10

12 15 0
                                    

[EunJi]

Kakapasok lang namin ni SooJin sa school kasama sila RinYu, DaeWoon atJungSeok, ganon pa din naman kame nagaasaran, naghahanpasan na parang walang nangyari kagabi sa party.Siguro kase wala siyang naaalala dahil lasing na lasing siya, pero sana hindi biro lahat ng yon.

Habang naglalakad kaming apat papuntang room, nasalubong namin si HyeJin. Imbis na tarayan kami, nagbow siya sa harap namin na para bang sinapian ng kabaitan at tsaka ito umalis. "Nabigla ka siguro sa ginawa ni HyeJin" sabi sakin ni RinYu "Nagka-ayos na kayo?"

"Yapp! Pinagsisisihan niya lahat ng kamalditahan na ginawa niya dito sa school pero diko alam kung bakit biglaan" sabi naman ni DaeWoon. Nakarating na kami sa loob at pumunta na kami sa kanya-kanyang table, lumabas muna ako para pumunta sa cr. Nasa loob nako ng cr sa mismong toilet, habang nagjijingle ako may narinig akong dalawang babaeng naguusap "Grabe noh? Ang daming kamalditahan ang ginawa niya dito tapos isa pala siyang ulila yuck!"

"Oo nga eh, tapos yung gwapong lalaki sa class A? Yung JungSeok? Naging Boyfriend niya yon kaso break na sila"

"Ay bakit daw?"

"Kase ginamit lang niya yung JungSeok tapos nahuli daw siya ng ate nya na nakikipag halikan sa ibang lalaki, ginagamit lang daw niya si JungSeok para sa pera ay nako nagkasagutan pa nga sila sa canteen non ehh"

"Ay talaga??? Ang lakas naman niyang gawin yon"

"Yeah tapos inampon lang siya ng mama ng pinsan niya, feeling mayaman hahahaha"

"Hahahahaha yuck"

Really? Oo nainis din ako kay HyeJin pero never ako nangielam sa buhay ng isang tao like duh..hindi nila kailangang alamin kung anong meron si HyeJin ngayon, feeling mayaman? Ang pagkakaalam ko nga kay HyeJin pinamana yung bahay ehh, kung makapagsalita parang kay pe-perpekto ng mga toh. Lumabas na 'ko at padabog kong isinara ang pinto, napatingin sakin yung dalawang babae at kitang kita sa mukha nila yung gulat "Class B paman din kayong dalawa kaso mapanghusga kayo" sabi ko at inirapan ako ng isang babae "Isa ka din sa nakipagsagutan kay HyeJin non diba? Feeling malinis?"

"Wala kayong magawa? Oo,kasama ako sa nakasagutan niya at inis na inis ako sa kanya pero kahit kailan hindi ako nanghusga tungkol sa buhay ng tao. Wina-warningang ko kayong dalawa, sa oras na pagusapan o siraan nyo si HyeJin..sa office punta nyo" sabi ko at lumayas sa harapan ng dalawang babae. Paglabas ko, nakasalubong si HyeJin na umiiyak pero nilagpasan lang ako nito. Sinundan ko si HyeJin at papunta siya sa rooftop, napaupo siya sa gilid at hinagis niya yung phone niya. Pinulot ko yung phone niya at napansin ko yung isang litrato niya na may sungay at may nakalagay din na malaking stupid, lumapit ako sa kanya at tinabihan "what are you doing here?" tanong nito sakin habang humahagulgol, "narinig kong pinaguusap usapan ka, wag mo nalang silang pansinin. Wag ka magpapa-apekto sa mga sinasabi nila"

" Ano bang pake mo sakin? Kaaway mo rin ako kaya makisali ka sa usapan nila about saken!"

"Pero HyeJin hindi ko ugali yon, kaya lang naman ako nainis dahil sa ugali na nakita namin sayo pero alam naming kaya mo magbago!" sabi ko at niyakap ko siya. Hindi ko alam, pero wala na 'kong naramdaman na galit sa kanya. Siguro dahil sa kalagayan niya ngayon, mahirap din kasi magkaroon ng ganong sitwasyon.

Nang matahan na siya, sabay na kaming bumaba at inihatid ko siya sa room niya "Sorry EunJi sa lahat ah,i'm sorry kung naging maldita ako sa inyo" sabi nito at hinawakan yung kamay ko "Ayos lang hahaha, aalis na ko bye" pamamaalam ko at bumalik na sa room.

"Hoy, bat ang tagal mo?" tanong ni RinYu sakin "ahh wala, sinamahan ko lang si HyeJin sa rooftop"

"Bakit? Di ka naman inaway?"

S T R E E T L I G H TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon