Madalang na nga lang kami magkita ni Margarette noong kami pa dahil sobrang abala niya sa pag-aaral, mas dumalang pa ngayon. Pero maswerte ako ngayong araw dahil naabutan ko siya sa tambayan, kumakain habang abala sa pagta-type sa laptop niya.
Madalas ko naman siyang madatnan sa ganitong sitwasyon. Naninibago lang ako ngayon. Pakiramdam ko ibang tao na siya. Pakiramdam ko ay kinikilala ko siya ulit. Ganito ba talaga kapag nagbreak? Parang nagre-reset ang lahat.
Naupo ako sa tapat niya at nang mag-angat siya ng tingin, walang ka-emosyon-emosyon ang mukha niya.
"What are you doing here?" malamig niyang tanong.
"Bakit? Masama ba? Sa iyo ba 'tong tambayan?" balik ko sa kaniya na may kasamang irap.
Umiling siya at ipinagpatuloy ang ginagawa kasabay ng pagtapos ng kinakain.
"Bakit kaya hindi mo muna tapusin ang kinakain mo, saka mo ipagpatuloy ang ginagawa mo?" sabi ko. Naging habit niya na kasi na kumakain habang nag-aaral. Kung kaya at alam ko lang ang ginagawa niya, minsan gusto ko na siyang tulungan para makakain siya nang maayos e.
Wala siyang sinabi. Hay. Alam ko namang hindi talaga siya makikinig sa'kin. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya. Maya-maya ay iniligpit na niya ang mga gamit niya. Hindi ko alam kung tapos na ba talaga siya o ayaw niya lang ako makita dahil nakabukas pa ang laptop niya e.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo?" Tumayo na siya para umalis.
"Margarette..." tawag ko. Huminto siya, pero hindi siya lumingon. "Okay lang naman kung nagsasawa ka na sa relasyon natin. Normal namang makaramdam ng gano'n sa relasyon at kaya kong maghintay," sabi ko.
"Let's just focus on our studies, Ezra, okay?"
"Sino bang may sabing hindi ako nagfo-focus sa pag-aaral?" Napangiti ako nang mapailing siya. "Sabay tayong umuwi mamaya ah?" dagdag ko.
Hindi siya sumagot. At tulad ng mga nakaraang araw, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makasabay siya sa pag-uwi pagdating ng uwian.
🌹
Sa mga araw na hindi ko siya nakikita sa tambayan, mag-isa na lang ako nag-aaral. Magbabasa, magpa-plano. Kahit medyo malayo ang tambayan sa building ng mga klase ko, dito ako pumupunta kada may vacant para hindi ako naiipit sa maiingay na pag-uusap ng mga kaklase ko.
Lumagpas na ang araw kung kailan sana kami magde-date ni Margarette. Niloko ko nga siya kagabi, kinukulit siya na ituloy namin, pero hindi niya ako nire-reply-an sa text. Hindi ko nga alam kung paano niya ako natitiis. Parang imposible naman na ilang araw palang ang lumilipas ng magbreak kami, kung itrato na talaga niya ako ay parang hindi niya ako kilala... na parang wala kaming pinagsamahan.
Sa isang iglap, naging ibang tao na talaga siya.
Inisip ko na lang ang paparating na Valentine's Day. Ito siguro ang pagkakataon para makabawi ako at magandang timing para humingi ng isa pang chance sa kaniya. Kaso ano naman kaya ang gagawin ko o ireregalo sa kaniya? Wala nga akong matinong mairegalo sa kaniya noong mga nakaraang taon. Ni hindi ko nga siya mabilhan ng tunay na bulaklak o kaya chocolates.
Kahit sinasabi niyang hindi niya kailangan ng mga ganito, gusto kong maranasan niya ang nararanasan ng ibang babae kapag nasa isang relasyon. Bakit kasi mahirap ako at mayaman siya?
🌹
Thursday. Ito ang pinakamaluwag na araw naming dalawa ni Margarette kaya sinamantala ko ang pagkakataon. Bumili ako ng lunch at dumiretso sa tambayan pagkatapos ng una kong subject dahil nakasisiguro akong dito ang punta niya pagkatapos ng klase niya. Hindi naman nasayang ang aking paghihintay.
