32

9 13 0
                                    

[EunJi]

"Birthday mo pala nung nakaraan, i'm sorry hindi kita nabati" kinuha niya yung kamay ko at hinigpitan ang hawak na para bang nakonsensya siya sa hindi pagbati sa'kin

"Jusko maryosep, ayos lang. Maliit na bagay hahaha"

"Pero eto, may gift ako sayo" sabi nito, ilang sandali lang ay napatingin ito sa dibdib ko at natulala siya sa nakita niya, oww fvck SUOT KO PALA YUNG NECKLACE NA GIFT SA'KIN NI SUNWOO!!

Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya at wala sa sarili kong tinakpan yung pendant ng necklace ko, marahan ko naman siyang nilingon at para bang may iniisip ito.

Napansin kong may tinago siyang isang box sa likod niya kaya naman hindi ko naiwasang magtanong "Ano yun?"

"A-ang alin?"

"yung tinago mo sa likod mo"

"w-wala hahaha gift ko sa mom ko" sagot niya at parang peke itong ngumiti sa'kin, ilang sandali lang ay dinukot niya yung phone niya sa bulsa "I-i'm sorry, tinatawag na 'ko ni dad kasi marami pa akong gagawin. Next time nalang ulit tayo mag-kita"

"Sabi ko naman sayo ehh dapat tinapos mo muna lahat ng gawain mo, sige na. Magiingat ka ahh" sabi ko at natitig lang siya sa'kin "Hoy! Tinatawag ka na ng dad mo umalis kana!" ulit ko at lumabas na nga siya dito sa room.

Napaupo muna ako saglit sa upuan at huminga ng malalim. Wala akong sasakyan, hindi sapat yung pera ko sa taxi! Ang layo pa naman nitong lugar na 'to sa building namin, hindi ko rin kabisado dito. Kasi naman si SooJin, bakit dito pa! Pwede naman sa ibang cafe. Tapos ngayon, iniwan lang ako dito haysst.

Lumabas na 'ko dito sa room, actually kaya talaga ako naupo para magpalamig. At ngayon, nakalabas na 'ko ng cafe. So wala akong choice, maglalakad nalang talaga ako.

Buti nalang may dala akong facemask, sana naman walang makakilala sa'kin. Nagsimula na 'ko maglakad, pero ilang minuto palang nangawit na 'ko. Kaya naman nag abang nalang ako ng taxi, baka kasya na 'tong pera ko.

Ilang minuto lang, may huminto na sa harap ko. Sumakay na 'ko at naupo, hindi ako sigurado kung aabot yung pera ko sa building namin kaya natanong ko nalang si manong "Manong, kasya po ba 'tong pera ko papunta sa Sq Building?"

"ma'am sorry po, masyado pong malayo yung building na pupuntahan niyo. Malulugi po ako kung ihahatid ko po kayo don, pero aabot po kayo sa K company."

"K company? Saan yun?"

"Malapit po sa isang Brown Cafe"

"Sige po manong, don nalang po"

agad namang pinaandar ni manong yung taxi, at napasandal nalang ako. Pwede na siguro don, tapos pagdating maglalakad na 'ko. Medyo malapit naman na yon sa building namin, bakit ba kase hindi ako nagdala ng pera? Akala ko tuloy ihahatid ako ni SooJin. Haha pilingera EunJi nyoಠ_ಠ

Ilang minuto lang, nakarating na nga kami dito sa K company kuno at bumaba na nga ako. Malaki ang building na 'to ahh ang sosyal tignan, ang taas, tsaka lakas makayaman ang taray.

Nilibot ko naman paningin ko sa paligid ng building at nahagip ng paningin ko yung car ni SooJin, hindi ako nagkakamali na kanya yon. Ilang sandali lang ay may lumabas na lalaki mula sa loob ng kotse na yon, at tama ang hinala ko na si SooJin yon.

Hindi ko alam pero gusto ko siyang tawagin, kaso hindi ako narinig dahil sa lakas ng busina ng mga sasakyan. Natakbo nalang ko para sundan siya at ayon, napasok din ako dito sa loob ng building. Taray ang laki talaga, airport ba dis?

S T R E E T L I G H TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon