2 hours na kaming nagiikot ikot dito sa mall, marami din naman akong nabili kase iilan lang yung kanina. Ganon pa rin kami gumala, ang dadaldal kapag naglalakad tapos takbo ng takbo. Parang mga bata na nakawala sa bahay HAHAHAHAHAHAHA
Napatingin naman ako sa wrist watch na suot suot ko at potek, 10 pm na pala! Hindi ako pwedeng magpuyat huhu, kaso sayang naman kung aalis kaagad ako. Ngayon lang ulit kami nagkita kita, pero bawal talaga ako magpuyat:(
"Teka!" Napahinto silang lahat at sabay lumingon sa'kin, agad naman akong lumapit sa kanila "kailangan ko nang umuwi–" sabay sabay naman silang nagpabuga ng hangin at nasimangot, parang mga bata na hindi pinayagan bumili ng laruan amp. "Next time nalang please, hindi ako pwedeng magpuyat"
"Ok, ok. Nextime nalang ahh, pero wala kang sasakyan. Ihahatid kana sana namin kapag natapos yung galaan natin"
"No, magta taxi nalang ako–"
"Ihahatid na kita, uuwi na din ako. Nagtext dad ko, hinihintay na 'ko. Ingat kayo, enjoy" sabat ni SooJin at naglakad papalayo pero nahinto din siya nang mapansin niyang hindi ako sumunod sa kanya, marahas naman siyang lumingon sa'kin "sumabay ka na sa'kin, delikado kung sasakay ka pa ng taxi ng ganitong oras"
"Oo nga gaga, sumabay kana kay SooJin" sabat naman ni RinYu at wala naman akong magagawa kaya sinundan ko nalang si SooJin.
Ang laki ng pinagbago niya, halatang seryoso na siya sa buhay niya. Napakatahimik netoh kanina pa eh akala mo may glue yung bibig at hindi makapagsalita, kahit tawa man lang wala akong narinig sa kanya at hindi ko rin nakitang ngumiti. Masaya ba 'tong si SooJin na nagkasama sama na ulit kami?
Agad naman kaming nakarating sa building at bumaba ako, "mag iingat ka, bye" tipid kong pamamaalam at naglakad papalayo pero napahinto ako ng tawagin niya yung pangalan ko. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti "I.."
Pabitin niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin "nevermind. Kita tayo bukas, 9 am nandito na 'ko bye Goodnight" dire diretso niyang sinabi at pumasok na siya sa car niya tsaka umalis.Ano daw? Magkikita kami?
Bahala nga siya, maraming gawain ang isang manager ng sikat na company tapos aayain ako? Makakalimutan naman niya yon bahala na siya.
Agad naman akong pumasok sa building at nagbow sa guard, at nang makarating ako sa 5th floor nakita ko si SunWoo na nakaupo sa tapat ng pinto ng room ko.
Ginagawa niya don?
Lumapit naman ako at tumayo naman siya, magsasalita na sana ako ngunit masama tingin nito sa'kin "Ang tagal mo, saan ka ba galing?"
"Sa galaan"
"Galaan? 10:30 pm na ahh"
"Oh?"
"Oh?"
Parang tanga amp, oh? Oh? Naggagaguhan lang kame ni SunWoo dito eh
"Sila RinYu naman kasama ko, ano bang pake mo?"
"Nothing, ngayon ka lang kasi nakauwi ng gantong oras kaya nagalala ako baka mamaya may nangyari sayo. Sige na balik na 'ko sa roo– nabanggit mo ba si RinYu?"
"Oo, dito daw muna siya sabi niya. Ang laki na nga ng pinagbago niya ehh, isasama sana kita kaso busy kayo kase magco comeback nanaman kayo"
"Ahh oo, sige na balik na ulit ako. Paki kamusta nalang ako sa kanya ahh kung magkikita ulit kayo goodnight" at nagulat naman ako nang yakapin niya 'ko "pumasok ka na" utos niya at pumasok na nga ako.
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...