Binigyan niya lang ako ng kakaibang tingin, pero hindi naman niya ako iniwasan. Naupo siya sa tapat ako. May inilabas siyang makapal na libro sa bag at kung ano-ano pang gamit tulad ng maliit na notebook, ballpen at sticky notes. Binuklat niya ang libro sa pahina na may bookmark.
"Kumain ka na?" tanong ko. Nung hindi siya sumagot, inilapag ko na lang basta ang pagkain na binili ko sa tabi ng libro niya.
Nauna na akong kumain, hindi sinasalubong ang mga mabibigat niyang tingin. Ilang sandali naman ay nagsimula rin siyang kumain. Napangiti ako, pero kaagad din iyong naglaho.
"You don't think I'm serious about the break up, right?"
Tinitignan ko lang siya. Alam ko... alam ko kung gaano ka ka-seryoso. Sa tagal ng relasyon namin, alam kong kapag nagdesisyon siya ay desidido na talaga siya.
Gusto ko lang umasa hanggang dumating ang oras na magsawa rin akong umasa.
"Kumain ka nang kumain bago mo simulan kung anuman 'yang gagawin mo," sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
Bakit ba ang bilis kong kumain? Mauubos na ang pagkain ko at hindi ko alam ang gagawin ko pagkatapos nito.
"Ano? Tatlong oras kang nakaupo d'yan? Wala ka bang ibang gagawin, Ezra?" naiirita niyang tanong.
"Huwag mo na kasi ako pansinin," pagmamakaawa ko naman sa kaniya. Nakokonsensya ako kapag naiirita na ang tono ng pananalita niya.
"Tsk..." naiirita niyang sabi. Sinamaan niya ako ng tingin. "Ikaw itong gustong-gustong makipag-break noon, tapos ngayong break na tayo..."
"Alam mo naman hindi talaga ako seryoso kapag sinasabi 'yon..." Nag-iwas ako ng tingin.
"Anong seryoso sa mga sinabi mo, Ezra?"
"Margarette..." Pinutol niya agad ang sasabihin ko.
"I'm serious about the break up, Ezra. Bahala ka sa buhay mo."
"May bago ka na ba, Margarette? Sabihin mo lang. Ibabalik ko na ba sa'yo 'yung mga regalo mo?"
"You can keep it, Ezra. Give it to someone else if you want."
"E, 'di ba, kapag nagbe-break ang mga magkarelasyon, binabalik nila 'yung mga gamit na binigay nila sa isa't isa para maka-move on sila."
"Then, give it back to me. I'm fine whatever you wish to do, Ezra."
Natawa ako. "Joke lang. Akin na muna 'yung mga ibinigay mo para may panghahawakan ako na magkakabalikan pa tayo."
"Magulo ka, Ezra." Iyon lang ang sinabi niya.
Hinintay ko siyang matapos kumain. May isang bagay akong matagal ko ng gustong sabihin sa kaniya, pero gusto kong marinig na iyon na wala siyang ibang ginagawa.
"Pero alam mo, Margarette... kung galit ka sa'kin o naiinis dahil sa mga kilos o nasabi ko, dapat sinasabi mo sa'kin. 'Wag mong kimkimin lang 'yung inis mo."
Tinitigan niya ako. Alam kong may sasabihin siya... she always has a say on something.
Nagulat ako nang mapangiti siya. Pailing-iling siyang nag-iwas ng tingin, tapos maya-maya ay natawa siya. Hindi ko maintindihan ang mood niya.
"B-bakit? Tama naman 'yung sinabi ko ah. Kinikimkim mo lang minsan 'yung inis mo kaya isang bagsakan lagi."
"Don't worry about it, Ezra. It's not like I would still have a reason to get mad or disappointed in you."
"Grabe..." Ngayon naman, ako ang napailing habang nangingiti sa sinabi niya. "Iba ka manakit, Margarette."
"I'm sorry," sabi niya. Walang halong panunuya ang pagkakasabi niya. Nalilito na talaga ako sa mood niya, pabago-bago. Ano bang nangyayari sa kaniya ngayon?
BINABASA MO ANG
Pixie Girl 2
RomantikEzra is not the perfect guy. He feels hopeless and a little bit insecure. He always feels like she's too perfect for him. And in the eyes of others, a perfect guy is meant to be with a perfect girl.
