October 23
Ngayon ang second anniversary namin ni Margarette. Ang bilis ng panahon. Two years na kami, pero wala man lang kami tawagan. Ang corny naman kasi masyado. Kapag wala namang tawagan, parang hindi kami magkarelasyon.
Pagdating ko sa labas ng kanilang subdivision, nagtext ako sa kaniya na nandito na ako. Wala pang sampung minuto ay dumating na siya. Nakakulay light blue shirt siya at denim shorts. Ang ganda at linis ng porma niya, parang pupunta ng mall para bumili ng kung ano.
Hindi ko nga alam kung ito ba ang normal niyang ayos kapag nasa bahay o nag-ayos talaga siya dahil may bisita siya. 'Yung suot niyang damit, parang hindi naman pambahay tapos dapat medyo magulo buhok niya, 'di ba?
Alas tres na. Ang tangi kong regalo sa kaniya ay isang love letter at mga chocolates. First time ko pa lang talaga gumawa ng love letter para sa kaniya kaya feeling ko matatawa 'yon kapag nabasa niya 'to. Baka nga makita pa lang niya, kumukunot na ang noo niya.
"Anong laman niyan?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Alam mo na agad na para sa'yo ah," natatawa kong sabi.
"Obvious naman e." Hinila niya na ang paper bag at hindi na talaga naghintay na makarating kami sa bahay nila para tignan ang laman. Hinayaan ko naman siya.
"Bakit puro chocolates?" tanong niya. Hinawakan niya 'yung letter, pero hindi naman niya binuklat. "Sabi ko naman 'wag ka na mag-abala ng mga ganito e."
"Ang corny naman no'n kung wala akong ibibigay sa'yo. Wala na nga akong regalo sa'yo last year, pati ba naman ngayon..." sabi ko at napayuko. "Ikaw? Anong regalo mo sa'kin?"
"Wala," proud niyang sagot.
"Psh..." bulong ko, pero hindi naman talaga ako nag-eexpect.
"Galit ka?" tanong niya.
"Hindi," nakakunot noo kong sabi.
Ngumiti lang siya. Pagdating namin sa bahay nila, nakaayos na ang sala at nakahanda ang pagkain. Nakabukas ang TV, hinihintay na lang ang manonood. Panira lang ng mood ang nakapatay na ilaw sa kusina. Para kaming nasa horror movie imbes na romantic movie. Mamaya biglang lumabas si Sadako sa TV nila. Pero hindi ko na ito masyado pinansin at naupo sa tabi niya sa sofa.
"Anong oras uuwi Mama at Papa mo?"
Mahina siyang tumawa. "Talagang iyan ang ipinag-aalala mo ah... Ano gusto mong panuorin natin?" pag-iiba niya ng usapan.
"Ikaw bahala," sabi ko.
"Ano nga gusto mo? Baka matulog ka lang kapag ako ang namili ng papanuorin."
"Hindi 'yan," tugon ko. Tapos bigla kong naisip, baka horror movie nga ang piliin niya. "Syempre dapat romantic movie para may kilig."
"Romantic movie?" medyo naasiwa niyang sabi, pero naghahanap na siya.
Tinignan ko lang siya sa ginagawa niya hanggang sa makapamili siya ng papanuorin namin. Feeling ko naman kahit anong movie pa 'yan, ang magiging ending ay hindi pa rin ako manonood.
"Kumain ka na ba?" tanong niya.
"Oo," sagot ko.
"Kumain na tayo ulit," alok niya sabay turo sa isang mangkok ng french fries. "Huwag mo na 'to pansinin, 'yung iba rito ay sunog e."
Inilapit niya sa kaniya ang mangkok na tinutukoy niyang may sunog at ibinigay sa'kin 'yung maayos ang pagkakaluto.
"French fries na nga lang, nasunog mo pa."
BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
RomanceEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.