Simple lang ang naging handaan para sa celebration ng birthday ni Margarette. Hindi naman ganoon karami ang mga bisita niya gawa ng may mga kani-kaniya ng buhay ang iba sa mga kaibigan niya. Ako, ilan sa mga kaibigan niya at kamag-anak ang pumunta ngayon para sa simpleng kainan.
Hindi naman naging mahirap para sa akin na maka-close ang ilan sa mga pinsan niya. Ngayon niya palang ako naipakilala talaga sa mga kamag-anak niya at napagtanto kong ang dami niyang pinsang lalaki.
Pero may isa siyang Tita na pakiramdam ko ay naiinis sa'kin—si Tita Yasmin, isa sa mga kapatid ng Mama niya. Ewan ko ba kung guni-guni ko lang o ano, kakaiba kasi talaga ang tingin niya sa'kin tuwing nadadaan ako. Ayaw ko namang banggitin kay Margarette dahil alam kong straight forward siya.
Nakumpirma naman ang hinala kong 'yon nang maghugas ako ng pinggan sa kusina. Abala si Margarette kasama ang kaibigan nyang si Riley sa labas kaya naisip kong hugasan na ang nga ginamit naming plato nung kumain kami ng cake na bitbit ng kaibigan niya. Maya-maya ay dumating si Tita Yasmin, may hawak na tasa at tumabi sa'kin. May tamang distansya sa pagitan naming dalawa.
"Ezra," narinig kong tawag niya. Itinigil ko naman ang ginagawa ko at lumingon para ituon ang atensyon ko sa kaniya.
"Ano po 'yon, Tita?" tanong ko, hinihiling na sana ay ipapasabay niya lang pahugasan ang tasang hawak.
Sa kasamaang palad, hindi natupad ang hiling ko.
"Ezra, what do you do for a living?" simula niya. Napaka-simple lang nung tanong, pero kung ano-ano na agad ang tumatakbo sa isip ko. Baka naman curious lang talaga si Tita, ang pampalubag loob ko na lang sa sarili.
"Ah, n-nagtatrabaho po ako sa gym ng kaibigan po saka nagde-deliver ng mga order para sa business ng kapatid ko," sagot ko.
Nagsisimula na akong pagpawisan sa batok. Parang hindi naman ganito ka-intimidating ang magulang ni Margarette nang tanungin nila ako kung anong trabaho ko.
"Do you think you can support Margarette with that kind of job?" seryosong tanong ni Tita.
Hindi ako nakasagot agad. Medyo masakit, aaminin ko. Aminado naman akong hindi ko kayang buhayin si Margarette sa ganitong trabaho. Sa pamilya ko nga, hindi ito sapat, kay Margarette pa kaya?
Siguro kahit ayos lang sa magulang ni Margarette ang estado ko sa buhay, nando'n pa rin siguro 'yung pakiramdam na sana makakilala nang matinong lalaki ang anak nila. Iyong imbes na siya ang bubuhay, siya ang bubuhayin.
Bakit ba nauso ang prince charming sa mga istorya?
"A-ano po..."
"I'm only worried about her future with you. She has a nice life—"
"Ezra?" Sabay kaming napalingon ni Tita Yasmin kay Margarette. Nagtatakang nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin. "What are you doing here?"
"Hi-hinugasan ko lang 'yung mga pinagkainan natin kanina," paliwanag ko. Kinakabahan pa rin ako, pero ngayon ang kaba ko ay para kay Margarette na dahil sobrang seryoso ng tingin niya sa akin.
"Tita, kain na po tayo. Dumating na 'yung order ni Mael." Walang ka-emosyon emosyon ang pagkakasabi ni Margarette.
Ngumiti lang si Tita Yasmin. "Sure, I'll head outside first!" Lumingon siya sa'kin at inilapag sa lababo ang hawak niyang tasa, pero wala na siyang sinabi. 'Yung huli niya mga tingin, sinasabing hindi pa ito ang huli.
Pagkaalis ni Tita, si Margarette naman ang lumapit sa akin. Tinulak niya ako nang mahina pagilid at nagsuot ng gloves para ituloy tapusin ang hinuhugasan ko.
"Why are you doing this?" tanong niya.
"Ikaw 'yung may birthday e, bakit naman ikaw ang maghuhugas niyan?" balik ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/238495024-288-k973004.jpg)
BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
عاطفيةEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.