Mabilis na lumipas ang araw. Sabado ngayon at bukas ay birthday ni Margarette. Medyo puyat pa sa pagpasada kagabi kaya hihikab-hikab ako habang naghihintay sa bus station kung saan ako bumababa pauwi.
Alas kwatro ang usapang meeting time at dito raw ako dadaanan nila Margarette. Wala pang alas kwatro nang dumating ako rito at ilang minuto lang din pagdating ko ay narito na siya.
Nang ibaba niya ang bintana, napakunot ang noo ko nang makitang siya ang nagda-drive. Pero syempre, wala naman akong nagawa. Inilagay ko muna sa likod ang bag na bitbit ko at saka sumakay sa shotgun.
"Saan si Kuya Rogelio?" tanong ko. Hindi ko talaga alam kung bakit masyado niyang pinapagod ang sarili.
"Day off niya ngayon," tugon niya.
Wala akong sinabi. Sa mga pagkakataong ganito, hinihiling kong sana ay marunong akong magmaneho para ako ang magmamaneho para sa kaniya, hindi ang kabaligtaran. O kaya naman, sana ay mayaman din ako at may kotse ako para ako ang magdadala sa kaniya sa iba't ibang lugar.
"Matulog ka muna kung inaantok ka pa," sabi niya.
"Psh." Sinong matinong boyfriend ang matutulog kung ang girlfriend niya ang nagmamaneho para sa kaniya?
"Gusto mo bang mag-almusal muna?" tanong niya.
"Hindi ka pa kumakain?" balik kong tanong.
"Kumain ako bago umalis ng bahay. I'm asking you."
"Huwag mo akong alalahanin," mahina kong sabi.
Hindi pa ako nag-aalmusal. Masyado pang maaga kaya walang bukas na kahit anong tindahan sa amin. Pero bakit ba kailangang ganito palagi ang sitwasyon namin? Nahihiya talaga ako sa kaniya tuwing madadatnan niyang wala pa akong kain.
"Daan muna tayo sa drive thru."
"Pa'no 'yung mga kaibigan mo?" nag-aalala kong tanong. Baka naghihintay sila sa amin, nakakahiya naman.
"Didiretso na sila sa hotel. Doon na tayo magkikita-kita."
"So, tayong dalawa lang?
Natawa siya sa sinabi ko. "Ano naman kung tayong dalawa lang? It's not like we can do a lot of things while we're here."
Halos pabulong ang pagkakasabi niya nung huli. Nagtataka rin naman ako kung bakit nasabi 'yon. Nag-iwas na lang akong ng tingin at hinintay na makarating kami sa isang drive thru. Pinag-order ko rin siya ng gusto niyang kainin dahil baka magutom siya sa biyahe at hindi ko hinayaang siya ang magbayad nito para sa'kin.
🌹
Nagsimulang umulan pagdating ng alas sais. Wala pa kami sa aming pupuntahan, pero nararamdaman kong maraming bagay ang hindi mangyayari ng naayon sa plano. Kahit si Margarette ay hindi maitago ang pagkadismaya nang magsimulang pumatak ang ulan.
Padabog nga ang pagkakasara niya ng pinto nang dumating kami. Tumila na ang ulan, pero makulimlim pa rin ang langit at nagbabadya ng mas malakas pang ulan mamaya.
Habang naglalakad kami papunta sa entrance ng hotel, nalaglag ang pitaka niya, na mukhang nakadagdag pa sa pagkainis niya. Ako na sana ang kukuha dahil maputik ang sahig, pero naunahan niya ako. Napatitig lang ako nang pagpagin niya ang putik rito at hawakan ito na parang ayos lang. Walang kaarte-arte.
Bakit ba ganito si Margarette? Hay.
Pagpasok namin sa hotel, nakita namin ang mga kaibigan niya kasama ang kanilang boyfriend. Lahat sila ay naghihintay sa lobby. Nagkaroon muna ng ilang palitan ng hi at hello saka nagpakilala sa isa't isa. Kilala ko na si Eli, pero si Gabriel ay ngayon ko pa lang nakita.
BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
RomanceEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.