how it ended

23 3 0
                                        

Mag-uuwian na nang magtext sa akin si Margarette para magkita kami sa tambayan. Buong araw kong hinintay ang text niya, pero ngayong nandito na ito, hindi ko magawang mapanatag. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa kaniya, hindi ko magawang maging masaya.

May kung anong mali...

Imbes na saya, may kakaibang lungkot na humihila sa'kin pababa.

Bawat hakbang ko ay iba't ibang resulta ang naglalaro sa isip ko.

Malayo pa lang pansin ko na siyang nakaupo at nakahalukipkip sa paborito niyang pwesto. Nang makalapit ako, nagtama agad ang aming mga tingin at sa mga tinging 'yon ay ramdam ko na ang bigat ng mga bibitawan niyang salita. Kabisado ko na ang mga seryosong tingin niya para hindi maramdaman kung saan patutungo ang pagkikita namin.

"What happened yesterday? Kumusta na si Monique? Pumasok na ba siya?" sunod-sunod niyang tanong.

"Pumasok na siya ngayon," sabi ko. "Margarette—"

"Did you set things straight with her?" tanong niya, pagpuputol sa sasabihin ko. Hindi naman siya nagtaas ng boses, pero ramdam ko ang pagiging demanding sa tono niya. "If you don't like her, you have to tell her so she would stop, Ezra. Alam mo namang may gusto siya sa'yo at hindi naman niya pinipigilan ang sarili niyang ipakita 'yon sa'yo. Mahirap bang sabihin na hindi siya dapat mag-expect sa'yo?"

"Hindi kasi gano'n kadali, Margarette. Kaklase ko siya, araw-araw ko siyang nakikita sa klase kaya ayokong makasakit ng damdamin."

"Just because I didn't say anything doesn"t mean I'm not hurt, Ezra."

"Nagseselos ka ba? Margarette, sabi ko naman sa'yo wala kang dapat pagselosan. 'Yung sa cellphone, isinauli ko na sa kaniya. At malinaw naman kay Monique na wala akong gusto sa kaniya."

"I'm not jealous, Ezra. I just want her to stop meddling with our relationship. At first, I'm cool with her. But then, she started to really get on my nerves. Asking me to let you go with them whenever they want to hang out with you, asking me how are things in our relationship when we're not that even close..."

Napatitig lang ako sa mga sinabi niya. Hindi naman niya naikukuwento na china-chat siya ni Monique.

"I hate that she's making me like I'm your prison. And you know what's even funny? Because of that cellphone, she thinks she's coming between us..." Napangisi siya habang umiiling. "And now, it was like I'm being difficult for you and her, and unforgiving just because of that damn phone. I really can't tolerate those kind of people, Ezra."

"Margarette..."

Minsan talaga, mahirap kapag napuno na ang isang tahimik na tao... Lahat ng mga nararamdaman nila na madalas ay hindi nasasabi, bigla-bigla na lang lalabas sa isang bagsakan. Kung kailan ay isang bagay na mahirap masabi.

"And you know what else I can't tolerate, Ezra? This relationship. I don't want you to be pressured because of my status, Ezra. Let's break up."

"Margarette, kaya nga tayo nag-uusap ngayon para magkaayos, 'di ba? Bakit ka naman bigla-bigla na lang makikipag-break up?"

Napabuntong hininga siya. "Let's break up, Ezra. This is also hard for me, but let's break up. I know you've tried several times to break up with me and I should've let you go, then. I'm sorry for just doing it now—"

"Margarette, hindi mo kailangang magsorry." Hinawakan ko ang kamay niya, tapos ang pisngi niya at tinitigan siyang maigi. "Hindi mo kailangang magsorry dahil hindi naman natin kailangang magbreak. I'm sorry sa mga pagkakataong sinubukan kong makipagbreak, okay? Alam mo namang hindi talaga iyon ang gusto kong mangyari e."

Pixie Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon