06

11 15 0
                                    

[SooJin]

Nasaan na siya?(*・~・*)

Bumalik ako sa kwarto, pagkahiga ko sa kama may napansin ako sa cabinet na neon green na sticky note

SooJin sorry kung hindi kita ginising:( wala namang pasok today:) sinundo ako ni tita kasi umuwi sa kanila si eomma,pupunta daw dito si JungSeok mamaya..gala daw kayo, EnJoy : )

Kaya naman kumuha ako ng damit para maligo.

After 15 mins natapos nako maligo at saktong dumating na si JungSeok dito sa dorm, "Annyeong SooJin, umalis daw si EunJi kaya ako pumunta dito..tara gala?" Pag aya niya kaya naman kinuha ko na phone ko at lumabas na kami ng dorm.

Pumunta kami ng park at kumain ng ice cream, "I know na may gusto ka kay EunJi." Sabi niya na ikinagulat ko "saan mo nakuha yang chismis na yan?hahahaha"

"SooJin, kitang kita kaya sa mata mo" sagot niya at tumahimik nalang ako, "naalala ko nung nasa canteen tayong lima..nung first day mo, hindi maalis yung paningin mo kay EunJi"

"Wala namang ibig sabihin yun ehh hahahahaha, ganon talaga ako k-kapag nakikinig"

"Maganda naman si EunJi, cute kasama, mabait, tapos concern lagi"

"Halata naman, pero friends lang kami hahaha" sagot ko at patuloy lang kami kumakain ng ice cream. Pagtapos namin kumain pumunta naman kami sa apartment na tinutuluyan niya, pagpasok namin ay naupo kami sa lapag at naglaro ng video games.

Pagkatapos naman namin maglaro, nagluto si JungSeok ng tteokbokki at kumuha ng dalawang Soju sa ref niya tapos binigay sakin yung isa "Hindi ako uniinom"

"Ang bait mo naman, ngayon lang toh sige na" sabi niya kaya naman kinuha ko nalang at kumain kami, "Ahh! Ang tapang naman neto" sabi ko nung tinikman ko yung soju at tumawa siya "Ayos lang yaaaan ano kaba, buong buhay mo hindi ka nakatikim ng soju?"

"Nakatikim na, pero matagal na yon hahaha"

"Yun naman pala eh, umaarte kapa ahh hahahaha" sabi naman niya at tumawa ng tumawa. Wala na kaming ginawa kundi nagkwentuhan lang at tumawa, naubos na yung soju na iniinom namin kaya naman kumuha pa siya sa ref niya.

[EunJi]

Gabi narin ako umuwi sa dorm dahil sa matagal na kwentuhan namin nila eomma at nung childhood friend kong si KyungMin, kasama kasi ni eomma si KyungMin umuwi dito. Actually kaya daw sila pumunta dito para ligawan ako ni KyungMin, mabait naman si KyungMin, Cute, matalino, tsaka talented. May girlfriend na yun nung huli kaming nagkita kaso nagbreak daw sila kasi umuwi ng states yung gf niyang si HwaYoung last year.

Pumasok ako sa dorm at wala pa din si SooJin, pumunta nalang muna ako sa kwarto at nahiga sa higaan niya. Habang nags scroll ako sa twitter, biglang tumawag sakin si JungSeok

Call Connected
00:00

Yeoboseyo????

EunJi mukhang hindi makakauwi si
SooJin dyan sa dorm

Bakit????

Nakatulog na dito, lasing na lasing hahaha

Ahhh ganun ba...

Sige, pakainin mo yan bukas ha..

Oo, gusto mo ihatid ko nalang?
para may kasama ka dyan sa dorm

S T R E E T L I G H TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon