[EunJi]
2 hrs bago kami makarating sa house nila, pinasok ng pinsan ni SooJin yung gate na bumubukas mag-isa
Dito palang halata ng mala mansion ang bahay(╥﹏╥)
Nang ipasok na ng pinsan niya, bumungad ang naggagandahan ng puno dito at halaman. Maraming pasikot sikot dito pero nakarating naman kami sa mismong tapat ng mansion nila. Sobrang laki ng bahay nila, modern mansion kung tawagin. Hindi ko aakalain na may manliligaw akong gantong kayaman, "Bumaba na kayo, ipapark ko lang 'tong car " sabi ng pinsan ni SooJin at bumaba na kaming tatlo.
Matapos i-park ni Hoyoung yung car pumasok na kami, malaki dito sa loob na halos pwede ka maligaw sa laki nito. Pumunta kami sa dinning table nila na sobrang haba at maraming naka upo. Halos lahat sila ay nakatingin sakin, hinawakan ni SooJin ang kamay ko ng sobrang higpit "Mom, dad. My girlfriend" sabi nito at napatingin ako sa kanya na gulat na gulat
Hindi ko pa nga siya sinasagot ehhhh(─.─||)
Walang emosyon ang makikita mo sa mukha ng parents niya sa totoo lang, nakakatakot din tignan yung stepfather niya pero may kagwapuhan den. Nabalin ko ang paningin ko sa mommy niya at nagkatitigan kami, pero gumaan ang loob ko nang ngitian ako nito kaya ngumiti din ako.
Umupo na kaming dalawa ni SooJin at kumain na sila, "kumain ka, wag kang mahiya" bulong ni SooJin sakin at nilagyan niya ng kanin yung plate na nasa tapat ko. Ilang sandali ay tumayo yung dad niya at tinawag si SooJin, tumayo naman si SooJin at pumunta sila sa taas. Habang kumakain kami ay naririnig namin ang pinaguusapan nila SooJin ng dad niya.
[SooJin]
Nandito kami sa loob ng kwarto ng stepfather ko, umupo ako sa sofa at nagsimula na siyang magsalita "Kamusta ang pamumuhay ng wala kami ng mommy mo?"
"Masaya akong hindi ka nakikita."
"Hindi ka pa rin nagbabago"
"Hindi ka rin naman nagbago, hanggang ngayon mababa pa rin tingin mo saken"
"Tell me, bakit ba ayaw mo 'kong ituring na daddy mo?"
"Dahil hindi ka kagaya ng daddy ko noon, hindi ako mukhang pera" sagot ko at tumawa siya ng mahina, "napag usapan namin ng mommy mo na magpapakasal ka kay Hara"
"Hindi ako papayag."
"Bakit? Mayaman naman siya, maganda, lalo na't matalino"
"Sabing ayoko! Mahal ko girlfriend ko, mahal ko si EunJi at higit sa lahat, ayoko sa mayaman!wag mo 'kong itulad sayo na pera lang ang habol"
"Tss, really? Yung babaeng yon yung girlfriend mo? Halatang pera lang din ang habol niya sayo"
"Hindi ganon si EunJi, hindi ako magpapakasal kay Hara" tipid kong sagot at lumabas sa kwarto. Pumunta ako sa dinning table, lumapit ako kay EunJi at hinawakan ko kamay niya tsaka kami lumabas.
Sumunod samin sila ate ChinJoo at si Hoyoung, pumunta kami sa car at sumakay kaming apat.
[EunJi]
Sumakay kami ng car at nagsitawanan kami dahil sa nangyari, hindi ko alam pero natawa din ako sa pagtakas naming apat "Grabe HAHAHAHA narinig ko yung sinabi mo na hindi mo siya katulad na mukhang pera, i like it " sabi ni ChinJoo at tumawa kami, pumunta kami sa restaurant at duon na kami kumain. Pagpasok namin, pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa grandeng suot namin. Umupo na kaming apat sa isang table at nagorder naman si ChinJoo at SooJin, "Alam mo, napaka swerte mo sa pinsan ko" sabi sakin ni Hoyoung at napatingin ako sa kanya "Hahaha alam ko naman yun"
"Nang dahil sayo, nagkaroon siya ng maraming kaibigan..madalas ko na siyang nakikita sa school na may kasama hahaha, dati kasi hindi"
"Ha?bakit?"
"Masungit yun dati eh, pero nung nakilala ka niya ang laki ng pinagbago niya"
"Ahhh hahahaha bakit nung lumipat siya sa dorm ang bait bait niya sakin?"
"Alam mo bang matagal ka na niyang kilala?" tanong nito at natahimik ako, "Same school kayo nung grade 7-9, hindi mo alam?" Tanong ulit niya at na-curious naman ako, "Same school?"
"Yes, Naalala mo pa ba yung uso dati? Yung blind date?" tanong pa niya at nanlaki yung mata ko, "Don't tell me?"
"Sa kanya ka nireto ng mga kaibigan mo nung elem. kinausap ng mga kaibigan mo si SooJin na makipag blind date sayo, dapat nga diba sa coffee shop kayo magkikita? Kaso hindi siya nakapunta kase inabutan siya ng ulan. Kaya kinabukasan, iniabot ni SooJin sa kaibigan mo yung pink na hoodie para ibigay sayo" sabi nito at napatulala lang ako. Hindi ko akalain na siya din pala yung crush na crush ko dati, "Pero si MoonJin yung nagbigay sakin non" sagot ko at tumawa naman siya, "Siya yung MoonJin, name niya kasi yon sa nilalaro niyang online game non tapos gusto niya yun yung itawag sa kanya" sagot naman niya.
Si SooJin pala yung dating crush na crush ko noon(╥﹏╥)
"Hindi na niya sinabi sayo yon kasi baka di mo rin maalala. Tsaka nakwento niya sakin, ang saya daw niya nung nalaman niyang ikaw yon at iniingatan mo daw yung hoodie na pinl" sabi pa niya. Naputol ang paguusap namin dahil natapos ng umorder yung dalawa.
Pagtapos namin kumain, bumalik kami kaagad sa kotse ni Hoyoung at sumakay. Papunta kami sa dorm namin kaso medyo matagal pa bago makarating dahil sa layo ng napuntahan namin. "Inom tayo soju sa dorm nyo" sabi ni ChinJoo "sige ba" sagot naman ni SooJin na akala mo hindi bumabagsak kapag nakakainom non.
Bago kami pumunta sa dorm huminto muna kami sa convenience store para bumili ng soju. Habang namimili sila, kumuha ako ng mga chips at chocolate tsaka namin binayaran lahat ng binili namin.
Nakabalik na kami sa dorm at nagsimula na silang uminom, "matira matibay ahhh HAHAHAHAHA" sabe ng ChinJoo at inabot sakin yung isang maliit na baso na may soju at syempre ininom ko, "Ang kalat naman ng damit mo dito SooJin, di ka ba nahihiya kay EunJi nyan?"
"Ako din naman naglilinis dito eh, diba EunJi?"
"Anong ikaw? Taga luto ka lang ng breakfast noh!" Sagot ko.
Ilang oras na kami umiinom at pakiramdam ko babagsak na 'ko dahil sa dami ng nainom ko. Hindi ko na talaga kaya ni kahit tumayo hindi ko na magawa, unti unti ng bumagsak yung mata ko. Naramdaman kong may bumuhat sakin at idinala ako sa kama, pinipilit kong ibuka yung mata ko para makita kung sino pero tuluyan na 'ko nakatulog dahil sa pagka hilo at pagsakit ng ulo ko.
---------------------------------------------
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...