang tungkol sa love life ko?

"Ang seryoso mo masyado, Ezra!" sabi ni Monique.

Naiirita na talaga ako sa kanila at umabot na sa puntong ayaw ko silang kausapin. Nakaupo lang ako sa upuan ko at naghintay sa pagdating ng professor.

Sila Monique at Camille naman ay umupo sa likod at nagpatuloy sa pangungulit. Ako ang biktima nila.

"Bakit badtrip ka Ezra?" tanong ni Monique.

"Oo nga, Ezra! Bakit badtrip ka Ezra?" ulit naman ni Camille.

"Kaya ba na-inlove sa'yo si Margarette dahil seryoso ka?" tanong ni John, na nakaupo sa unahan ko. Hindi ko siya sinagot.

"Nakakairita talaga kausap 'no?" sabi ni Monique. "Kapag may hihinging pabor, ang bait-bait makausap. Kapag napakinabangan ka na, hindi ka na kakausapin."

Ohhh, ang reaksyon ng ilan sa mga kaklase kong nakarinig.

Hindi ko gusto ang tono ng pananalita ni Monique, pero wala na lang akong sinabi dahil ayaw kong makasakit. Baka kung ano pa ang masabi ko. Pero mapilit talaga ang iba kong mga kaklase.

"Anong masasabi mo do'n, Ezra?" tanong ni Camille.

"User ka pala e!" narinig kong sabi ng isa kong kaklase.

May isa namang dumagdag pa. "Friendly user."

Nagtawanan ang mga kaklase ko sa komentong 'yon maliban sa'kin.

"Iba 'yung panghihimasok sa personal na buhay ng iba," sabi ko. Tumigil sila sa pagtawa.

"So, nanghihimasok kami sa personal mong buhay? Ouch naman, Ezra!" pagda-drama ni Monique. "Parang hindi naman kami kaibigan. Kinukulit ka lang naman namin dahil natutuwa kami sa relasyon niyo ni Margarette. Ang sensitive mo masyado."

"Kaya nga. Hindi naman kami nanghihimasok sa love life ninyo. Gusto lang namin magkaro'n ng update tungkol sa inyo," dagdag pa ni Camille.

Hay. Totoo nga ang sinabi sa akin noon ni Margarette. Mas interesado tungkol sa usapang pag-ibig ang karamihan. Minsan nga sa love life mo lang talaga interesado ang ibang tao.

"Buti nakakatagal kayo ni Margarette sa isa't isa. Ang seryoso niyo masyado e," sabi ni Monique.

"Gano'n talaga kapag naiintindihan at mahal ninyo ang isa't isa," balik ko.

Kinikilig na naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Iba ka Ezra!" natatawang sabi ni John. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya ro'n, pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.

Wala namang naging tugon pa si Monique. Nag-ayusan na sila sa kani-kanilang upuan dahil dumating na ang prof namin.

Hay. Ang lakas makasira ng maganda sanang araw.

At mukhang hindi pa rito matatapos ang pagkasira ng araw ko.

🌹

Uwian na kami nakapagkita ni Margarette. Ite-text ko pa lang sana siya na naghihintay ako malapit sa gate nang dumating siya. Sa hawak kong cellphone ko nakatuon ang mga tingin niya.

Kinabahan agad ako. Napaghahalataang guilty. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko naalala ang tungkol sa cellphone. Hindi nga pala akin 'to.

"Ano 'yan? Bumili ka ng bagong cellphone?" tanong niya.

"Ito ba?" Ninenerbyos akong tumawa.

Nakalimutan ko na ito. Isasauli ko dapat 'to kay Monique nung pauwi na kami sa outing, pero nagpumilit siyang gamitin ko muna hanggang sa maghiwa-hiwalay na kami at hindi ko na talaga naibigay. Nawala na talaga ito sa isip ko. Ito siguro ang pinanghahawakan niya kaya gano'n na lang kung makasumbat siya sa akin.

Nagdalawang-isip naman ako kung aamin ba ako o magbibigay na lang ng ibang dahilan tapos isauli na agad kay Monique para hindi niya na makita kinabukasan. Hindi naman selosa si Margarette. Natatakot lang ako na iba ang maging tingin niya sa sitwasyon kapag nalamang kay Monique galing ang cellphone. Sa huli, nakonsensya ako at nagsabi ng totoo.

"Kay Monique 'tong cellphone. Pinahiram niya sa'kin 'to nung outing."

Wala siyang sinabi nung umpisa. Inabangan ko ang reaksyon niya. Tumingin siya saglit sa akin at mukhang gustong magsalita, pero naco-conscious siya dahil ang dami naming kasabay maglakad na estudyante.

Hay. Kasalanan ko 'to kaya dapat lang na ayusin ko 'to.

Hinawakan ko siya at hinila papunta sa ibang lugar, malapit sa interfaith chapel dahil wala masyadong estudyante rito.

"Seryoso bang kay Monique 'yan?" tanong niya agad. Tumango ako bilang sagot. "Nung pinahiram kita, tinanggihan mo. Pero nung si Monique ang nagpahiram, tinanggap mo."

"Hiram lang naman 'to Margarette."

"Pinahihiram ko lang din naman sa'yo 'yung cellphone ko ah. What's the difference, Ezra?"

"Margarette, iba kasi 'yung hiram galing sa girlfriend. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao? Anong iisipin ng magulang mo? Baka sabihin nila ginagamit lang kita."

Kung sa sapatos pa nga lang na niregalo niya, tingin na ng iba kong kaklase ay ginagamit ko siya. Ano pa kaya 'yung cellphone?

"Wala namang makakaalam kung walang magsasabi, Ezra. Do you think I'll let you use it and tell the whole world about it?" sarkastiko niyang sabi.

Mukha siyang kalmado, pero sa tono ng pananalita niya, alam kong galit na siya.

For a moment, nakatingin lang kami sa isa't isa. Hanggang sa mapangiti siya nang mapait at bumuntong hininga. Inabot niya sa'kin ang maliit na paperbag na kanina pa niya bitbit. Tinignan ko ang laman no'n. Pakiramdam ko'y pagkain, pero hindi ko makita kung anong klaseng pagkain dahil madilim na.

"Let's just go home. Share it with your family."

Nagsimula na siyang maglakad. Sinundan ko naman siya agad.

"Isasauli ko na 'to sa kaniya bukas. Nakalimutan ko lang nung pauwi na kami galing Bulacan."

"Whatever, Ezra."

Hay. Mas okay pa 'yung galit siya at pagsasabihan ako kaysa 'yung ganito na bibigyan niya ako ng cold treatment. Kababalik niya lang, tapos ganito pa.

"Galit ka?"

"What do you think I would feel, Ezra? You're using other girl's phone instead of mine," malungkot niyang sabi.

"Sorry na nga. Ibabalik ko na talaga 'to sa kaniya bukas," paninigurado ko.

Ang weird naman kasi kung cellphone niya ang gagamitin ko. Paano ko gagamitin 'yon? Liliit lang ang tingin ko sa sarili ko kung tinanggap ko ang cellphone niya.

"Let's forget about it, okay?" Iyon na ang huli niyang sinabi sa akin. Let's forget about it, pero halatang iyon ang iniisip niya.

Hindi niya ako kinausap buong biyahe. Sumubok ako, pero ang tipid ng mga sagot niya at pinaparamdam niya talagang ayaw niya akong makausap. Kahit sinundan ko siyang bumaba ng bus at inihatid siya hanggang sa bahay nila, hindi niya pa rin ako kinausap nang maayos.

Ni hindi ko na naipakita sa kaniya na suot ko ang regalo niya. Ewan ko nga kung napansin niya.

Hay. Pero aminado naman akong kasalanan ko 'to.

Pixie Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon