33

9 12 0
                                    

3 days ago. . . . .


09×× ××× ×××6

8:33 am

Hello EunJi, si SooJin
'to

Kinuha ko number mo
kay RinYu

Kita tayo sa cafe, yung
malapit na cafe hindi
na sa pinuntahan natin
nung nakaraan

Goodmorning pala:)

9:05 am

Nandito nako sa cafe:))

Don't worry, hihintayin kita

kahit hanggang gabi pa eh
hahahaha

Gising ka na ba?

Nagaayos ka na siguro,
i love you i miss you:))

Bakit ba ganto kinikilos niya? Kakakita pa lang namin pero ganyan siya kumilos. Nakakatakot na sumama sa kanya, baka bigla kaming mahuli nung Hara. Malamang pag nangyari yon, masisira ako sa lahat. Anak pa man din siya ng mayaman, pero naghihintay si SooJin.

Ayoko namang tumanggi, sayang pagpunta niya sa cafe. Cinancel nanaman niya siguro yung mga gawain niya para lang makasama ako, i love you too SooJin pero. . . Mali na 'tong ginagawa natin:(

"Yahh EunJi!!" sabay ng malakas na katok kaya naman bumangon agad ako sa higaan at binuksan yung pinto, "AeRi? waeyo?"

"Hinahanap ka nung gwapong lalaki sa baba, yung SooJin ba yon? Kanina ka pa hinihinta-- umiyak ka ba? Bakit maga mata mo?"

"Ahh wala hahaha puyat lang"

"Ahhh sure ka ha, balik na ulit ako sa kwarto ko inaantok pa kasi ako bye" at umalis na nga siya pabalik sa kwarto.

Anong gagawin ko? Naghihintay na pala si SooJin sa baba, jusko naman ohh!

Agad na 'kong naligo at pagtapos ay nagbihis, nagayos lang ako saglit tapos kinuha ko yung salamin ko. Baka kasi mahalata niyang umiyak ako, kinuha ko naman yung bag ko at saka tumakbo palabas ng kwarto.

Paglabas ko ng elevator, nagulat ako nang bumungad sa harap ko si SooJin "Bababa ka na pala hahaha let's go?" tumango ako at sabay kaming lumabas ng building.

Tahimik lang magdrive si SooJin, tanging radio lang maingay sa loob habang ako naman ay nakatingin lang sa window ng car niya.

"Malalim ata iniisip mo, kanina ka pa nakatingin dyan sa window" sabi nito pero wala akong maisagot, nanatiling tahimik lang ako dahil nga malalim talaga iniisip ko.

Ilang minuto lang, nakarating na kami sa cafe at saka niya pinark yung sasakyan. Bumaba na kaming dalawa at pumasok sa loob, "maupo ka na dyan, ako na oorder" sabi niya at tumango naman ako.

Ganon pa rin, nakatulala lang ako sa labas at malalim pa rin yung iniisip ko. Kinakabahan ako, baka mamaya biglang dumating si Hara dito. Tapos mabubungangaan ako dito sa cafe, fans pa man namin siya at may posibility na siraan ako kapag nalaman niyang ako yung ex ni SooJin.

S T R E E T L I G H TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon