looks

29 3 6
                                        

Pangalawang araw namin sa Batangas, maulan pa rin ang panahon. Ngayon ang mismong araw ng birthday ni Margarette kaya kahit umaabon ay itinuloy namin ang swimming. Imposibleng tumila ang ulan kaya bahala na. Kami nga lang ang tao sa pool area.

Hindi naman kami nagtagal dahil baka magkasakit sila. Malakas immune system ko, pati si Margarette, pero mahirap nang magkasakit. Pagkatapos makaligo at makapag-ayos, nagpunta kami sa isang bulaluhan para makahigop ng mainit na sabaw.

Nung pabalik na kami sa hotel, nagpaalam ang mga kaibigan niya na pupunta sa mall para bumili ng regalo. Sa sobrang busy daw nila, wala pa silang nabibiling regalo. Pero feeling ko, ginawa lang nila 'yon para bigyan kami ng oras ni Margarette, iyong kaming dalawa lang.

Sa kwarto naming mga lalaki kami tumambay para maghintay sa pagbalik ng mga kaibigan niya. Hindi naman ako nagpaligoy-ligoy at iniabot sa kaniya ang aking regalo. Naupo siya sa kama ko at sinundan ko naman siya. Pasulyap-sulyap siya sa'kin habang binubuksan ang paper bag at dahan-dahang tinanggal 'yung papel na nakabalot. Ewan ko ba kung bakit nagdududa siya. Binalutan ko lang naman ng maraming papel dahil natatakot akong mabasag sa biyahe.

Kontento naman ako sa naging reaksyon niya nang tanggalin ang huling papel. Nagtataka, nangingiti, kinikilig. Halatang hindi siya makapaniwala sa regalong natanggap mula sa'kin.

"Paano mo nala—"

"Ako pa ba!" mayabang kong sabi.

"Hindi nga, paano mo nalaman?" seryoso niyang tanong at nagwisik ng pabango sa hangin.

Ang regalo ko kasi ay ang paborito niyang pabango.

"Pinatanong ko sa kaibigan mo."

"Sino?"

"Kay Hillary."

"Ahh..." Napangiti siya, parang may naalala. "Hindi ko napansin 'yon ah."

"Syempre sabi ko 'wag nila ipahalata sa'yo. Lakas mo pa namang makaramdam."

Binalik niya na ang pabango sa paper bag at ipinatong muna ito sa cabinet sa tabi ng kama ko. Umayos siya ng upo at sumandal sa kama. Binuksan niya ang tv.

"Anong gusto mong panoorin?" tanong niya habang nagbo-browse ng mga channel. "Pustahan tayo, hindi talaga bibili ng regalo 'yung mga kaibigan ko..."

"Alam ko, kaya lubusin na natin na wala pa sila," sabi ko. Tumabi ako sa kaniya at kinuha ang remote control ng TV para patayin ito. "Happy birthday, Margarette."

"Thank you," malambing niyang sabi. Psh.

"Bakit ba wala tayong tawagan?"

"Syempre, corny e."

"Mahal," sabi ko. Napalingon siya sa'kin, pero wala naman siyang violent reaction. "Bakit may problema?"

"Psh," tangi niyang bulong, hindi pinuputol ang tingin niya sa'kin.

I suddenly want to kiss her.

"Can I kiss you?" tanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit tinanong ko pa siya. Hinayaan ko na lang sana ang agos ng pagkakataon at tahimik na naghintay hanggang sa unti-unti kaming mapalapit sa isa't isa.

Tumango siya bilang sagot. Hindi ko naman pinalampas ang pagkakataon. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at ang isa ay sa kaniyang batok. Lumapit pa ako sa kaniya hanggang sa magdikit ang aming mga labi.

Gusto kong maging agresibo nang kaunti. Naramdaman ko naman agad ang isa niyang kamay sa dibdib ko, handa akong itulak palayo kung sakaling mapasobra ako.

Hindi ko naman pinaabot pa sa gano'n. Nang maghiwalay ang mga labi namin, para akong naubusan ng hininga. Napatitig pa ako sa kaniya ng ilang saglit bago nakaramdam ng hiya at nag-iwas ng tingin. Ganoon din naman siya.

Pixie Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon