[EunJi]
Lumabas muna ako ng room at pumunta ng rooftop para magpahangin. Habang pinagmamasdan ko yung mga naggagandahang building may kumausap sakin mula sa likod ko, "May problema ka ba na hindi mo sinasabi sakin?" at hindi ako nagkakamaling si SooJin yon, "Anong ginagawa mo dito?" tanong ulit niya sakin "ah wala hahaha nagpapahangin" sagot ko. Niyakap niya 'ko mula sa likod at dumaan yung simoy ng hangin saming dalawa, "Sorry ah, makulit lang talaga yung YeoNa na yun eh" sabi niya at tinanggal niya yung yakap sakin "Sino ba yun?"
"Magagalit ka ba kung sasabihin kong...?"
"Ex crush mo?
"O-oo hehe"
"Bakit naman ako magagalit? HAHAHAHAHA sabog ka ba?"
"Baka kasi magalit ka eh"
"Hindi noh HAHAHAHAHA"
"Eh kasi diba, ako yung crush mo nung grade 7-9?" tanong niya at natahimik ako saglit, "Bakit hindi mo sinabi na ikaw pala yung MoonJin?"
"Baka kasi hindi mo rin maalala"
"Tssk makakalimutan ko ba yon?hahahahaha" sabi ko at natawa din siya.
Bumaba na kami at pumunta sa room. Nang makabalik kami, napatingin ako sa YeoNa at masama akong tinignan kaya naman umiwas ako ng tingin
Ampota, inaano kaba?🙄
Dumating na yung subject teacher namin at nagsimula ng magturo.
Recess na namin, kaya pumunta na kaming pito sa canteen. Habang bumibili sila RinYu at HyeJin, pumunta muna ako ng cr. Nang makarating na 'ko, nakita ko si YeoNa dun at napahinto ako saglit sa paglalakad. Hindi naman ako natatakot sa kanya kaya diretso akong naglakad, napahinto ulit ako ng hatakin niya yung buhok ko "Amp. Anong problema mo?"
"Magusap tayo sa tahimik na lugar" sagot niya at sumunod ako. Pumunta kami sa likod ng pinakahuling building ng mga room, sobrang tahimik dito at walang masyadong tao. Nang mahinto kami dito, bigla niya 'kong sinampal ng malakas at nahawakan ko yung pisngi ko sa sakit na naramdaman ko "Amporkchop, ano bang problema mo?!"
"Ikaw!! Nang dahil sayo hindi nako pinapansin ni SooJin!"
"Malamang eh girlfriend ako eh!–" napahinto ako sa pagsasalita ng sampalin ulit niya 'ko, "Tangina! Kanina ka pa sampal ng sampal saken! Kakatransfer mo palang dito ahhhh!!!!" sigaw ko sa kanya, "Ito tatandaan mo, lumayo layo ka kay SooJin kung ayaw mong dagdagan ko pa yang sampal ko sa mukha mo"
"Bakit ako lalayo? Sino ka ba para sundin?reyna ka?reyna ka?" tanong ko at akmang sasampalin ulit ako nito kaya naman napapikit ako pero walang dumampi na kamay sa mukha ko, "Kakatransfer mo palang ang tapang mo na. Once na gawin mo ulit toh, dadalhin na kita sa office" sabi nung lalaki kaya minulat ko mga mata ko para makita kung sino, "Su-SunWoo...."
"Wag mo 'ko matawag tawag na SunWoo, hindi tayo close" sabi niya kay YeoNa at hinawakan niya yung wrist ko tsaka kami umalis. "Bakit ka sumunod don? Hindi naman kayo close non" tanong niya pero hindi na 'ko sumagot.
Nandito na ulit kami sa canteen at umupo kung saan nanduon yung anim, "Hoy gaga! Saan ka ba galing? Bakit namumula yang pisngi mo?" tanong ni WooJin "Nakita ko siya sa likod ng last building, kasama niya si YeoNa" sagot naman ni SunWoo "EunJi? Sumama ka don?" tanong naman ni SooJin sakin at tumango ako "Anong ginawa sayo non hoy!?"
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomantizmThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...