𝓓𝓪𝔂 3
Maaga kaming nagising dahil sa magaganap na discussion mamaya sa bakuran ng rest house, kaya naman pumunta na kami ni RinYu sa rest house para magbihis. Hindi kami pinagbibihis sa tent kasi maraming tao KSKSKS nakakahiya naman diba tapos biglang may magbubukas ng tent oh boom edi nasilipan gaga.
Tapos na kaming magbihis ni RinYu kaya naman lumabas na kami at nasalubong namin sila JungSeok at SooJin, "SooJin bilisan nyo ahhh!" sigaw ko at lumingon naman siya ngunit walang kahit anong reaksyon ang makikita mo sa mukha niya at para bang lumingon siya sa hindi niya kilala. Siguro masama lang panaginip niya pero hindi ko parin maiwasan yung kaba.
Nang makarating na kami ni RinYu sa tent namin, agad na kaming nagpakulo ng tubig para sa lulutuin naming ramyeon. Ilang minuto lang ay bumalik na ulit sila JungSeok dito, pumasok si SooJin sa loob ng tent nila at nahiga.
Tapos na naming lutuin ni RinYu yung ramyeon kaya naman pumunta ako sa tent nila SooJin para tawagin siya, "Yahh SooJin kain na tayo" habang kinakalabit siya at bigla nalang niya hinampas yung kamay ko "Mamaya na 'ko! Mauna na kayo" sigaw nito sakin kaya naman nagulat ako. Lumabas nalang ako ng tent nila na parang walang nangyari, kumuha nalang ako ng lalagyan ni SooJin tsaka ulit ako pumasok sa tent nila at inilapag yon sa maliit nilang table sa loob.
Napapaisip nalang ako kung may nagawa ba 'kong masama kay SooJin, at bakit bigla nalang niya 'ko sinisigawan. Nung nakaraang sinigawan niya ako at yung dahilan na sinabi niya, pakiramdam ko hindi talaga yun ang dahilan kung bakit bigla siyang naninigaw. Nung nasa ilog kami, sobrang lalim talaga ng iniisip niya. Kapag tinitignan ko siya ng diretso, bigla nalang iiwas yung paningin niya. Nung kinumpis ko yung phone nilang tatlo, napatingin ako sa kanya at para bang nabadtrip siya sa nagawa ko. Kagabing pumasok siya sa tent nila, nahuli ko yung tingin niya sakin na masama.
At dahil duwag ako, hindi ko siya makausap dahil sa takot na baka masigawan pa niya 'ko. Gusto ko sana siyang kausapin ng maayos pero pakiramdam ko hindi niya ako papansinin.
"Huy EunJi! malamig na ramyeon mo, kanina mo pa tinititigan." panggugulat ni RinYu sakin. Kanina pa pala ako nakatitig sa ramyeon, nawalan na 'ko ng gana kumain. Bigla nalang ako nakaramdam ng lamig sa katawan ko kaya naman kinuha ko yung bowl at lumabas tsaka tinapon yung ramyeon.
Ilang minuto lang ay nagwhistle na ang adviser namin, pinapunta na kami sa bakuran ng rest house kung saan may mga wood picnic table.
Nakagrupo kami ngayon dito, at minamalas nga naman ay sa ibang table nakagrupo si SooJin. Nang ibalin ko ang paningin ko sa mga kagrupo niya, nakita ko din duon si YeoNa. Inaamin kong nakaramdam ako ng selos, dahil nakikita ko si SooJin duon na tumatawa at parang tuwang tuwa siya na kasama niya yon.
Agad naman ako umiwas ng tingin dahil lumingon si SooJin dito sa table namin, pinatong ko nalang yung kanang braso ko at sinikap kong huminga ng malalim habang tinatanaw yung forest na malapit dito.
Itinuon ko na ang buong atensyon ko sa harapan kung saan nanduon na si Mrs. Kim at ilang mga staffs dito na handa na sa discussions.
Habang nakikinig kami, naririnig ko ang tawa ni SooJin sa kabilang table. Marahan naman akong tumingin sa kanila at nakita kong naghaharutan sila ni YeoNa, kaya naman binalin ko nalang ulit yung paningin ko sa harapan.
Matapos ang isang oras na discussion ay tumayo na kaming lahat at pinabalik sa kanya kanyang tent. Habang naglalakad kami ni RinYu, napansin ko sila YeoNa at SooJin na sabay din maglakad malapit samin.
Nakaramdam na 'ko ng selos at sakit dahil sa mga nakikita ko, dahil sa kinikilos nilang dalawa. Siguro totoo yung sinabi sakin ni RinYu na kaya humingi ng tawad si YeoNa para mapalapit kay SooJin.
Nang makarating na kami ulit sa tent namin, naupo muna kami ni RinYu saglit sa loob ng tent. Nagdadalawang isip ako ngayon kung kakausapin ko ba si SooJin o hindi dahil baka lalo lang siya mabadtrip. Lumabas na 'ko ng tent at lalapit na sana ako kay SooJin pero umalis din ito bigla.
Dahan dahan ko naman siya sinundan at papunta ito sa babaeng nakatayo malapit sa ilog, at hindi ako nagkamali na si YeoNa yon nang lumingon na ito kay SooJin.
Hindi ko naman magawang lumapit sa kanila dahil ayoko silang maistorbo sa paguusap nila, mas pinili ko nalang na panoorin sila magusap. Hindi ko din marinig ang pinaguusapan nila pero sigurado ako na kinukwento ni SooJin yung mga problema niya, pero bakit sakin hindi niya magawang sabihin lahat ng yon?
Naramdaman ko nalang na may luhang tumulo sa mukha ko pero pinunasan ko kaagad at umalis nalang, hindi ko parin talaga maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano bang nagawa ko sa kanya.
______________________________
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...