"I'm sorry talaga"
"H-hindi naman ako umaasa, but thanks. Kasi nagpakita ka ulit, nakita ulit kita. Yun lang naman gusto ko, kase.. miss na kita yun lang. Kaya wala kang dapat ipaliwanag sa'kin, naiintindihan ko. Thank you haha" sabi ko sa kanya saka ko pinunasan yung luhang tumulo sa mukha ko. "Ihahatid na kita, wag kang makulit" saka kami ulit lumabas ng cafe at sumakay sa car niya.
Ilang minuto lang, nandito na kami sa building. Bumaba naman ako kaagad at nagpaalam sa kanya "Thank you ulit" sabi ko at niyakap niya 'ko ng mahigpit "magpahinga ka na"
"Magiingat ka"
"Ikaw din, bye" at sumakay na ulit siya sa car niya saka umalis.
Pumasok naman agad ako sa building at sumakay ng elevator. Nang magbukas ulit, nagulat ako nang bumungad sa'kin si SunWoo "Saan ka nanaman galing? Umalis ka nanaman ng di nagpapaalam ahh"
"Nagkita lang kami ni SooJin"
"Si SooJin? Nagdate kayo?"
"Hindi ahh, nilibre lang niya 'ko coffee" sagot ko habang binubuksan ko yung room ko "Buti naman nagkita na kayo, ang tagal tagal mong naghintay"
"Kaya nga eh yun lang naman gusto ko, makita ulit siya"
"Yun lang? 'di mo na siya mahal?" tanong niya sa'kin na ikinatulala ko sa door knob "Mahal? Haha hindi noh! Matagal na 'ko nagmove on"
"I know you love him, 'di mo kailangang magsinungaling"
"Hindi kaya"
"Mamatay man si SooJin?" 'di nako sumagot at binuksan nalang yung pinto, "Diba, sabi ko na ehh hahaha balik na 'ko sa kwarto ko bye" pagpapaalam niya at umalis na nga siya.
1 week ago. . .
"Ohhh pak! Sabi na ehhh bagay sayo yang gown na yan, ikot ka biliiiii!" Utos ni WooJin sa'kin at sinunod ko naman "Mukha kang prinsesa EunJi!!! Prinsesa ng palaka" hinampas ko siya ng malakas dahil sa pangaasar niya.
"You're so beautiful EunJi, bagay na bagay sayo yang gown mo. Lalo na yung groom yieeee"
"Tsssk ano ba! Tara na nga!"
"Gaga! Wala ka pang make up aalis ka na? Excited ka?" sabi ni WooJin na nakapamewang. Oo nga pala, hindi pa 'ko nagmi-make up.
Nang matapos na niya 'kong make up-an inayos naman ni RinYu yung buhok ko, kinulot lang niya yung hair ko tapos binaba yung bangs saka nilagay yung maliit na tiara.
"Sumakay ka na sa kotse, ingat lang baka masira gown mo, make up mo, buhok mo, itusra mo-"
"Oo na hahaha tara na!!" at sumakay na nga kami sa kotseng nakaparada sa labas ng building namin.
After 30 mins, nakarating na kami sa simbahan. Pinark muna namin yung car na gamit namin saka bumaba at inalalayan nila yung gown ko.
"Oh EunJi, bulaklak mo! Hawakan mo na jusko kokotongan kita ehhh" inabot sa'kin ni WooJin yung rosas na puti at binuksan na yung pinto ng simbahan.
Dahan dahan na 'ko naglakad, nakatingin silang lahat sa'kin at nakangiti. Nabalin naman yung paningin ko kay SooJin na nasa altar at nakangiti din sa'kin, nginitian ko din siya pabalik.
Naramdaman kong bumabagsak na yung luha ko habang naglalakad, agad ko namang pinunasan kasi baka masira yung make up. Napatingin ako ulit kay SooJin, napaka ganda ng ngiti niya. Yung ngiti niya ngayon, kakaiba. Ang sarap sa pakiramdam, kasi ito yung pinaka hinihintay niya.
Lumapit naman sa'kin si SunWoo, at inihanda na niya yung braso niya saka ako kumapit "kaya mo yan" bulong niya sa'kin habang naglalakad na kaming dalawa sa gitna saka umupo sa gilid.
Sunod namang pumasok sila RinYu at JungSeok. Nang makaupo na sila sa tabi namin ni SunWoo, Si WooJin naman tsaka si DaeWoon. Sunod si YeoNa tsaka yung boyfriend niya, at nahuli si HyeJin at yung bride. Si Hara.
'di ko na nagawa pang panoorin siyang maglakad, napayuko nalang ako. Marahan ko namang tinignan si SooJin, yung mukha niya... Hindi maipinta. Yung ngiti niya kanina, nawala.
Hindi ba dapat masaya siya ngayon? Kase ikakasal na siya hahaha mas malala pa yung itusra niya ngayon kesa kung pano siya magalit noon.
Ang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko yata kayang makita silang dalawa sa altar. Hindi ko matanggap, ang sakit. Sobra.
"Are you ok?" tanong ni SunWoo sa'kin at iniabot niya sa'kin yung tubig na nasa bote "aanhin ko yan?"
"Iinumin syempre hahaha" kinuha ko naman at ininom para gumaan yung pakiramdam ko, pero hindi. Mas lalong bumigat pakiramdam ko, ayoko na dito. Bakit ba kasi ako inimbitahan dito?
At eto na nga, sinundo na si Hara ng parents niya. Pakiramdam ko nanghihina ako sa mga nangyayari ngayon, hindi ko talaga kaya. Parang babagsak ako sa kinauupuan ko, sumasakit na talaga dibdib ko. Hindi na normal nararamdaman ko, mas malala pa talaga 'to kesa noong nakipagbreak siya. Ang sakit, sobra.
Nagabot si SunWoo ng panyo sa'kin, kukunin ko na sana nang biglang sumakit dibdib ko at parang babagsak na talaga ako. Inalalayan naman ako nila RinYu at lahat ng tao dito sa loob ng simbahan ay napatingin sa'kin, maski sila SooJin napatingin na sa'kin at kitang kita sa itsura niya ang pagaalala niya.
"A-ayos lang ako haha" sabi ko at umupo ako ng maayos na parang walang nangyari sa'kin. Pinagpatuloy na ni Hara paglakad niya papunta kay SooJin, habang palapit siya ng palapit sa altar ay palabo ng palabo yung paningin ko.
Nang makarating na si Hara sa altar, sumakit na lalo yung dibdib ko. Napahawak na 'ko sa sakit, hindi ko na maidilat yung dalawa kong mata sa sakit. Nahihirapan na 'kong huminga, at duon na 'ko bumagsak.
Tumayo naman si SunWoo at RinYu, naramdaman kong may nagbuhat sa'kin pero hindi ko na nakita kung sino kase nawalan na 'ko ng malay.
__________________________________
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...