comfort zone

26 2 0
                                    

Work at home ang set up ng trabaho ni Margarette bilang isang Analyst. Nagtatrabaho siya sa kompanya na pagmamay-ari ng pamilya ng kaibigan niyang si Anna. Balak naman niyang kumuha ng board exam at magtrabaho bilang Accountant, pero next year pa niya pinaplano ang mga 'to.

Mas pabor naman siya sa ganitong set up. Nasa bakasyon pa raw kasi ang isip niya. Isa pa, mas marami siyang free time kaya madalas siyang bumisita sa amin para makapagkita kami.

Mabilis namang lumipas ang mga araw. Unang araw ng Disyembre ngayon at nasa bahay nila ako para tulungan siyang maglinis at magluto. Uuwi galing probinsya ang Mama at Papa niya kaya gusto niyang ipagluto sila.

Ni minsan ay hindi pa raw niya naipagluluto talaga ang Mama at Papa niya ng lutong ulam kaya gusto niyang sorpresahin sila. Nag-search pa siya ng recipe kung paano magluto ng kare-kare at pastel dahil iyon ang paboritong ulam ng Papa at Mama niya.

At dahil si Margarette ay 'yung tipo na gustong nag-e-effort talaga kapag may isang bagay siyang gustong gawin para sa espesyal na tao, ayaw niyang tulungan ko siya. Hindi naman ako magaling magluto, pero kahit paano ay marunong naman ako. Ang ending tuloy ay taga-ligpit na lang ako ng mga kalat niya. Syempre dahil first timer siya, ang daming gamit na nakakalat, na kung tutuusin ay hindi rin naman kailangan.

"Ezra, can you look into this for me?" utos niya. "After 5 minutes, turn it off."

Inabot niya sa'kin ang cellphone niya para mabantayan ko ang oras.

"Oo na, sige na!" sabi ko. May timer pa talaga. Pwede namang tantiyahin na lang 'yung five minutes.

Mabilis naman siyang umalis para pumunta ng banyo. Habang nakatitig ako sa timer ng cellphone niya, biglang may lumabas na notification. Hindi ko naman sana papakialaman pa, pero may kakaiba do'n sa message e. Inaaya niyang magkita sila ni Margarette sa Linggo.

Ang pangalan nung nag-message ay Dennis Lazaro. Binuklat ko 'yung profile picture at napansing pamilyar siya, pero noong una ay hindi ko pa siya nakilala. Nung nag-backread ako sa conversation nila, doon ko siya nakilala.

Nagsimula ang conversation nila eksakto noong graduation. Binati niya ng Congratulations si Margarette sabay aya kung pwede ba silang magkita pagkatapos ng graduation ceremony. As usual kay Margarette, tinanggihan niya.

Pero hindi do'n natapos ang mga conversation nila. Sa loob ng apat na buwan na nagta-travel si Margarette, china-chat niya pa rin si Margarette at kinukumusta tungkol sa mga lugar na pinupuntahan niya.

May isa pang beses na tinanong niya si Margarette kung kami pa raw ba. Ang eksaktong pagkakasabi pa niya talaga: kayo pa ba rin ba nung boyfriend mo? Sa kabutihang palad, tama naman ang naging sagot ni Margarette.

Sabi na e! Tama talaga 'yung kutob ko noon na may gusto 'tong prof niya sa kaniya. Trip na trip siya noon e.

"What are you doing, Ezra?" Nag-angat ako ng tingin kay Margarette na nakakunot ang noo pagdating. Tapos biglang lumipat ang atensyon niya sa niluluto niya. "I told you to turn it off after five minutes!"

Nagmamadali siyang lumapit at siya na ang nagpatay ng apoy sa kalan. Napakamot at napatitig lang ako sa kaniya. Nakalimutan ko na rin e. Nung nag-alarm 'yung five minutes niya ay inihinto ko lang ito tapos ipinagpatuloy ang pag-backread ng conversation nila nung prof niya.

"Sorry, sorry," sabi ko.

"What are you reading?" naiinis niyang tanong at inagaw ang cellphone niya.

Hindi ko alam kung bakit ako ang kinakabahan na malaman niyang binasa ko ang conversation nila. Dapat siya kasi hindi naman niya binanggit sa'kin na nag-uusap sila ng prof niya. Hindi ko naman sinasabing guilty siya, pero... minsan 'yung ibang tao kapag naipit sa ganitong sitwasyon, nagpapaliwang agad sila ng side nila, pero siya ay wala lang.

Pixie Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon