Nagsimula nang magbihis si SooJin sa kwarto at lumabas "aalis na 'ko EunJi""Sige, magiingat ka ahhh uwi ka kaagad kapag tapos na. Wag ka ng gumala gala pa"
"Sige, Wala ba 'kong kiss? Hehe" tanong niya sakin at sinamaan ko lang siya ng tingin. Nagsimula na siyang maglakad pero bago siya lumabas ng dorm, bigla niya 'kong kiniss sa pisngi "i love you EunJi, mag enjoy lang kayo ni RinYu dito ahh" sabi niya tsaka lumabas.
Nakakakilig yon ahh pero hindi na 'ko nagreact, ayoko talaga ng kinikilig ako sa harap ng ibang tao potaಥ_ಥ
Ilang minuto lang ay dumating narin si RinYu, may dala dala siyang dalawang plastik na may laman na mga pagkain "Para saan naman yan?"
" Sa patay EunJi, syempre kakainin natin! Jusko naman ohhhh" sabi niya at nilapag yung bitbit niya sa lamesa.
"Saan daw ba pupunta si SooJin?"
"Sa dad daw niya, maguusap daw ulit sila"
"Ahh sa dad niyang mukhang pera, malamang may sama ng loob si SooJin bago siya pumunta don at sasabog nanaman siya hahahaha"
"Ang boring naman kung tayong dalawa lang dito, tawagin mo kaya sila WooJin tsaka si HyeJin"
"Ay sige saglit" lumabas si RinYu saglit para tawagin yung dalawa habang ako naman naglilinis dito sa loob para hindi makalat tignan, nakakahiya naman kung magulo dito tapos papupuntahin ko sila kahit pa kaibigan ko pa sila.
Ilang minuto lang ay dumating na yung dalawa at may bitbit din silang pagkain, "marami na kaming pagkain dito tapos bumili pa kayo"
"Para samin nalang ni HyeJin kung ayaw nyo!" Biro ni WooJin tsaka pumasok sa loob.
Kumain lang kami habang nanonood ng movie sa laptop ko, at nagkwentuhan pagkatapos, " Bukas pala noh sasamahan ka namin"
"Ano ba naman yan RinYu, binggrae lang iniinom natin baket parang lasing ka????"
"Putangina mo talaga bakla"
"By the way EunJi, sa camping magiingat ka ha" malamig na sabi ni HyeJin sakin at bigla akong nakaramdam ng kaba, parang babalik ata yung pagiging maldita niya-,-
"Hoy HyeJin! Ano nanaman ba pakulo mo? Galit ka nanaman ba samin?"
"Tangek RinYu easy ka lang! Hayaan mo muna kaya magpaliwanag si HyeJin kotongan kita dyan eh!"
"Hahahaha malamig ba 'ko magsalita? or nakakakilabot? Sorry hahaha, hindi naman ako mangaaway eh actually sinabi ko yun about kay..."
"Kanino??"
"Kay YeoNa." tipid niyang sagot at nagtaka naman kaming tatlo, "Bakit bhie? Ano meron?"
"Narinig ko kasi siya nung nakaraan, kausap niya sarili niya"
"HAHAHAHHAHAHAHA baliw pala yon si YeoNa eh" sabi ni WooJin at sinamaan namin siya ng tingin ni RinYu paraan para matahimik siya
"Nakita ko siya sa likod ng building at kinakausap niya sarili niya, humanda ka daw EunJi? Masisira ka din daw niya and makukuha niya si SooJin? Yun yung narinig ko, kaya magiingat ka ahh" sabi nito at napalakas ang kaba ko. Potek ano nanaman bang pakulo ni YeoNa? Sisirain ako? Makukuha niya si SooJin? No way! Sa tingin ba niya hahayaan kong makuha niya si SooJin? Tsk.
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...