Pagdating ng Linggo, general cleaning naman ng bahay ang ginawa namin ni Ate Eileen. May mga bagong kurtina kasing ibinagay ang isang kamag-anak kaya naisipan ni Ate na maglinis na ng buong bahay kasabay ng pagpapalit ng mga kurtina.
Habang abala kami ni Ate sa paglilinis, nakahiga lang si Ella sa upuan at abala sa pagce-cellphone.
"Kuya, anong buong pangalan ng girlfriend mo? Margarette, ano?" tanong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit gusto mo malaman? Tumulong ka na lang magligpit."
"Dali na!" nagmamaktol niyang sabi. Maya-maya ay umayos siya ng upo. "Alam ko na... accept mo na lang friend request ko."
"Bahala ka sa buhay mo," mahina kong sabi at napangisi. Noong mga panahong ina-add ko siya ay ayaw akong i-accept, tapos ngayon... napailing na lang ako.
Pagkatapos maglinis, naligo na ako at dumiretso sa gym para magbantay. May tatlong lalaki na ang nando'n bago ako iwan ni Sam—si Kuya Gilbert, Mendel at Jan. Mga nakatira lang din sila sa lugar nila Sam. Sa tagal kong pagbabantay sa gym, nakilala ko na ang mga palaging nandito.
"May girlfriend ka na Ezra?" tanong ni Kuya Mendel. Nakaupo siya sa isang bench, dahan-dahang inaangat ang kaliwang braso na may hawak na maliit na dumbbell.
"Bakit mo naitanong Kuya?" balik ko namang tanong.
"Kung wala pa, dapat nag-gi-girlfriend ka na habang maaga pa..." paalala niya. "Alam mo bang mahirap magkaroon ng girlfriend kapag nagsisimula ka ng magtrabaho? 'Wag kang tumulad kay Jan."
Si Kuya Jan na nanahimik do'n sa Rowing Machine ay natawa.
"Oo. Makinig ka sa'min, mahirap na umasa sa mga dating app," komento niya. "Kung ano-anong klase ng babae ang makikilala mo. Kung may matino man, ayaw naman sa'yo."
Natawa ang mga kaibigan niya sa naging pahapyaw niya. Naisip ko naman si Margarette ng mga oras na 'yon.
"Anong year mo na ba?" tanong ni Kuya Gilbert.
"4th year po. Pa-graduate na ako ngayong taon," sagot ko.
"Ahh... tamang-tama lang 'yan," sabi ni Kuya Jan. "Maghanap ka na agad ng girlfriend bago grumaduate o kahit pagka-graduate mo. Basta bago ka pumasok sa isang trabaho, mag-girlfriend ka na para hindi ka mahirapan."
"Tandaan ko 'yang sinabi mo Kuya," natatawa kong sabi.
"So, may girlfriend ka na nga?" ulit na tanong ni Kuya Mendel.
"Mayro'n," nakangiti kong sagot.
"Good!"
Napailing na lang ako at hindi na sumali sa mga sunod nilang naging usapan dahil puro tungkol na ito sa mga babaeng naka-relasyon nila. Wala rin naman akong maibabahagi dahil si Margarette lang naman talaga ang naging ka-relasyon ko na seryoso.
🌹
"Kumusta na kayo ni Margarette?" tanong ni Kuya Maki. Katatapos lang ng isang buong araw ng klase ko at nakapila kami sa sakayan ng jeep para magpuno.
Medyo weird na nagtatanong siya tungkol kay Margarette, pero sinagot ko siya.
"Okay naman kami," pagsisinungaling ko. Paano ba masasabing okay? "Bakit mo pala naitanong?"
BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
Roman d'amourEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.
