after

34 3 0
                                        

After 5 years...

Makalipas ang limang taon, nagpakasal  kami ni Margarette sa unang buwan ng taon. She's very considerate to wait until I was able to save enough for our wedding. Gusto ko kasing hati kami sa magiging gastos kaya pinaghintay ko muna siya ng limang taon. Hindi naman nagsasawa si Margarette na paalalahanan akong ayos lang ang lahat at hindi ko kailangang pilitin masyado ang sarili ko na maibigay ang lahat sa kaniya. Kaya sa loob ng limang taon na 'yon, napatunayan ko talagang nasa pangangalaga ako ng tamang tao.

Hindi naman masyadong enggrande ang naging kasal namin. Simple lang ito, at ilang mga kamag-anak at mga ka-close na kaibigan ang imbitado. Hindi nga makapaniwala no'n si Ella dahil ang inimbita ni Margarette na kumanta ng wedding song namin ay ang kakambal ng kaibigan niyang si Anna, si Nickolai. Naalala ko pa ang pag-iyak ko no'n dahil sobrang overwhelming sa pakiramdam na ikasal.

Pagkatapos naming maikasal, lumipat ako sa kanila. Matagal nang bumukod ang magulang niya sa kanila at lumipat sa bahay nila sa probinsya. Last year sila bumukod, pero hindi naman kami nag-live in ni Margarette no'ng mga panahong iyon, kahit hindi niya na kasama ang mga magulang niya sa bahay.

Nakakalungkot lang na hindi ko kayang bumili ng bahay para sa aming dalawa, pero nagpapasalamat ako sa magulang niya dahil tinanggap nila ako. Bago ko sabihin kay Margarette na gusto ko na siyang pakasalan, sinabi ko muna iyon sa Mama at Papa niya. Wala silang naging pag-aalinlangan nang ibigay nila sa akin ang blessing nila. Umiyak pa ako sa harap ng magulang niya dahil sa sobrang tuwa ko no'n.

Nang magpaalam naman ako kay Mama para hingin ang blessing niya, kasama ko si Margarette, at wala naman din siyang naging pagtutol. Natutuwa pa nga siya dahil sa wakas daw ay may makikita siya sa mga anak niya na maikasal.

At ngayon ay papunta kami ni Margarette sa Thailand. Isa talaga 'to sa mga pangarap ko, ang dalhin siya sa ibang bansa. Sabi ko, ako na ang gagastos sa lahat. Magmula sa airfare, accommodation, hanggang sa pagkain namin pagdating do'n. Pero sa totoo lang, ang pagpunta sa ibang bansa at ang kaakibat na gastos nito ay mas kumplikado pa pala kaysa sa na-imagine ko.

Sa kabilang banda, masaya ako na hindi pa siya nakakapunta sa Thailand. Hindi pa talaga siya nakakapag-explore masyado sa Asia dahil nga inuuna muna niya iyong nasa malayo sa bucket list niya.

Ito ang unang beses na magta-travel kami sa ibang bansa at ito rin ang first time ko na sumakay ng eroplano. Pinaupo niya pa ako sa window seat para makita ko ang view pag-take off namin.

"Sorry pala," sabi ko. Parang hindi kasi siya mapakali sa upuan niya, nasisikipan yata siya.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Hindi ko afford first class e," sabi ko.

Nung nagpaalam ako kay Tita Leonor na pupunta kami ng ibang bansa, nag-offer si Tita na i-upgrade kami gamit ang airline points niya, pero tumanggi ako at sinabing i-save iyon para sa kanila. Alam ko kasing mahilig din mag-travel ang magulang niya at nahihiya ako.

"It's okay. I've traveled economy class before, Ezra. This doesn't even compare when you traveled on a long haul flight," tugon niya. "There's just something on my back, inside my shirt..."

Hinawi ko naman ang buhok niya at sinilip kung ano 'yung nakakapagpa-irita sa kaniya. Wala namang kahit ano. Feeling ko iyong buhok niya lang iyon, ang haba na kasi e.

"Okay na ba?" tanong ko.

"Oo. Ano 'yon?" tanong niya.

"Wala naman. Buhok mo lang ata," sabi ko.

"Ahhh..." tugon niya.

Halos apat na oras ang biyahe namin mula Manila hangganh Bangkok. Medyo kinakabahan ako dahil first time ko, nando'n iyong pakiramdam na pakiramdam ko ay mawawala kami at maiiwan sa bansang 'to. Ganito rin kaya naramdaman ni Margarette noong unang beses niyang mag-travel sa ibang bansa?

Thankfully, magaling si Margarette pagdating sa mga ganito. Hindi talaga ako nagkamali ng pinakasalan. Pakiramdam ko kung magkaroon bigla ng zombie apocalypse, siya ang magliligtas sa akin.

🌹

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nasa panibagong yugto na kami ng relasyon namin. Parang dati lang, inaaway-away ko pa siya para mapansin niya ako, tapos ngayon ay asawa ko na siya.

I'm not a perfect guy. Alam niyang hindi ko kayang bilhin ang mga luho niya o tulungan siyang tuparin ang mga pangarap niya; Alam niyang mas masagana siya kaysa sa akin, pero ako pa rin ang pinili niya. Minsan nagtataka pa rin talaga ako sa naging desisyon niya.

Hinawakan ko ang pilik-mata niya habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko, pero nagising siya sa ginawa ko. Ang sensitive niya masyado. Kaunting galaw ko lang ay nagigising siya agad.

"Why are you awake?" tanong niya.

"Nag-iisip lang ako..." tugon ko at hinalikan siya sa noo. "Tulog ka na ulit."

"Don't think too much, Ezra. Mahal kita."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Mukhang 'di ko kayang tuparin ang pangarap mo. Ilang bansa na ba ang nabisita mo? Nangalahati ka na ba?"

"Ezra, why will you be responsible in fulfilling my dreams? It's my dream so I should work for it."

"Pangarap kong matupad ang pangarap mo e. Paano ba 'yan?"

"Psh... ayos lang naman mangarap na lang e," natatawa niyang sabi, tapos biglang sumeryoso ang mukha niya. "Isa pa, feeling ko hindi ko rin naman matutupad ang pangarap ko na makabisita ng 100 countries..."

"Bakit naman?" malungkot kong tanong. Pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit e.

"May iba lang na feeling ko hindi ko kayang mabisita dahil masyadong malaki ang difference sa pamumuhay kumpara sa atin. Saka iyong ibang mga bansa rin kasi parang hindi masyadong open at tanggap ang mga turista," paliwanag niya.

"Ahh..." Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. "Okay lang 'yan."

"Yeah, I know," nakangiti niyang tugon. "Ezra..."

"Hmm?"

Hinaplos niya ang balat ko at sinundan ang bawat letra ng pangalan niya sa braso ko. Kahit alam kong ayaw niya, itinuloy ko pa rin ang pagpapa-tattoo ng pangalan niya.

"I just want to say that I never regret choosing you and I hope you don't regret being with—"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at hinalikan siya. Nang maghiwalay ang mga labi namin, hinalikan ko ang ilong niya at ang noo niya.

"Ano may sasabihin ka pa?" tanong ko.

Natawa siya. "Marami pa sana, pero mukhang okay na pala."

"Very good," sabi ko.

"I forgot one thing..." pahabol niya. "Thank you for being reassuring, Ezra."

"Psh... ako nga dapat ang magsabi niyan e," mahina kong sabi at hindi na siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita pa.

I kissed her again and made sure she's not going to forget how much I love her.

Pixie Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon