Pagkatapos naming mag-ayos, umalis na kami ni Margarette para kumain. Pakakainin niya raw muna ako para mahimasmasan ako. May nalalaman pa siyang libre niya ito, samantalang mas madalas naman talagang siya ang nagbabayad kapag kumakain kami sa labas.
Nahihiya ako, pero medyo nasanay na lang din ako. Hindi ko naman siya mapipigilan. Ayaw ko rin namang magpanggap sa harap niya na kaya kong magbayad kung wala naman talaga. Gumagawa ako ng paraan, pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay mayro'n ako.
"Dapat hindi pala muna tayo kumain," sabi ko nung nagsisimula na kaming kumain.
"Bakit naman?" tanong niya sabay higop ng sabaw nung bulalo.
Napailing na lang ako habang nakangiti dahil hindi ko rin alam kung bakit binanggit ko pa e nagsisimula na kaming kumain.
"Sabi mag-zi-zipline tayo mamaya. Baka bumaligtad mga sikmura natin tapos busog pa tayo," paliwanag ko.
"Psh... It's not like we're going to ride a rollercoaster."
"Kahit pa!" Hindi ko pa naranasang sumakay sa rollercoaster o maranasan ang zipline. Hindi ko alam kung kaya ko ba ang nasa mataas na lugar.
"Are you afraid of heights?" tanong niya.
"Hindi," pagtanggi ko naman sabay iwas ng tingin. "Bakit naman gusto mong mag-zipline? Sabi mo dati na-try mo na 'to."
"I want to try it again with you."
"Bakit?"
"Just because," mabilis niyang sagot. "Ezra, each moment is unique. Even if it's the same activity, it's not going to be the same experience if you are doing it with another person."
Napatitig lang ako sa kaniya habang tinatatak sa isip at puso ko ang mga sinabi niya. Bakit ba ang sweet at nakakakilig naman nung sinabi niya, pero ang seryoso pa rin ng mukha niya?
"Opo, boss!" sabi ko makalipas ang ilang minuto.
Pagkatapos naming kumain, naglalakad-lakad lang kami sa isang malapit na souvenir stop. Wala naman kaming binili, gusto niya lang tumingin-tingin. Tapos nagpunta na kami sa Picnic Grove.
Maraming tao ngayon bisperas kaysa sa inaasahan ko. Iniisip ko wala masyadong tao dahil nga bisperas, mga naghahanda para sa Pasko, pero mali ako. Marami ring mga couples sa paligid na nagde-date ngayon. May iba pa na mukhang mas bata kaysa sa amin ni Margarette, pero 'yung itsura naming dalawa ay mukhang kakakilala pa lang sa isa't isa at medyo nagkakahiyaan pa.
Kinuha ko ang kamay niya at pinagsalikop ang aming mga daliri. Nakita ko pa ang pagngiti niya nang gawin ko 'yon. Habang naglalakad kami, may nadaanan kaming tattoo studio. Minsan kong naisip magpa-tattoo ng pangalan ni Margarette, pero baka magalit siya.
"Margarette, okay lang sa'yo na magpa-tattoo ako?" tanong ko.
"Hmm... okay lang naman. Ano ipapa-tattoo mo? Pangalan ko?" tanong niya.
"Psh..." Ang galing niya manghula, pero syempre itinanggi ko na lang. "Hindi. Bakit ko naman ipapa-tattoo pangalan mo?"
"Ano nga?"
"A-ano... gusto kong magpa-tattoo ng rose."
"Saan?"
"Dito lang sa... may braso ko."
"Hmm..." tugon niya at tumango-tango.
Hindi ko alam kung frustrated ba siya dahil itinanggi ko o ano. Aamin na sana ako, pero nagsalita siya ulit.
"It's okay if you want to get a tattoo. Just not my name, please."
"Bakit naman?"
"I don't know..." Nagkibit-balikat siya. "I feel like that would be very uncomfortable for me. You know, I don't really see my name as a pretty name."
![](https://img.wattpad.com/cover/238495024-288-k973004.jpg)
BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
RomanceEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.