going sideways

24 2 0
                                        

💬
I'm sorry for what happened earlier, Ezra. Hindi na mauulit, promise.

Ito ang huling text ni Margarette sa akin kagabi, pero hindi ko kasi pinansin ang mga text niya sa'kin pagkauwi niya kahapon.

Hindi naman talaga ako galit sa kaniya, naiinis lang ako dahil ayokong maipit sa sitwasyong pinagkakaguluhan siya ng mga kakilala ko.

At dahil aalis kami ngayon, nag-reply ako sa kaniya at humingi rin ng tawad dahil sa inasal ko kahapon. Siguro kanina pa niya inaabangan ang reply ko dahil mabilis ang naging reply niya.

💬
I'm glad, we're okay. I'll pick you up at 10!

"Psh..." bulong ko sa sarili dahil nahihiya akong siya ang susundo sa akin. Sa kabilang banda, siya ang may kotse at marunong mag-drive kaya ano pa ba ang aasahan ko?

Bumangon na ako at naligo. Nang makita ni Ella na nag-aayos ako, nagmakaawa na naman siyang sumama. Pero wala namang magagawa ang pagpupumilit niya dahil kahit umiyak pa siya sa harap ko ay hindi ko siya isasama.

Nang paalis na ako, may pahabol pa sina Mama at Ate Eileen. Sabay nila akong tinawag at pinauna na ni Ate na magsalita si Mama.

"Paaalalahanan lang kita, Ezra..." simula ni Mama. "Bata pa kayo ni Margarette ah. Mag-enjoy muna kayo sa buhay at magtrabaho."

Napakunot ang noo ko. "Ano bang iniisip niyong gagawin namin ni Margarette do'n?"

Magbabakasyon at maggala lang naman kami sa Tagaytay. Para isang gabi lang kami magsasama sa isang kwarto, ang dami ng tumatakbo sa isip nila.

"Naku, Ezra... pinag-iingat ka lang namin. Kayong dalawa lang ni Margarette ang magkasama. Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa isang gabi. Baka mabalitaan na lang namin buntis na si Margarette," sabi ni Ate Eileen.

"Tsk," naiinis kong tugon. "Maggagala lang kami do'n tapos matutulog. Gano'n lang."

"Kinikilig 'yang si Kuya, Ate. Bakit binigyan niyo siya ng idea? Baka gawin niya nga talaga 'yan," pang-aasar ni Ella.

"Tumigil ka nga," sabi ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako.

Tumingin naman ako kay Mama at Ate Eileen, at sinigurado sa kanila na hindi mangyayari ang mga iniisip nila. Kung gagawin namin 'yon ni Margarette, sisiguraduhin kong kasal na kami.

Nagpaalam na ako sa kanila at umalis na. Pagdating ko sa istasyon ng bus, wala pa si Margarette. Ayos lang naman. At least nagkaroon ako ng ilang minuto para kalmahin ang isip ko. Pero pagdating niya, lahat ng sinabi sa'kin ni Mama at Ate ay bumalik ulit. Nanginginig tuloy akong binuksan ang pinto ng kotse niya at ninenerbyos na naupo.

"Sorry I'm late," sabi niya.

"Ayos lang," tugon ko. "Nag-almusal ka na?"

"Yeah. Ikaw?" balik niyang tanong.

"Kumain na rin," sagot ko.

"Okay," tipid niyang tugon.

Tahimik na kaming dalawa matapos no'n. Naka-focus siya sa pagmamaneho, samantalang ang isip ko ay paikot-ikot sa mga salitang baka mabuntis ko siya.

Matutulog nga lang ba talaga kami pagdating ng gabi?

🌹

Pagdating namin sa hotel kung saan nag-book kami ng reservation, pinaghintay kami saglit nung receptionist sa lobby dahil binigyan nila kami ng free upgrade sa mas malaking suite.

Nagpaalam ako kay Margarette na pupunta saglit sa CR, pero pagbalik ko ay may mga lalaki na siyang kausap. Mabilis pa sa kidlat ang naging lakad ko palapit sa kaniya. May tatlong lalaki ang nasa harap niya at parang may hinihingi sa kaniya. Nang medyo malapit na ako sa kanila, naririnig kong hinihingi nung lalaki sa gitna ang number ni Margatette.

Pixie Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon