Kinabukasan ng Linggo ang check out namin. Mabilis naman ang biyahe pauwi. Alas dose kami umalis sa resort, tapos nakauwi kami ni Kuya Maki sa amin ng alas tres. Medyo maingay pagdating sa bahay dahil nandito ang mga pamangkin ko. Mukhang kagagaling lang nila sa grocery at namili ng panghanda para sa Pasko.
Sa kwarto ako dumiretso para makapagpahinga. Hindi ako makatulog kaya nagbukas ako ng facebook para tignan kung may chat ba si Margarette. Wala pa kaya nag-chat ako at tinanong siya kung anong ginagawa niya.
Habang naghihintay sa reply niya, tinignan ko ang mga notification ko. Puro tagged pictures mula sa outing at mga notif ng comments nila sa mga picture na naka-tag ako.
Dahil madalas akong tambay sa mga confession page at meme page, mga post mula rito ang madalas na lumalabas sa newsfeed ko. Kapag sinuswerte nga naman, bumungad pa sa'kin ang isang confession na naman tungkol kay Margarette.
Nagtataka naman ako sa mga taong 'to Kahit alam na nilang may boyfriend 'yung tao, malalakas pa rin ang loob mag-confess ng feelings nila para sa kaniya. Mabuti nga hindi mahilig mag-facebook si Margarette. Ang hirap magkaroon ng sikat na girlfriend. Mabuti na lang hindi siya 'ying tipo na aware kung gaano siya kasikat. Kung active siguro siya sa facebook, mas marami pang makakakilala sa kaniya.
Sunod kong tinignan ang mga albums niya at kung sino ang madalas na nagco-comment dito. Mas marami pa ang hindi niya talaga kakilala kaysa kakilala. Madalas nagpapaabot ng pagkamangha sa kaniya, magsasabi na ang ganda niya o kaya magpapansin na pansinin sila ni Margarette. Wala naman siyang reply sa mga ganito. Ang mga nire-reply-an niya lagi ay mga kaibigan at kakilala.
Ang dami ko pa palang hindi nala-like, kahit ilang beses ko nang nabisita ang mga albums niya. Nag-like ako ng ilang mga pictures niya hanggang sa makatulog na ako.
🌹
December 23, Miyerkules
Alas singko ng hapon ang flight nila Margarette ngayong araw. Nasa airport na sila ng magulang niya, naghihintay ng flight departure nila sa lounge. Tinawagan niya ako para lubusin ang mga oras na nandito pa sila.
Nandito naman ako sa gym ni Sam, nagbabantay. May dalawang lalaki lang ang may work out session kaya hindi naman nakakasagabal ang pag-uusap namin sa pagbabantay ko.
"Pagdating ninyo ro'n, anong una ninyong gagawin?" tanong ko.
"We'll visit a Christmas Market, go shopping and eat lots of food."
"Pasalubong ah."
"What should I get you? Any personal request?"
"Wala naman. Basta kung ano 'yung sikat diyan."
"Psh," bulong niya.
"Ano pa mga gagawin ninyo? Malamig ba do'n?"
"I think so..."
"May dala ka bang pang-winter na jacket?"
"Oo naman."
"Nice, nice. Pagkatapos ng Pasko, anong mga gagawin ninyo?"
"Mamumundok at maggagala sa mga magagandang lugar. I don't really know what else we're going to do. It depends, I guess."
"Bakit it depends—"
"I'm sorry, Ezra. We're going to board soon. I'll call you again. Ingat ka palagi."
"Ikaw din. Enjoy sa gala ninyo. I love you."
May mahina pa siyang psh bago sumagot ng I love you, too at in-end ang call. Natawa lang ako dahil na-imagine ko ang nahihiya niyang itsura habang sinasabi iyon sa harap ng magulang niya.
BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
RomanceEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.
