05

16 15 0
                                    

[EunJi]

6:34 am nang magising ako dahil merong kumalabog sa kusina, bumaba ako para silipin kung ano yon.

"Goodmorning EunJi, sorry nagising kita.. nahulog kasi yung takip ng rice cooker hahaha" bungad ni SooJin habang hawak-hawak niya yung takip ng rice cooker, "Nagluto pala ako ng breakfast natin, umupo kana tapos na toh" sabi pa niya at umupo nako.

"SooJin next time ako na magluluto ng breakfast ahh, lagi nalang ikaw gumagawa nito ehhh" sabi ko at tumawa siya ng mahina, "Ayos lang noh hahaha, gawain ko talaga toh kahit nung kami pang dalawa ni eomma nagsasama"

"Ahhh hahaha pero sa susunod ako naman, kaya ko naman magluto mas masarap pa sa luto mo"

"Sige, kapag nauna ka magising sakin" sabi niya at nilapag na yung dalawang plato na may bacon, egg at rice tapos meron din siyang tinimplang milk.

Pagkatapos namin kumain ako na nagligpit ng pinagkainan, nakakahiya naman siya na yung nagluto eh. Dumiretso na si SooJin sa cr para maligo at ako naman naghuhugas ng pinggan, "EunJi, pwede mo ba kunin yung damit ko sa kwarto?" Utos niya at kinuha ko sa kabilang cabinet yung mga damit niya.

Kinatok ko si SooJin at Iniabot ko damit niya sa cr pero syempre nakatakip yung dalawang mata ko, baka kasi may masilip huhuhu "bat nakatakip mata mo?hahahaha"

"Wala, masama ba?" Sabi ko at tumawa lang siya, pagkalabas niya ng cr ay ako naman sumunod maligo.

Pagkatapos ko maligo nagbihis nako at lumabas ng cr, pumunta ako sa kwarto para mag-ayos ng mukha at buhok.
Matapos ang ilang minuto sinuot ko na yung Uniform ko at lumabas bitbit ang bag, "Alis na tayo?" Tanong ni SooJin na nakaupo sa sofa "oo alis na tayo kaya tumayo kana diyan" sabi ko, tumayo na siya at kinuha yung bag niya.

Lumabas na kami ng dorm tsaka sa gate, naglakad lang kami papuntang school kasi medyo malapit naman tsaka maaga pa. "Yung SunWoo ba laging sumusundo sayo dito?"
Tanong niya habang naglalakad kami, "Oo, bakit"

"May gusto ba sayo yun?" Tanong niya at bigla akong natawa, "Anong nakakatawa sa tanong ko?"

"Hahaha wala naman, walang gusto sakin yun noh..friends lang kami"

"Weh? Friend ba yung sinusundo ka lagi sa dorm?"

"Wag mo kasi lagyan ng malisya, sakin kasi siya unang dumikit nung first day niya sa school"

"Pwede naman sa lalaki, bakit sayo?"

" Eh ako katabi niya ehhh, tsaka bakit ba tanong ka ng tanong tungkol kay SunWoo?"

"Wala lang. Ngayong hindi ka niya sinundo at bago lang din ako sa school, ako naman makakasama mo." Sabi niya at natahimik akong naglalakad, "Sa uwian ako nalang din kasabay mo, pwede po EunJi?"

"Hmmm, sige"

"Promise?"

"Promise!" Sagot ko at ngumiti naman siya, ilang minutong paglalakad namin nakarating na kami sa gate ng school at pumasok.

Medyo malayo pa rin lalakarin namin sa loob dahil sa sobrang laki ng school kaya naman habang naglalakad nagkukwentuhan kami, "alam mo bang ikaw yung unang babae na naging kaibigan ko" sabi niya at natahimik nanaman ako, "ikaw lang yung babaeng naging kaibigan ko, noon kasi kapag nakikipag kaibigan ako lagi akong napapaaway"

"Huh?bakit naman"

"May mga boyfriend kasi tas nilalayo nila sakin hahahaha"
Sagot niya at tumawa, so buong buhay niya ako lang yung babaeng naging kaibigan niya? Ang weird hahaha, "kaya sana EunJi...." Dugtong pa nito at tumingin sakin "sana di ka na mawala sa tabi ko hehe"sabi niya at ngumiti naman ako
"Sige, hindi ako mawawala sa tabi mo hahahaha"

S T R E E T L I G H TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon