04

23 16 0
                                    

[EunJi]

Kakagising ko lang at medyo maliwanag na, binuksan ko phone ko para tignan kung anong oras na
Mas lalo pa 'kong nagising nang makita kong 8:30 am na!!!

Kaya naman bumaba ako sa higaan at kumuha ng mga damit tsaka ako tumakbo papuntang cr, naalala ko na sabay pala kami papasok ni SunWoo

Siguro nauna na siya, pinag antay ko ata siya ng matagal huhu(╥﹏╥)

Nagmadali nako maligo at magbihis, bawal kasi kaming malate sa klase lalo na quiz namin mamaya sa math huhu.

Lumabas nako ng cr at dumiretso sa kwarto para suotin Uniform ko pati sapatos, kinuha ko na din yung bag ko tsaka lumabas ng kwarto, "teka EunJi, dika pa kumakain ah aalis kana?" Tanong ni SooJin,"Di nako kakain, late na kasi ako" sagot ko at lumabas nako sa loob ng dorm "Ingat!" Pahabol pa niya

Paglabas ko ng gate nagulat ako na nakaabang padin si SunWoo sa tapat ng gate, "Annyeong EunJi, mukhang late kana nagising ah"

"Ahh oo hahaha teka, late kana bakit inantay mo pa 'ko dito"

"Nothing hahaha, let's go habang may 30 mins pa"

Grabeeee diko inexpect na aantayin pa 'ko ng SunWoo na toh kahit late na, binuksan na niya yung kabila at pinapasok ako at syempre pumasok nadin siya MWHEHEHEEEH.

Pinaandar na niya yung car niya at medyo mabilis yung takbo kasi nga late na kami, "Next time SunWoo kapag susunduin mo ako sa dorm at late nako magigising, mauna kana ahh bawal kasi satin malate eh" sabi ko sa kanya, pano naman kasi nakakahiya yun lalo na kakatransfer lang niya.

"Eat this." Inabot niya sakin yung isang tinapay tsaka gatas pero syempre kinuha ko nakakahiya tumanggi༎ຶ‿༎ຶ "ahh hahaha thank you"

"Alam kong hindi ka nagbreakfast kaya dumaan ako sa seven eleven kanina, bilisan mo na kainin malapit na tayo sa school hahaha" sabi niya kaya naman binilisan ko na pag-kain ng tinapay tsaka uminom ng gatas, saktong natapos ako ay nakarating na kami sa school kaya naman bumaba na kami.

Tumakbo na kami para makaabot sa room, hinawakan ni SunWoo yung kamay ko para makasabay sa mabilis niyang takbo

Pero first time ko toh!!! First time ko lang na hawakan ako ng ganto whaaaaaaaa!!!

Kakatakbo namin nakarating ba kami sa room pero pagka malas malas naman, nanduon na yung subject teacher namin(╥﹏╥)

Pinigilan ko SunWoo pumasok sa loob dahil alam ko namang masisigawan kami at tsaka nagququiz nadin sila,kaya naman napaupo nalang kami sa sahig at sumandal sa pader

Nakokonsensya talaga ako kasi nalate siya dahil sakin "SunWoo mianhae, kung maaga lang siguro ako nagising baka hindi ka nalate ngayon"

"It's okay, ginusto kong hintayin ka kaya wala kang kasalanan" sagot niya ng nakangiti, "Ahmm yung tanong mo kagabi na... Kung pwede labas tayo after nito, tanong ko nalang mamaya kay RinYu pero kung tuloy kami..a-ayos lang ba sayo?" Tanong ko, aalis din kasi kami mamaya ni RinYu sasamahan ko siya pumunta sa kuya niya, may kukunin daw kasi siya don ewan ko lang kung ano yon. "Ayos lang hahaha marami pa namang days para ituloy yun"
Sagot naman niya.

Ilang minuto lang ay lumabas na subject teacher namin kaya naman tumayo na kami agad ni SunWoo, "I know na nalate kayong dalawa, bukas nalang kayo magtake ng quiz pero sa vacant room kayo magsagot, naiintindihan nyo?"

"Yes ma'am" sagot naming dalawa, "At sa next time ayokong maulit toh, ayoko ng may nalilate sa klase ko..sige pumasok na kayo sa loob paparating na next subject teacher nyo" sabi naman ni ma'am at nag bow kami, pumasok na kami sa loob at umupo "Wait EunJi,I'm just going to cr for a while" paalam ni SunWoo at tumango ako.

S T R E E T L I G H TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon