Dahil abala kaming dalawa sa pagtatrabaho, isa o dalawang beses lang kami kung magkita sa isang linggo. Tuwing Friday ako pumupunta sa kanila at tuwing Sabado naman siya kung bumisita sa amin dahil iyon ang day off niya.
Simula na rin ng simbang gabi. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagsapit ng Pasko. Dati pakiramdam ko isang holiday lang na 'di ko namamalayang lumipas ang Pasko. Pero ngayon, inaabangan ko ito. Ito ang unang beses na makakapag-celebrate kami ni Margarette nang magkasama.
Sa Canada ang bakasyon ng magulang niya ngayong taon, pero hindi siya sasama at tanggap naman iyon ng magulang niya. Dahil wala naman siyang pasok simula ng bisperas ng Pasko, nagplano kaming pumunta sa Tagaytay.
Nagmumuni ako habang kumakain ng almusal nang tawagin ako ni Ate Eileen.
"Ezra!" tawag ni Ate mula sa kwarto niya. "May order ako na ipapa-deliver."
"Sige, iwan mo lang sa upuan paglabas mo," sabi ko naman.
"Ngayon na! Malapit lang naman e. Bayad na e, saka marami 'to."
"Tsk!" reklamo ko. Ang aga-aga pa kasi.
Pero wala naman akong nagawa. Pumunta ako sa kwarto niya para tignan kung gaano karami ang ide-deliver. Medyo marami nga kung isang tao lang ang nag-order.
"Saan 'yan ide-deliver?" naiirita kong tanong.
Inabot niya sa'kin ang isang papel kung saan niya sinulat 'yung address. "Kagabi ko nga lang pinost 'tong mga damit na 'to, hindi ko akalaing mabibili talaga."
"E, bakit naman ang aga? Alas otso pa lang e."
"Baka may dumagdag pa sa mga order ko kaya mas maigi nang mai-deliver mo 'yan. Saka malapit lang naman 'yan."
Tinignan ko naman 'yung address. Biglang nagising ang diwa ko nang makita 'yung address. Napatingin pa ako kay Ate para kumpirmahin kung hindi ba siya nagbibiro.
"Ito talaga ang address?" tanong ko.
"Oo..." Tapos hinila ulit ni Ate ang papel sa kamay ko at may idinagdag sa nakasulat. "Nakalimutan kong isulat 'yung pangalan ng buyer."
"Leonor Ferrer?" ulit ko tapos bigla akong napangiti.
"Bakit nangingiti ka r'yan?" nagtatakang tanong ni Ate. "Kilala mo?"
"Oo, kilala ko na kung sino ang um-order sa'yo," sabi ko. Pinagkukuha ko na ang mga order. "Bakit ba ang aga-agang mambulabog no'n?"
Napakunot ang noo ni Ate. "Sino bang tinutukoy mo?"
"Si Margarette 'to," sabi ko.
Nanlaki ang mga mata ni Ate. "Talaga ba?" Tinignan niya ang pangalan ulit ng buyer sa cellphone niya tapos balik sa akin. "Leonor ang pangalan dito e."
"Ahh... Ginamit niya siguro facebook ng Mama niya," paliwanag ko.
"Ahh..." napangiti si Ate. "Sabihin mo sa kaniya, thank you."
"Ako na bahala. Pagagalitan ko 'yon. Ang aga-aga, pinagtatrabaho agad ako."
"Baliw ka, Ezra," ang pahabol na sabi ni Ate.
Natatawa akong umalis. Pagdating kina Margarette, halatang inaasahan niya na talaga ang pagdating ko.
"Mrs. Leonor Ferrer?" tawag ko matapos kong pindutin ang door bell.
Si Margarette ang nagbukas ng gate na may malawak na ngiti. Good mood siya. Ano kayang trip nito at um-order ng ganito karaming damit?
"Kayo po ba si Mrs. Leonor Ferrer?" tanong ko.

BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
RomanceEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.