Last day ngayon ng klase. Hindi mahigpit ang mga prof ko ngayon sa klase dahil alam nilang excited na ang mga estudyante sa bakasyon. Alam din niyang bukas ang outing ng buong klase kaya pinagbigyan kami.
Sa Miyerkules naman ang flight nila Margarette, papuntang Switzerland, kung saan sila magpapalipas ng Christmas Break kasama ang pamilya niya.
Dahil maaga kami pinauwi ng prof sa huling subject, maaga-aga ang pagpunta ko sa room ni Margarette, pero sa daan pa lang ay nakasalubong ko na siya. Pagkakataon nga naman.
"Tamang-tama oh," sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
Nakakailang hakbang palang kami paalis. Pinigilan niya na ako.
"May gusto pala akong sabihin sa'yo, Ezra. Punta muna tayo sa tambayan saglit."
"Sige," sagot ko at sinundan siyang maglakad pabalik.
Wala namang pasok bukas kaya ayos lang kahit gaano pa kami katagal. Pero napapaisip ako kung ano ang gusto niyang sabihin. Tungkol ba ito sa bakasyon nila? Hindi naman na bago sa'kin 'to. Nabanggit niya na rin ito nung mismong birthday niya.
"Tungkol saan pala?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Later..."
"Ngayon na. Pa-suspense ka pa e."
"Pagdating natin sa tambayan. Malapit na nga tayo oh."
Tsk. Lalo akong napapaisip kung tungkol saan e. Pagbabawalan niya kaya akong sumama sa outing? Pero nung isang araw pa ako nagpaalam sa kaniya at um-oo siya, bakit niya babawiin? At parang unfair naman yata kung hindi niya rin talaga ako papayagan.
Pagdating namin sa tambayan, excited siyang naupo at inilabas sa kaniyang bag ang isang maliit na kahon. Mukhang wala sa mga iniisip ko ang tunay na dahilan. Sa disenyo pa lang nung kahon, alam ko na kung ano ito. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko.
Ano kaya ang trip niya?
"Christmas gift?" nakangiti at patanong niyang sabi. "First, don't misunderstand. My parents bought me a new phone as birthday gift. Hindi pa naman talaga sira 'tong isa kong cellphone kaya naisip kong ipahiram muna sa'yo para makapag-usap tayo sa bakasyon."
Seryoso ko lang siyang tinignan.
"Please? Ngayong Christmas break lang para makapag-usap tayo."
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kaniya o ano. Alam ko naman na gusto niya lang na magkaroon kami ng maayos na komunikasyon dahil hindi kami magkikita, pero hindi ba niya naiintindihan ang nararamdaman ko?
Ito ang hirap kapag napagbibigyan ko siya na tanggap lang ako nang tanggap sa mga binibigay niya e.
"Please? Don't get mad—"
"Hindi ko matatanggap 'to, Margarette." Itinulak ko pabalik sa kaniya ang cellphone niya at umalis na.
"Ezra!" tawag niya, pero hindi ako tumigil sa paglalakad.
Maya-maya ay nakahabol din naman siya.
"I'm so sorry, Ezra. Let's just forget about it, okay?" sabi niya.
Mas binilisan ko pa ang lakad at hindi siya pinansin hanggang sa pagsakay namin sa jeep at bus pauwi. Pinagsisihan ko rin naman ito nung nasa bahay na ako.
🌹
Kay aga-aga ang ingay ng mga kaklase ko. Kantahan, kainan at kwentuhan. Dalawang jeep ang inarkila namin para sa outing na 'to. Sana doon pala ako sumakay sa kabila. Mukhang payapa sa kabilang jeep at nakakatulog pa 'yung iba.

BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
RomanceEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.