runaway

19 2 0
                                    

Excited akong pumasok ng Lunes. Nagtext ako kay Margarette na maaga siyang pumasok para mahaba-haba ang oras ng kwentuhan namin at hindi naman niya ako binigo. Ang dami pa niyang bitbit pagdating sa tambayan. Nang tanungin ko kung anong mga laman ng bitbit niya, ang sagot niya'y pasalubong at baon na pagkain. Girl scout talaga.

Pero masarap pala talaga pumasok nang maaga. Lalo ngayon dahil medyo malamig pa ang panahon tapos wala pang mga estudyante masyado.

Kumain muna kami ng almusal habang nagkukuwento siya tungkol sa mga lugar na pinuntahan nila sa Switzerland. Pinakinggan ko lang siya magkwento. Namiss ko ang boses niya. Namiss ko ang makipag-usap sa kaniya. Nagpakita pa siya ng mga litrato, pero imbes na sa background ang tingin ko dahil 'yung lugar ang binibida niya, sa kaniyang mukha ako nakatingin.

Sana madala ko si Margarette kahit sa isang bansa lang. Pangarap niyang makapag-travel sa 100 bansa. Sana kahit isa lang do'n, ako ang magdala sa kaniya.

"Ang ganda nito," sabi ko sa kaniya nang makita ang isang picture kung saan ay nasa tabi siya ng isang malaking Christmas Tree.

Hindi ko alam kung anong nangyari ng mga oras na 'yon, pero malawak ang kaniyang ngiti. Madalang ang mga litrato niyang nakangiti siya kaya nagkakapagtaka minsan kapag may nakita ako. Kapag kumukuha kami ng litratong magkasama, ang tipid ng mga ngiti niya. Hindi talaga siya pala-ngiti. Pero sino ba ako para humusga, e gano'n din naman ako.

"Ahh..." iyan lang ang reaksyon. Ganyan talaga kapag nasasabihang maganda.

Matapos magtingin-tingin ng mga pictures, nagplano kaming gumala sa katapusan ng buwan para i-celebrate ang birthday ko. Sa Manila lang din naman. Sobrang belated para sa celebration. Ang dami niyang gagawin e. May mga practice set siyang kailangan tapusin, exam na kailangang ipasa at research paper na kailangang tapusin.

Minsan gusto ko siyang patigilin, na huwag naman puro aral lang ang iniisip niya. Gusto kong sabihin minsan na bigyan naman niya ng pahinga ang sarili, pero alam ko kung gaano kahalaga para sa kaniya ang makatapos kaya naiintindihan ko rin siya.

Nalalapit na ang oras ng unang klase niya, pero wala pa siyang binabanggit tungkol sa regalo niya. Hindi naman sa nag-e-expect ako, pero ang weird naman kung wala siyang regalo sa'kin ngayon. Nung nakaraang taon ay may regalo siya. Saka nung bakasyon panay ang pangungulit niya sa akin kung anong regalo ang gusto ko. Wala akong sinabing partikular na bagay, pero... Hay.

"Oh, regalo ko." Inabot niya ang isang paper bag. Pagbuklat ko nito, isang kahon ng sapatos at mga chocolates ang laman nito.

Tinignan ko siya nang seryoso. Sa laki nung kahon, imposibleng hindi ito sapatos. Ngumiti siya.

"Oh, tignan mo muna bago ka magreklamo!"

Sinunod ko naman siya. Isang plain white sneakers ang regalo niya sa akin. Kahit sa unang tingin, halata ang kalidad ng sapatos. Tinignan ko ang size nito at tamang-tama sa size ng paa ko. Ito iyong tipo ng sapatos na hanggang pangarap lang ako e. Iyong hanggang tingin lang, pero hindi talaga magkakaroon ng pagkakataon na makapagsuot.

Hindi talaga ako komportable kapag binibigyan niya ako ng mamahaling regalo, pero ngayon ay excitement ang nararamdaman ko. Ito ang unang beses na makatanggap ng ganito.

"Tama lang ang size, 'di ba?" tanong niya. Nung hindi ako sumagot, lumungkot ang mukha niya. Natawa lang ako at pinakatitigan ang regalo niya.

"Alam mo kung anong nararamdan ko ngayon?" tanong ko makalipas ang ilang sandali.

"Ano?"

"Masaya. Thank you sa regalo. Matagal ko na gustong magkaro'n ng ganito e."

Ngumiti siya, halatang nasisiyahan sa reaksyon ko. "Okay lang ang size?"

Pixie Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon