Ang tagal matapos ng klase.
Pero sa totoo lang, 30 minutes na lang talaga ang natitira. Madalas kasi maagang nagdi-dismiss ang prof ko sa Recreation Education, pero ngayon sulit ang tatlong oras sa kaniya kaya natatagalan ako. Ang dami niyang paalala tungkol sa mga gagawin namin sa susunod na pagkikita. Nitong mga nakaraang linggo ay petiks siya sa pagtuturo, tapos ngayon ay ang daming pahabol.
Nang sabihin na ng prof ang magic word, mabilis pa sa kidlat ang naging kilos ko para lumabas ng room, pero mabilis din ang naging kilos ng mga kaklase ko para pigilan ako.
"Ezra, sama ka? Karaoke tayo," aya ni Monique.
May ilang pagsuporta sa mga kaklase kong lalaki. Hindi kasi papasok ang prof namin sa pangatlong subject kaya mahaba-haba ang bakanteng oras namin. Syempre kapag nag-aya ng gala ang grupo nila Monique, buong klase ay inaaya rin nila.
"Pass muna ako," sabi ko.
"Sige ganyanan Ezra ah," pangongonsensya ni Victoria.
Nung nakaraan kasi ay tinulungan nila akong makakuha ng exam sa isang prof dahil na-late ako pumasok sa subject nito. Hindi ko pa naman nakakalimutan ang pabor na ginawa nila para sa'kin kaso...
Hay. Sa totoo lang, nagpapasalamat ako dahil may pagkakaisa ang buong klase namin. May grupo-grupo ng pagkakaibigan, pero pagdating sa kapakanan ng bawat isa ay sama-sama at walang laglagan. Kapag may nangangailangan ng tulong, ba-back up talaga lahat. Kapag may nag-aya ng gala, gala rin ng lahat. Pero minsan...
"Sige na, sasama na ako," napipilitan kong sabi.
Dahil sa pangungulit nila, pumayag na akong sumama. Nagchat na lang ako kay Margarette na hindi ko siya masasabayang kumain ng lunch. Nagsabi naman ako ng totoo, na kasama ko ang mga kaklase ko at pupunta kami sa mall para maggala.
"Grabeng boyfriend duties, Ezra."
Napalingon ako kay Monique na nasa tabi ko na pala. Kaagad kong iniwas ang cellphone ko para 'di niya mabasa kung anong tina-type ko, kung sakali mang binabasa niya.
"Baka naman masakal na sa'yo niyan si Margarette," komento ni Kat.
"Oo nga, Ezra! Binabakuran mo masyado e," natatawang sabi ni Victoria.
Napakunot na lang ang noo ko sa mga pinagsasabi nila. Minsan
"O pinagbabawalan ka ba niya sumama sa'min?" tanong ni Monique. "Sabihin mo minsan ka lang sumama sa mga gala natin, baka naman."
"Ka-badtrip 'yung mga gano'ng babae," komento naman ni Camille. "Tipong feeling sa kanila umiikot ang mundo ng mga boyfriend nila."
"Sabihin mo naman kay Margarette, bigyan ka naman niya ng time para makapaggala kasama mga kaibigan mo," sabi pa ni Monique.
"Kung ano-ano naiisip ninyo," sabi ko lang at hindi na sila pinansin.
Nakatanggap ako ng isang text message galing kay Margarette. Hindi niya nabasa ang chat ko.
💬
Saan ka na, Ezra?Mabilis naman akong nagreply.
💬
niyayaya ako ng mga kaklase ko sa mall e. sorry.
Wala pang isang minuto ay may reply na siya.
💬
Okay lang. Sige, enjoy!Galit kaya siya? Madalas naman kapag nayayaya ako ng mga kaibigan ko ay hindi nasasagasaan ang oras namin para sa isa't isa. May ilang pagkakataon, pero minsan ay nagagawan ko ng lusot. Ngayon wala talaga akong lusot.
![](https://img.wattpad.com/cover/238495024-288-k973004.jpg)
BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
RomanceEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.