the right person

24 2 0
                                        

Normal naman ang naging araw  ko sa trabaho ngayon maliban na lang nung dumating si Elmar. Para siyang kapatid kong si Ella, mausisa masyado. Siguro gano'n talaga. Mas mabilis makapukaw ng interes 'yung tungkol sa love life ng ibang tao kasi usapang pag-ibig e.

"Pogi natin sa bagong profile pic ah," sabi ni Elmar.

Nagpalit kasi ako kagabi ng profile picture. Kasama ko sa litrato si Margarette. Kuha ko 'yon nung anniversary namin. Iyon talaga ang pinakaunang litrato na kuha ko gamit ang bagong cellphone ko. Pinrotektahan ko pa sa kapatid ko 'yon dahil nung bagong bili ko 'yon, gusto niyang kumuha ng selfie niya gamit ang cellphone ko dahil mas maganda raw ang quality.

"Bakit parang 'di yata kita friends sa facebook, Ezra?" tanong ni Kuya Jan.

Itinigil niya ang pag-stretching para mag-cellphone. Tinabihan naman siya ni Elmar para ipakita ang profile picture ko at ibigay ang pangalan ko sa facebook. Wala naman akong nagawa kundi ang i-accept ang friend request ni Kuya Jan.

Sa totoo lang, sa lahat ng mga kakilala at nakakausap ko rito sa gym, si Kuya Jan ang hindi ko masyadong gusto. Wala naman akong galit sa kaniya, sadyang iba lang ang vibe niya para sa'kin kaya hindi ko siya in-add sa facebook.

"Margarette Ferrer pala ah..." komento niya habang tumatango-tango. "Ganda ng gf mo, Ezra! Bakit tinatago mo? Dapat ipinagyayabang mo."

Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Ano, bagay lang?

"Patingan nga!" pang-uusisa ni Kuya Mendel. Maya-maya ay tumango siya at nag-thumbs up. "Magaling pumili."

"Magaling nga pumili! Rich kid pa," dagdag ni Elmar.

Gusto ko siyang sapakin ng mga oras na 'yon, pero nasa trabaho ako e. Kaya siguro hindi siya masyadong pinapansin nung kambal, nakakainis kasama e. Hindi na rin ako magtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa kambal. Simple, magalang, tahimik. Madalas magreklamo si Elmar na naiinis daw siyang kasama ang kambal dahil sila lang ang madalas na pinapansin ng mga tao. Pero may dahilan naman ang ibang tao para hindi siya pansinin.

"Baka may pwede ka namang i-reto na kaibigan ni Margarette, Ezra? 'Wag mo namang sinasarili 'yung mga magagandang babae," sabi ni Elmar.

"Tigilan mo nga ako," naiirita kong sabi sa kaniya.

"Biro lang," natatawa niyang sabi. "Pero seryoso, Ezra, imbitahin mo minsan dito gf mo."

"Uy, natatakot kang maagaw kaya ayaw mong dalhin dito 'no, Ezra?" sabi ni Kuya Jan.

"Wala 'yung oras para sa ganito," iyon lang ang paliwanag ko at hindi na sila pinansin.

'Yung mga ganitong banat ni Kuya Jan ang pinakakinaiinisan ko sa lahat.

Wala naman akong ikinakatakot, pero naiinis ako sa pagiging mayabang niya. Para bang sinusubukan ang pasensya ko. Siya kasi 'yung tipo na feeling lahat ng babae ay magkakagusto sa kaniya. Medyo arogante rin.

🌹

Pagtungtong ng alas singko, nagpaalam na ako kay Sam na uuwi na ako. Hindi ko na hinintay si Elmar dahil ayoko siyang makasabay sa paglalakad pauwi sa amin. Pagdating ko ng bahay, hindi ko inaasahang makikita ko si Margarette sa amin. Hindi man lang nagtext o chat na pupunta siya ngayon.

"Bakit nandito ka?" tanong ko.

Tinabihan ko siya at tinignan kung ano 'yung ipinapakita ni Ella mula sa cellphone niya. Tinabig ko iyon agad nang makitang picture ng kambal ang ipinapakita niya kay Margarette.

"Epal ka talaga, Kuya!" reklamo ng kapatid ko.

"Bakit pinapakita mo 'yan kay Margarette?" naiinis kong tanong.

Pixie Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon